10

3K 110 30
                                    

Vun's POV

"Damn... Ang lakas sumuntok ng babaeng yon!" Palahaw ni Lion habang nangiwi sa sakit.

Nakatikim ka rin sa wakas....

"Wag ka ngang malikot hindi ko magamot ng maayos yung sugat mo!" Saway sa kanya ni Hirvy at bahagya pang diniinan ang bulak.

"A-aray! Aray naman! Dahan-dahan lang!"

"Wag ka sabing malikot!"

Silang dalawa lang ang nagawa ng ingay dito sa kwarto ko. Lahat kami ay tahimik maliban sa dalawang to. Maliban kay Lion at Hirvy.

"Tsk... Pano kung nagalit sa'tin si Heat?" Sa wakas ay nag salita din si Fir.

Kanina pa kami pamuni-muni dito. Kung Hindi nga lang nagsisigawan sina Lion at Hirvy ay may maririnig ka ng huni ng ibon.

Alam Kong may kasalanan din ako dahil ako ang naggatong sa mga tanong. Pero, nadala lang naman ako sa curiosity ko.

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa ng maalala ko ang mata ni Heat kanina.

Galit.

Nag-aapoy.

Nag-liliyab.

Nakakapaso.

Kusang umurong ang dila ko kanina ng makita ko ang mga yan sa mata nya.

"Kayo naman kase eh! Dapat naghinay-hinay kayo sa pag tatanong!" Si Mir habang sinusuntok pa ang couch.

"Oo nga... Napag-usapan natin kanina bago tayo pumasok sa kwarto nya na dapat ay dahan-dahan lang... Para Hindi sya ma-offend." May halong iritasyon sa boses Xerveq.

"Wag nga kayong mag sisihan! Lahat tayo may kasalanan..." Makikita naman sa mga mata ni Lion ang pag sisisi kaya mahirap pag ibuntong ko sa kanya ang lahat ng inis ko.

"Tama tama! Wag kayong mag sisisihan!" Nagalaw galaw pa sa ere ang mga kamay ni Wir habang sinasabi yun.

"Pero...shit! Nakita nyo ba sya kanina... Nakakatakot... Nakakakilabot!" Sabi ni Hirvy. Ibinababa nya pa ang bulak para yakapin ang sarili nya.

"Tsk! Ayan na naman kayo! Kung tutuusin normal lang yung reaksyon nya.. Ikaw ba naman pag bintangan ng masama kahit na nananahimik ka lang" naka nguso na sabi ni Lion.
Pustahan nakokonsesya yan.

"Oo nga... Kawawa naman si Heat. Sinalo nya na nga lahat ng hiwa tapos pagbibintangan pa natin sya.." Sabi ni Mir at ginulo ang buhok nya.

"Ayoko na nga hirvy--! Ang sakit mong gumamot ng sugat!" Sigaw ni Lion at lumipat sa kabilang upuan.

"Malikot ka kasi kaya ka nasasaktan!" Inis din na bawi ni Hirvy.

Niligpit nya ang mga gamit na ginamit nya at nilagay nya iyon sa cabinet.

Hindi pa malinis ang sugat ni Lion at may mga bakas parin ng dugo sa gilid ng labi nya.

Ang arte kase....

"Puntahan kaya natin si heat..." Suhestiyon ni Fir.

Tumango naman si Mir at Wir.
Basta talaga kambal, Pare-pareho ang galaw ng bituka.. Tsk tsk.

"Hindi nyo ba nakita yung mukha nya kanina? Ayaw nya muna tayong makita kaya wag na muna kayong pumunta..." Ako na ang sumingit bago pa sumang-ayon ang lahat.

"Oo nga... Pa hupain muna natin yung galit nya. Tapos saka tayo pumunta" saad ni Lion.

Bago pa man kami makasagot ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon