"Let me in."Kumunot ang noo ni Raven nang harangan siya ng dalawang goons ni Kiel na nagbabantay sa kwarto ni Raffy. Alam niyang inutusan ang mga ito ng asawa na wag magpapasok ng kahit sino doon.
"I'm sorry Madame. We can't."
"Kakausapin ko lang siya. ."
"But the King--"
"I am the Queen. Open the door and let me in!" Madiin na ang pagkakasabi noon. Alam niyang asul na ang mga mata niya sa sobrang inis.
Hindi ba ako nakikilala ng mga ito?!
Napalunok ang mga bantay at halata niyang nakadama na ng takot. Alam naman ng mga ito lakas niya. Kahit pa noong wala pang nagyayaring gulo, kilala na siya sa mga mata niya.
"P-Princesse du Soliel."
"It's QUEEN idiot. Now open that fucking door."
Mabilis na binuksan ng mga ito ang lock ng pinto at pinapasok siya.
Tumingin siya sa paligid. Maliit iyon kumpara sa ibang kwarto ng bahay. Basag ang salamin ng nag-iisang bintana sa isang sulok. May makapal na grills na nakaharang, di basta-basta makakalabas ang kahit sino. May nakatutok din na mga camera sa bawat sulok.
This is too much, she thought. Tapos mahigpit pang nakabantay yung mga nasa labas. May balak yata si Kiel na gawing preso ang sariling kapatid.
"Raffy."
Nakita niya itong nakaupo sa isang sulok ng kama at nakayuko. Rinig niya ang hikbi.
"Ate Raven.." sabi nito. Hindi parin umaangat nang tingin. Nilapitan na niya ito at marahang niyakap.
"Hush now..andito ako. Kakampi mo ako."
"Si Pierre....nakita kong binaril siya ni Kuya.." sambit nito nang yumakap na rin sa kanya. "Ate puntahan niyo siya. Baka..baka.."
"He's safe. Napuntahan na siya agad ni Fritz. Wag ka nang mag-aalala pa."
Napabuntong-hininga siya. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala nito. Ang takot. Maski siya ay ganoon din ang naramdaman kanina. Kung hindi pa tumawag si Dom at ibinalita ang lagay ng kapatid, baka siya na mismo ang sumunod kay Kiel.
HIndi niya akalaing magagawa iyon ni Kiel. May pinangako ito sa Daddy niya. Mukhang sa pagkakataong yon, mukhang nakalimot na ang asawa. Nadala na ito ng galit.
"Tahan na Raffy. I'll talk to Kiel. Hindi ka niya pwedeng ikulong nalang basta dito." Hinaplos niya ang buhok nito hanggang tuluyan nang kumalma.
Marahang itong kumalas sa kanya at umiling.
"W-wag na Ate. Kakakasal niyo lang. Baka pag-awayan niyo pa yan," sabi nito. "Saka naiintindihan ko si Kuya, alam kong galit siya. Kaya nga ako nag-decide na sumama muna kay Pierre dahil alam kong iinit ang ulo niya kapag nalaman niya yung tungkol samin. Gusto ko sanang palamigin muna ng sitwasyon bago ko siya harapin kaso, heto na."
Pinahid nito ang mga luhang tumulo sa pisngi. Nakakaawa. Malayo sa Raffy na nakilala niya noon na palaban. Na walang takot kahit na malalakas ang kalaban.
"I'm really sorry. This is all my fault. Kung di ako hinanap ni Kiel, hindi sana--"
"Tama na Ate," putol nito sa kanya. Yumuko ito at nagbugtong-hininga. "Ayoko nang manisi, tama na."
Hindi na siya makapagsalita. Ilang minuto din ang dumaan. Alam niyang siya ang dahilan ng lahat kung bakit nangyayari ito kaya nahihirapan ang dibdib niya.
"Ate."
Binasag noon ang katahimikan sa pagitan nila. Napalingon siya kay Raffy at nagkita ang bahagya nitong pagngiti. "Alam mo bang noong di pa kita nakikilala, nagalit ako sayo. Hindi kasi sinabi ni Kuya sa mga hunters na yon ang tungkol sayo kahit na may alam siya."
Napakagat siya ng labi. Natatandaan niya yon. Nakita niya mula sa alaala ni Kiel kung paano ito pinahirapan ng mga hunters na naghahanap sa kanya. Nakita din niya kung paano si Raffy walang awang ginasa ng mga yon. Lalo tuloy siyang kinakain ng konsensya niya.
"Tapos inamin niya rin sakin na mahal ka daw niya. Hindi pa niya alam ang pangalan mo noon pero mahal ka na daw niya talaga. Saka alam niya ring bampira ka dahil nakita daw niya kung paano mo pinatay yung mga kasama niyang manghoholdap sana sayo," sabi nito.
"Baliw no? Dapat siya yung na-confine sa Assylum at di ako," tuloy pa nito. Ngumiti ito at pinahid ang natitirang luha sa mga mata.
"Pinilit kong initindihin siya kahit mahirap. Si Kuya nalang kasi ang pamilya ko eh, sinakyan ko nalang ang trip niya. Pero buti nalang at mabait ka Ate. Saka mahal mo rin si Kuya. Sayang naman ang pagkabaliw niya kung hindi. Salamat at pinatulan mo rin pala siya sa kabila ng kagaguhan niya."
Napangiti siya. "Baliw din ako. He's an asshole but I still love him,"
Tumawa si Raffy. It was a genuine laugh pero ramdam niya ang pait mula doon.
"And I believe you feel the same way with Pierre." Sabi niya dito.
Nagbaba ito nang tingin. "Di ko nga alam kung paanong nangyari Ate. Kahit na nalaman ko ang lahat ng pinaggagawa niya, walang nagbago. Love rules nga diba?" Sambit nito.
Natawa siya. Ilang beses na niyang narinig ang 'love rules' na yan. "Ah pakshet Ate! Ba't sinasabi ko yun. Ang corny!" Kumuha pa ito ng unan at tinakip sa sa namumulang mukha. "Wag mong sasabihin yun kay Pierre ha. Tatawanan ako ng tukmol na yon."
Ngumiti siya dahil sa mga sinabi nito. She really loved her brother despite everything. That drives her more to help her. Gusto niyang bumawi sa kasalanan niya.
Hinawakan niya ang kamay nito. Napansin niya ang singsing nito sa daliri.
"Raffy..." Engagement ring? "So you and Pierre--"
Hindi na nito kailangang sagutin yon, nakita niyang pumula ng husto ang mukha nito.
"Itatanan na nga niya daw ako. Pupunta daw kami sa private island niya. Sayang, di kami natuloy. Exciting pa naman."
Huminga siya nang malalim. Hindi niya alam yon. Wala naman sinasabi si Pierre na may plano pala ito. Alam niyang hindi maganda ang huling pag-uusap nila ng kapatid kaya siguro hindi na pinaalam sa kanya.
"Ah, Raffy. I want you to have this." Dinukot niya ang pendant sa bulsa ng pantalon at inaabot dito. Nakuha niya iyon kay Kiel. Alam niyang suot iyon ni Raffy noong unang dinala dito.
"Pero ate sayo yan din ba?"
Umiling siya. "Pierre gave this to you. Sa'yo na yan,"
Tinanggap ni Raffy iyon at ngumiti. Kahit na alam nito ang hapdi sa balat silver ay di nito iyon binitawan.
"My father gave that to my mother as a symbol of their love. Alam kong binigay din yan ni Pierre sa'yo for the same reason." Tuloy niya.
"S-salamat Ate."
"Have faith. Magiging maayos din ang lahat."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...