Heat's POV
"Anong pinag-usapan nyo?" Tanong ni Fir.
"Wala... Wala" sabi ko at nauna na sa paglalakad.
"Ano sa tingin mo?" Narinig kopa na saad ni Xerveq sa likuran ko pero hindi kona sila nilingon.
"Siguro... HAHAHA" Sagot naman ni Fir. Marahil ay iba ang pinag-uuspan nila kaya hindi ako maka-relate.
"Hi!" Bati ni Gun ng makaeating na kami sa loob ng room.
Tinanguan ko nalang sya at umupo na sa tabi nya.
Ano kaya ang tinutukoy ni Vun na pananagutan?..
Ano ba kaseng ginawa ko? Hinila ko lang naman sya papasok sa loob ng Van dahil baka lalo lang kaming mahuli sa byahe pero nagkaroon na agad ako ng pananagutan.
"Are you okay?" Nabalik ako sa ulirat ng narinig ko ang tanong ni Gun.
"H-huh? Oo... Ayos lang ako" sabi ko at bumuntong hininga.
"Sigurado ka? Hindi mo kase ako tinatarayan kaya baka may masakit sayo..." Alam ko na wala namang nakakainis sa sinabi nya pero hindi ko mapigilan na tumaas ang dugo sa ulo ko.
"Pwede ba na tumahimik ka?! Hindi naman tayo ganon ka-close diba?!" Pasigaw na tanong ko.
Ang kaninang nag-aalalang nyang mukha ay napalitan ng ngisi.
"Ayan... Okay kana" deklara nya. Tinarayan ko naman sya at inilipat ang tingin ko sa sahig.
Umaasa na sana sumagot ito sa tanong ko na ano bang ginawa kong kakaiba kanina para magkaroon ako ng pananagutan.
"Huy" sabi ni Gun at iniharang ang mukha nya sa tinititigan ko na sahig.
Napatitig tuloy ako sa mga mata nya, pero hindi sa mata nya tumatakbo ang isip ko... Kundi sa mga mata ni Vun.
Hindi ko malimutan ang mga matang 'yon, kulay abo pero kapag natamaan ng liwanag ay nagiging brown... Kakaiba.
"Natulala kaba sa kagwapuhan ko?" Nakangisi na saad ni Gun at pinasadahan pa ng daliri nya ang buhok nya.
Inalis ko sa isipin ko ang mga mata ni Vun at ibinuhos ang buong atensyon ko sa lalaking kaharap ko.
"Umalis ka nga sa harap ko at baka masapak kita" pagbabanta ko sa kanya.
Humalakhak naman sya at sumandal na sa upuan nya.
"Ahm, Hello." Naagaw ang atensyon ko nang lumapit si Xerveq kay Vigyxias.
Tinignan naman ni Vigyxias si Xerveq ng may pagtataka bago tumango at ibinalik ang atensyon sa kausap nya.
"Kinakausap kita." Halata sa boses ni Xerveq ang pagtitimpi.
Marahas naman na bumunyong hininga si Vigyxias at ibinalik ang tingin kay Xerveq.
"Ano ba yon?" May halong inis na sa tono ni Vigyxias. Ang sarap pakinggan ng boses nya... Malambing pero iba ang ipinapakita ng mga mata nya.
"Date?"patanong na yaya ni Xerveq. Bumuntong hininga si Vigyxias at naglagay ng sarkastikong ngiti sa labi nya.
"Not interested, sorry." Sabi nya at tumayo bago lumabas ng room.
"Rejected..." Komento naman ni Fir kay Xerveq. Tinignan lang sya ni Xerveq ng masama at padabog na umupo habang si Fir namam ay lumabas rin ng Room para sundan ata si Vigyxias.
"Competition..." Pabuntong hininga na saad ni Gun kaya tinignan ko sya ng may pagtataka.
"Competition?" Patanong na ulit ko sa sinabi nya.
"Hm..." Tango-tangong saad nya.
"... Sa magkakapatid na Bontre... Hindi na bago ang kompetisyon pag dating sa babae, lahat gagawin nila makuha lang ang babaeng trip nila. Para saan? Para patunayan na mas matinik sila pagdating sa babae." Saad nya habang hinahawakan pa ang baba nya.
Tumaas naman ang kilay ko.
"Talaga?" Hindi nakatakas sa tono ko ang pagtataka.
"Bakit? Hindi mo ba alam?... Ilang taon kaba sa ibang bansa para hindi mo malaman 'yon? Diba... Kapatid ka ng Bontres" nagtataka na saad nya. Hindi ko maintindihan kung bakit may pagdududa sa tono nya, o baka naman ay sa pandinig ko lang.
Umiwas ako ng tingin at naging matunog ang paglunok ko.
Guilty...
Hindi ko naman talaga balak na itago na adopted lang ako, wala sa balak ko 'yon. Pero may parte sa akin na sumisibol ang takot... Takot na baka magbago ang pakikitungo nila sa akin sa oras na malaman nila na hindi ako Bontre.
"M-Mag c-cr lang ako..." Paalam ko sa kanya, hindi parin makatingin ng maayos.
Umawang naman ang labi nya at dahan-dahang tumango.
Siguro ay nagtataka sya dahil hindi ko naman talaga ugali na magpaalam pero masyado akong kinakabahan para malimitahan ang kilos ko.
Mabilis ang hakbang ko habang naglalakad patungo sa Cr.
Pagpasok ko ay naghilamos ako ng mukha bago titigan ang sarili ko sa salamin.
Bontre
Bumuntong hininga ako at handa na sanang lumabas ng bumukas ang pintuan at pumasok si Vigyxias.
Gumuhit ang gulat sa mukha nya pero saglit lang iyon at agad ring nawala.
"Heat..." Nakangiti na saad nya bago mag hugas ng kamay.
Hindi ako umimik at tanging ngiti lang ang naisagot ko.
"Pwedebng magtanong?." Nag aalangang saad ko.
"Hm, ano yun?" Sabi nya at pinunasan ang kamay pero hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Bakit ka... I mean, bakit hindi ka pumayag sa Date na inaalok ni Xerveq?" Hindi naman sa nangingielam ako... Pero, kung ibang babae kase 'yon ay paniguradong papayag na agad dahil isang Bontre na ang nagyaya.
"Alam ko na laruan sa mga Bontre ang babae, ayaw ko na maging isa sa laruan nila... I'm pretty and priceless para lang maging laruan nila." Saad nya at ngumiti ng matamis.
Tumango-tango naman ako.
Marami pang bagay na hindi ko alam tungkol sa mga Bontre.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie