Vun's POV
Damn... Ano yung ginawa ko?!
Kakalabas ko lang ng kwarto ni Heat. Napasandal ako sa pader at hinawakan ang dibdib ko na mabilis ang tibok ng puso.
Ang lakas ng tibok ng puso ko kanina lalo na ng hinalikan ko yung ilong nya.
Napangiti ako ng maalala ang mukha nyang parang kamatis ng hinalikan ko ang ilong nya.
Teka...
Bat koba yun ginawa?..
Napailing-iling ako sa isipin na may gusto na ako sa kanya.
Nag padala lang ako sa nararamdaman ko kanina kaya ko nagawang lapitan sya ng ganon kalapit at halikan pa ang ilong nyang.
"Oh Vun, anong ginagawa mo jan?" Napatalon ako sa gulat ng mag tanong si Mir.
"Nakakagulat ka naman!" Palahaw ko sa kanya. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang damit ko.
"Bat ka nanjan? Galing kaba kay heat?" Tanong nya.
"Ha? Ahh... Ano... Oo.. Galing ako dun" sabi ko at nag kamot pa ng batok.
Sana naman wag ipagkalat ni Heat yung ginawa ko sa kanya.
"Oh, anong ginawa mo dun?" Tanong nya. Bakas sa mata ang pagtataka.
"Bakit? May s-sinabi lang ako" sabi ko at pilit na ginawang normal ang Tono ng Boses ko.
"Ah o sige. Mauna na ako.."
"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Kay heat..." Sagot nya na para bang ang tanga tanga ko.
"Ahh... Ganon ba? O sige..." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Mir bago ko sya talikuran.
Naglakad na ako papunta aa kwarto ko at isinara yun.
Umupo ako sa kama at tumungila. Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang mga inasta ko ngayong araw.
Simula nung nakita ko na ngumit sya sa cellphone nya.
Sino ba kase yung kausap nya at mukha syang tanga na nangiti mag isa sa cellphone! Tss...
Nung pag kunot ng noo ko at pag ka-galit ko ng makita na tumawa sya dahil sa ka chat nya.
Tss.. Sino naman kase ang matutuwa kung maririnig ang bungisngis nya! Ang sakit kaya sa tenga.
Nung pag ka banas ko ng hindi nya sinasabi kung sino ang ka chat nya.
Pwede naman kaseng sabihin nya nalang kung sino ba ang kausap nya para hindi na humaba pa ang usapan!.
Nung pag pasok ko sa kwarto nya at pag kulong ko sa kanya sa ding-ding gamit ang dalawa kong kamay.
Bakit ko nga ba yon ginawa?...
Ang pag halik ko sa ilong nya.
Fuck! Bat ko ginawa yon! Baka mabastusan sya sa ginawa ko...
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie