Heat's POV
Si Vun agad ang hinanap ng mga mata ko pagkadilat ng mga ito ngunit ni isang bakas nya ay Hindi ko makita.
"Vun?..." Patanong na tawag ko sa kanya at inikot ang paningin sa buong kwarto pero wala akong nakita. Inalis ko ang kumot na nakataklob sa katawan ko at kinusot ang mga mata ko bago tumayo.
Asan na naman kaya 'yon?...
Tinignan ko sa CR pero wala akong nakita kaya napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto. Pero laking pagtataka ko ng may makita akong baseball bat malapit sa pinto.
Kunot noo ko iyong pinulot at napalunok sa iba't-ibang mga bagay na pumasok sa isip ko.
"Mahigpit ang security ng mansyon, imposibleng may makapasok..." Bulong ko sa sarili ko para kahit paano ay mabawasan ang kabang nararamadan ko.
Kahit na alam kona may iba akong kasama ngayon ay umaasa parin ako na nagkakamali lang ako.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa baseball bat at humakbang palabas ng pinto.
Otomatikong dumikit ang mga palad ko sa ilong ko ng maamoy ang malansang amoy. Masyadong madilim sa hallway kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang umasa sa kapa-kapa.
Humakbang ako ng tatlong beses pero agad ding napahinto dahil sa bagay na naapakan ko.
Hinawakan ko ang tuhod ko at tinusok ng baseball bat ang bagay na iyon pero ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng ma-realize kung ano iyon.
Katawan... Katawan ng tao.
Walang pag-aalinlangan ko iyong hinawakan at hinawakan ang ilang parte ng katawan. Basa pa ang mga dugo nito at masasabi ko na hindi pa nagtatagal matapos mangyari ito.
"Si Vun..." Pinunas ko ang kamay ko sa suot kong damit at hinawakan ulit ang baseball bat bago patakbo na bumaba sa sala.
"Ang tagal naman gumising ng prinsesa nyo." Isang matinis na tono ang bumulaga sa akin kaya napagdesisyunan kong magtago sa likod ng maliit na vase na may nakalagay na bulaklak na nagiging dahilan upang magmukhang malaki ito. Sapat na para maitago ang buong katawan ko.
Hinawakan ko ang mahaba kong buhok at itinali iyon ng pa-bun bago sumilip kung nasaan nanggaling ang boses ng matinis ng babae.
Mula sa tinataguan ko ay hindi nakatakas sa paningin ko ang taglay nitong puti ng balat at sobrang pula ng labi. Naka-cross ang mga braso nya at naka pony tail ang malaalon nyang buhok na kulay krema. Nakaskirt sya na fit na fit at kung titignan mo ay masasabi mong isa syang sekretarya, idagdag mopa ang matataas nitong sapatos na nagpapadagdag ng supistikada nitong aura.
"S-Sino kayo?!" Boses ni Hirvy. Bagaman malakas ang boses nya ng binitiwan nya ang salitang iyon ay halata naman ang panginginig at takot dito.
"Hulaan mo..." Asad ng babaeng mukhang sekretarya at sumilaw ang ang mga ngisi sa kanyang labi.
Naging sunod-sunod ang paglunok ni Hirvy. Maging ako ata ay kakabahan kung ako ang nasa posisyon nya, lalo pa't may tela na nakatakip sa paningin nya.
"Hell. Si Hell lang ang pwedeng gumawa nito... Kailan nyo ba kami balak tigilan?...." Nanghihina at puno ng dismayang tanong ni Hirvy.
"Ay bakit? Ayaw mona ba?" Sarkastikang tanong ng babae.
Tanging lunok lamang ang naisagot ni Hirvy doon.
"Ikaw..." Tawag ng babaeng mukhang sekretarya sa isa sa mga lalaking nakaitim. "... Kunin mo na nga ang kapatid nito para matanggal na natin ang piring nya, atat na atat na ata sya makita ang ganda ko." Saad ng babae patukoy kay Hirvy. Tinanguan sya ng nakaitim na lalaki at umalis ito.
Hindi nagtagal ay bumalik sya na may kasama pang tatlong lalaki at para silang may buhat buhat na mistulang sako.
Tinignan nila ang babaeng mukhang sekretarya at tinaasan lamang sila ng kilay bilang sagot na buksan na nila iyon.
Mula sa pinagtataguan ko ay napahawak ako sa bibig ko matapos makita kung ano ang inilibas nila sa sako. Mali. KUNG SINO ANG INILABAS NILA SA SAKO.
"Vun..." Nag-aalalang tugon ko, hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mata dahil sa hitsura nya.
Putok ang labi at may dugo sa gilid. Putok rin ang mga mata nito at mistulang sinapak ng ilang beses. Lumobo ang mukha nya sa pamamaga at bukod pa doon ay may samurai na nakatarak sa kanang kamay nya. May nakita pa akong pako na nasa talampakan nya at hindi iyon tumitigil sa pagdurugo.
Tinignan ng babae si Vun mula ulo hanggang paa bago sya humikab. Para bang normal na lang sa kanya ang ganitong senaryo.
Hindi kona kaya... Hindi kona kaya na manood nalang habang sila ay nahihirapan.
Walang pag-aalinlangan akong tumakbo palapit kay Vun.
"Vun?!" Patanong na tawag ko kay Vun ng makalapit ako.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang biglang pagtayo ng babaeng mukhang sekretarya at mistulang nagulat sa presensya ko.
"Gising kana." Saad nya ngunit Hindi iyon naging dahilan para ilipat ko sa kanya ang paningin ko. Nanatiling nasa mukha ni Vun ang mga iyon.
"Vun..." Nanginginig ang kamay ko ng sinubukan kong iangat iyon para sana ay hawakan sya sa kahit anong bahagi ng katawa nya pero hindi ko alam kung saan.
Lahat ng katawan nya ay may bahid ng dugo at nasisiguro ko na may iba pa syang sugat bukod sa nakita ko.
"Vun..." Tanging pagtawag lang ang nagawa ko dahil natatakot ako na lalo ko pa syang masaktan kapag may hinawakan ako sa parte ng katawan nya.
"Hindi pa patay yan, 'wag ka ngang eme." Iritadong saad ng babaeng mukhang sekretarya. Inis ko syang hinarap at handa na sana para sapakin sya pero may mga lalaking nakaitim sa likod nya. Masyado silang madami. Ang iba ay may hawak na samurai habang ang iba naman ay mga baril. Masyado silang marami para kalabin ko, tinitiyak ko na mamatay kaming tatlo kung lalaban pa ako.
"Ako yung kailangan nyo diba?-"
"Heat! 'Wag! 'wag mong ituloy 'yang sinasabi mo!" Pinutol ni Hirvy ang sinasabi ko pero hindi ko iyon pinansin.
"Iwan nyo sila, sasama ako." Ang mga binitiwan kong salita ang syang nagbigay ng maaliwalas na ngiti sa mukha ng sekretarya.
Huminga sya ng malalim bago nag-unat. "Good!" Tili nya na sumakop sa buong mansyon at para bang nakakompleto sya ng isang mahirap na task.
"Heat, nababaliw kana ba?! Ano ba yang sinasabi mo?!" Nangangapa parin si Hirvy kung saan ba sya titingin dahil sa piring na nakatakip sa mata nya.
Tinignan ko lang sya at nilapitan. Hinawakan ko ang kamay nya. Mistula pa syang nagulat.
"Heat?" Tawag nya at hinigpitan din ang hawak sa kamay ko.
Hinawakan kopa ang isang kamay nya senyales na magtiwala sya sa gagawin ko.
"Huwag kang sasama sa kanila, Heat. Ako yung malalagot kay Kuya." Saad nya na nakapagpangiti sa akin.
Binitiwan ko ang kamay ko at tinignan si Vun na nakahiga parin sa malamig na sahig at walang malay.
"Tara na." Nakataas na kilay na yaya ko sa babaeng mukhang sekretarya.
Ngumuso naman sya na para bang biro ang sinabi ko.
"Agad agad?" Tanong nya, tumaas pa lalo ang kilay ko dahil sa taka sa sinabi nya.
"Ano pa bang binabalak- Ahhh!" Pasigaw na na saad ko dahil sa gulat. Napahawak ako sa mga tuhod ko at tinignan ang nasa likod ko. Isa iyon sa mga lalaking nakaitim may hawak syang samurai at hiniwaan ako sa likod.
"Kailangan naming makasigurado na mahina kana. Hindi pwedeng dadalhin ka namin ng walang ka galos-galos ka sa katawan habang kami ay pagod na pagod." Napatingin ako sa babaeng mukhang sekretarya.
"Tara na..." Nakangiting saad nya pero hindi pa man ako agad nakakasagot ay may isang matigas na bagay agad ang tumama sa ulo ko na naging dahilan ng pagkawala ng Malay ko.
______________________________
A/N: Sorry kung matagal yung update. May ginagawa din kase ako bilang isang estudyante at anak. Hindi ko pwedeng ilaan ang buong oras ko sa pagsusulat, gustuhin ko man. Sana maintindihan nyo.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie