Denice/ Via POV
Matapos kinwento ni Mariah ang nang-yari sa kanila ni Lion ay iniwan ko muna sya sa kwarto nya para makapagpahinga sya.
Kumain lang ako at nag palipas ng oras sa pamamagitan ng pag scroll sa facebook.
Hanggang sa gumabi at naka receive ako ng text mula kay Dave.
From: Dave The Devil.
Denice... 8:30 yung start ng party. At tsaka pool party pala 'yon kaya magdala ka ng swimsuit.
Ayan ang tinext nya. Hindi kona sya nireplyan dahil panigurado na hahaba na naman ang usapan namin.
Hanggang sa dumating ang tamang oras para magbihis na ako.
Nag bihis lang ako ng simpleng maong na short at cropped top.
Sa ilalim non ay ang two piece na suot ko.Dati ay ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganitong damit pero habang lumilipas ang mga araw na kasama ko ang mga kapatid ko ay nagbabago ang lahat ng hilig ko.
Nag-dala ako ng extra t-shirt at sumakay na sa kotse.
Itinext naman sa akin ni Dave ang address kaya nakapunta ako doon ng hindi naliligaw.
"Woah... You're Here!" Sabi ni Dave ng makita ako.
"Niyaya moko, diba?!" Sabi ko sa kanya at tinaasan kopa sya ng kilay.
"Talaga... Niyaya kita?!" Pang-aasar nya, tinarayan ko naman sya at umupo muna sa gilid ng pool.
Tinignan ko ang oras sa Cellphone ko.
8:03
Kaunti palang ang tao at mahinana palang ang music.
Wala parin namang masyadong lasing dahil ang karamihan ay may inaantay pa.
"Drink?..." Tanong ng lalaki na tumabi sa akin. Nanlaki naman ang mata ko.
"M-mir?..." Patanong na tawag ko.
Tumawa naman sya.
"No... I'm Wir, kambal ni Mir..." Sabi nya kaya napaawang ang bibig ko.
Magkamukhang-magkamukha sila... Kung tutuusin ay pwede na silang mag panggap na iisang tao lang.
"Oh... Sorry" sabi ko at awkward na ngumiti.
"It's okay..." Sabi nya at palagok na ininom ang alak na hawak.
"You know what... You're my type" sabi nya na naging dahilan ng pagbalik ng tingin ko sa kanya.
"Tall... Innocent face... And Red lips..." Medyo nailang pa ako sa huli nyang sinabi.
"T-thank you..." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya nagpasalamat nalang ako at naapreciate nya ang hitsura ko.
Narinig ko na naman ang tawa nya.
Attractive...
Alam mo yung tatawa palang sya nakukuha nya na agad yung atensyon mo?
Ganon sya.
"Excuse me..." Sabi nya at tumayo na para kumuha ng Drink.
Medyo lumalakas na ang tugtog kaya napapa head bang narin ako.
Dumarami narin ang mga tao at halos lahat ay naliligo na sa swimming pool habang ang iba naman ay nasa mga drink at nag papakalunod sa alak.
May mga kagaya ko rin na nakaupo lang sa gilid ng pool at parang tinatamad din mag-swimming.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie