Heat's POV
Matapos nung isinagot ko sa kanya ay naging tahimik na ang pagitan sa aming dalawa. Hindi narin akong nagtangka pa na magsalita dahil wala naman akong dapat na sabihin sa kanya.
Naging mabilis para sa akin ang uri ng inaalok nyang pag-ibig kaya mahirap paniwalaan, gusto ko mang ipilit na totoo iyon ngunit may parte talaga sa akin ang hindi naniniwala.
"Wala ka bang planong bumaba?" Walang bahid ng sarkastiko ang tono ni Vung ng sabihin iyon. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan.
Napangiwi ako at bumaba na. Iniwan nyang nakabukas iyon matapos kong bumaba kaya ang ending ay ako nalang tuloy ang nagsara habang sya ay nauna na sa paglalakad.
"Masyado ka kaseng naging harsh." Komento ni John. Inikutan ko nalang sya ng mata bago iwan doon.
Ang buong akala ko ay katahimikan ang bubungad sa akin sa Mansyon ng mga Bontre pagpasok ko sa pag-aakala na nasa sarili silang kwarto. Malalim narin kase ang gabi ng makarating kami sa Bahay.
Pero nagkakamali ako, Dahil sa mismong pagpasok ko sa mansyon ay buong pamilya ng Bontre ang bumungad sa akin, Maliban nalang kay Hirvy na sa Hula ko ay nasa Mall parin.
napahinto sa paglalakad si Vun at humarap sa ama nya na salubong ang kilay.
"Anong meron?" Ako na ang unang nagtanong dahil mukhang wala namang balak si Vun na itanong iyon.
"Hindi ba't ako DAPAT ang magtanong nyan." naka taas kilay na atas ni Mr, Ziek.
sinuklian ko naman sya ng nagtatakang tingin.
"Inampon kita at pinatira sa pamamahay ko... Ngunit labis naman ata ang isinukli mo.." lalo akong nagtaka dahil sa uri ng pakikipag-usap nya sa akin.
"Baka naman nagbibiro lang si Vun na may gusto sya kay Heat, Right? huwag na muna natin silang i-judge dad.." May halong pakikipag-usap sa tono ni Mir.
"Ano ba kase yung eksena nyo kanina?" Singit naman ni Xerveq.
"Nagkamali ako kanina... Ang akala ko- Nevermind!" Pasigaw na sagot ni VUn at umakyat na sa taas.
susunod na sana ako ng pigilan ako ng tingin ni Mr, Ziek.
"Kapatid dapat ang turingan nyo sa isa't-isa, Hindi kayo pwede... Kasiraan iyon sa pamilya na ito. Malaking iskandalo ang ginawa ng anak ko kanina sa Cafeteria ng school nyo, ako na ang humuhingi ng paumanhin para kay Vun, Alam ko naman na Hindi mo gusto ang anak ko, DIba?"
"I don't Like your Son." Pagbibigay ko ng katapusan sa usapan na ito.
Bumuga naman ng hangin si Mr, Ziek at mistulang nakahinga sa sinabi ko.
"Mabuti naman Ija, kung magiging kayo man ay ako ang hahadlang sa relasyon na iyon pagkat ang nais ko ay maging kapatid ka ng anak ko at hindi kasintahan. Matalino ka... Kaya alam kong naiintindihan mo ako." Bumalatay sa labi ni Mr, Ziek ang ngiti na dati nyang ipinapakita sa akin.
"Aakyat na po ako." Sabi ko, Tinanguan lang naman ako ni Mr, Ziek kaya umakyat na ako.
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Pag bukas ko ng pintuan ay si Vun ang bumungad sa akin.
"What are you Doing here?" Tanong ko.
Tinignan nya naman ako ng deretso sa mata. Wala akong nababasa na kahit anong emosyon doon.
"You Don't Like Me?" Ayon agad ang lumabas sa bibig nya.
"Siguro sa isip mo napakatanga ko noh? kase ginawa kong basehan ang paghila mo sa akin para masabi ko na gusto mo ako..." Nakangiti na saad nya nung hindi ako sumagot pero ang ngiti nya ay hindi umaabot sa mata nya.
"Oo." Walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Pero... Bakit mo ako hinyaan na tratuhin kita ng ganoon kanina, Tangina! alam moba na ang saya ko kanina kase akala ko nagkakaintindihan tayo?.. Akala ko lang pala..."
sa ikalawang pagkakataon ay hindi muli akong sumagot.
"Sumagot ka.." Mababa ang tono na saad nya.
"Kase nage-enjoy pa ako na panoorin kang mukhang tanga..." Tinignan ko sya ng Deretso.
"No, Alam ko na gusto mo ako Heat." May halong kumpyansa pa ang ngiti nya na para bang seryoso na talaga sya sa sinasabi nya.
"Hindi kita Gusto, Napapagod na ako umalis kana."
--------------
A|N: Sorry kung maiksi nlang yung mga Updates ko, Busy kase ako sa modules eh.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie