Heat's POV
"HUWAG mona ulit uulitin yun ah?!" Inis na saad ko kay Vun na nagpupunas ng buhok.
"Nagustuhan rin naman..." Rinig kopang bulong nya kaya sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang lotion na hawak ko pero nasalo nya lang iyon.
"Wala pa tayo sa tamang panahon para gawin iyon, at aware ta'yo dun pero ginawa parin natin..." Pabuntong hininga na saad ko at nagsimula ng suklayan ang buhok ko.
Habang tumatagal at dunaraan ang araw ay mas lalo lang akong nagiging komportable na kausapin si Vun.
"Kailan ba yung tamang panahon?" Tanong nya na Parang hindi naman interesado. Inilagay nya ang tuwalya sa sandalan ng sofa.
"Tss...." Bakit kung makapagsalita sya ay parang wala syang balak na panagutan yung nangyari kagabi? Oo nga't hindi nya ako nabuntis pero pagka-birhen ko ang kusang ibinigay ko sa kanya, pagkabirhen na iniingatan ng lahat ng babae.
Hindi naman porket kusa kong ibinigay iyon ay wala ng halaga iyon. Naibigay ko yun ng walang pag-aalinlangan dahil sya yun.
Ugh, ewan.
Napalalim ata ang paglalakbay ng isip ko kaya hindi ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin sa likod.
"Papakasalan kita, Kung iyon ang bumabagabag sa isip mo. Kahit hindi mo naman talaga sabihin ay papakasalan kita at kahit ayaw mo ay papakasalan parin kita." Bulong nya habang nakatingin sa mga mata ko sa harap ng salamin.
"Ano yun sapilitan?" Natatawang tanong ko.
Ang sarap sa pakiramdam nung sinabi nya. Yung pakiramdam na sure bet talaga, walang pag-aalinlangan kang mararamdaman dahil tanging sensiridad lang ang makikita mo sa mga magaganda nyang mata.
"Hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa iba, Heat. Pero kung ikaw ang pag-uusapan... Papasukin ko kahit kasing liit ng butas ng karayom mapilit ko lang ang sarili ko sa'yo." Seryosong sagot nya na naging dahilan ng paglabas ng matamis na ngiti sa labi ko.
"You look sleepy..." Nakanguso na saad nya at pinaulanan ng halik ang pisnge ko.
"Sino nga pala yung babaeng kasama mo kagabi?" Nakakunot ang noo na tanong ko. Naalala ko kase ang babaeng pinakilala nya na "My Girl" kuno.
"Con's Girlfriend." Maikling saad nya.
"Girlfriend ng kaibigan mo tapos pinakilala mo na "My Girl"? Ang astig mo naman palang kaibigan." Sarkastikong tugon ko.
Tumugil sya sa paghalik sa pisnge ko at tinignan ako.
"Sinabi ko lang yun para makaalis ng walang inaalala si Dad about sa'tin, iisipin ni Dad na sya ang kasama ko sa buong linggo pero hindi nya alam... Bubuntot lang ako sa'yo." Mahabang paliwanag nya. Ngumuso naman ako para matago ang ngiting pilit na kumakawala.
Bubuntot? Ayoko sa salitang iyon dahil ayoko sa mga makukulit pero bakit pag dating sa kanya ay gusto ko? Gusto kong bumuntot sya sa'kin, Selfish man pero gusto ko sana na habang buhay syang nakabuntot sa akin.
"Inaantok ako..." Humikab ako.
Hinila nya ako patayo at iginiya sa kama.
"Sleep then," nakangiting saad nya at inihiga ako sa kama bago ako takluban ng kumot.
"Papanoorin moko matulog?" Tanong ko. Basa pa ang buhok ko pero grabeng pagod at antok na talaga ang nararamdaman ko.
Tumango sya bago humiga sa tabi ko pero pinigilan ko sya.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie