23

2K 65 8
                                    

Denice/ Via POV

"O-okay..." Utal na sabi ko at tinignan ang kamay nya na nakahawak sa bewang ko.

Hindi naman nadikit ang balat nya sa balat ko dahil naka bathrobe ako pero bakit parang nararamdaman ko parin ang init ng palad nya.

Shit, i'm insane!

Kumpara kay Fir na halos ipagdikitan na ang katawan nya sa akin kanina ay mas lalong nag-iinit ang pisnge ko sa ginawa na paghawak ni Mir ng bewang ko ngayon.

Napatingin din sya sa kamay nya na nakahawak parin sa bewang ko at dahan dahan iyong inalis.

Bakit mo inalis?

Oh, shit! Tanga kana ba talaga, Denice?! Malamang aalisin nya alangan naman hindi!

Napapalunok ako na tumingin sa kanya.

"Good... Ayoko lang na pinag-uusapan ang ibang tao kung pwede naman na ako." Sabi nya at tumingin sa ibang direksyon.

Pakiramdam ko ay umiinit na ang pisnge ko kaya hinawakan ko iyon.

"Where are you going?.." Tanong nya nung aktong tatayo ako.

"A-ahm... Kukuha lang ulit ng d-drink" ilang na sabi ko at hindi makatingin sa kanya.

"Don't drink too much..." Paalala nya na para bang dapat ko iyong sundin.

Hindi ko nalang sya pinansin at pumunta na sa mga alak.

Ayoko talaga sa lahat yung inuutusan ako. May sarili akong buhay kaya susundin ko kung anong gusto ko at hindi ang kung anong utos nyo.

Kaya imbles na makinig sa utos nya ay mas dinamihan kopa ang inom ko.

Ewan koba... Nasa personality kona ata toh na kapag pinagbabawalan or inuutusan ako ay kabaliktaran ang gagawin ko.

Sa bawat lagok ko ng Alak ay nakatingin ako sa kanya, ganon din naman sya sa akin.

Kahit sandali o isang beses ay hindi kopa nakikita na lumapat ang mga mata nya sa ibang tao dito.

Sa'kin lang.

Nag patuloy lang ako sa paglagok ng Alak ng makaramdam ako na para bang naiihi.

Well, hindi parang... Naiihi talaga ako.

Tumaas ang kilay ni Mir ng makita na naglalakad na ako paalis pero hindi kona sya pinagtuunan ng pansin.

Naglakad na ako papasok sa cr ng girls.

"The triplets of Bontre are here..."

"Oh... Seriously? Hindi ko sila nakita kanina."

"Me too..."

"Oh.. So sad, pero hanapin nyo nalang mamaya. I'm sure natabunan lang sila ng mga tao ngayon dito..."

Ilan lang yan sa mga usapan na naririnig ko dito sa Cr.

At syempre mga Bontre na naman ang topic nila.

Nang matapos na akong umiihi ay lumabas na ako ng cubicle.

"Oh..." Naibulas ko ng umikot ang paningin ko.

Shit.

Napahawak ako sa magkabilang gilid ng pintuan ng cubicle na pinasukan ko kanina at pumikit ng mariin.

Fuck.

Mas dumami ang mura sa isip ko ng maramdaman ko ang paghilab ng tyan ko.

Damn! I don't want to Vomit!

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon