14

2.4K 83 8
                                    

Acia's POV

Nasa loob ako ngayon ng pribadong kwarto ng mga bontre.

Wala akong ibang intensyon kundi ang tignan lang ang loob ng kwarto na ito.

Napangisi ako sa isipin na wala pa sa kalahati ang mga gamit ng mga bontre kung ikukupara sa gamit ni Boss.

Tinignan ko ang malaking screen sa harapan.

Nandito narin naman tayo kaya lulubos-lubusin kona.

Lumapit ako sa malaking screen at in-on iyon. Tumaas ang kilay ko ng bumulaga sa akin ang marka ng mga nagiging tagapag mana ng X-mafia.

Alam kona may hinala sila na si Heat nga ang tagapag mana ng X-mafia.

Akala ng lahat ay patay na ang tagapag mana, ngunit ang totoo ay itinago lamang ni Cerenity ang tagapagmana at namatay ng maaga si Cerenity kaya walang nakakaalam kung nasaan na ngayon ang tagapag mana.

Lahat ng myembro ng X-mafia ay Alam ang katotohanang iyon.

Pinapahanap narin ni Hell ang tagapag mana nya.

Sigurado ako na si Heat iyon dahil nakita ko ang Marka nya sa likod bago pa malaman ng mga bontre iyon. Pero kailangan ko ng patunay kaya kailangan ko kumuha ng DNA test.

Kinuha ko ang suklay nya pero ngayon ay hindi kona alam kung nasaan.

Siguro ay nalaglag iyon sa kwarto ni Hirvy nung minsang pumunta ako doon.

Pinatay kona ang screen at nag pasya ng lumabas.

Magkaiba ang code ng pinto ng room na ito.

Matatalino ang mga bontre kaya iniba nila ang code sa pagpasok at paglabas. Para kung sakaling may makakita ng code sa labas at hindi makalabas at ma stock dito sa loob dahil hindi alam ang code palabas.

1012

Ayan ang code palabas ng kwartong ito.

Wag na kayong mag taka kung paano ko nalaman ang mga iyan.

Myembro ako ng X-mafia kaya bago ako pumasok sa mansyon na ito ay inalam ko muna lahat.

Pinadala ako dito para bantayan ang kilos ni Heat at para malaman kung kailan sila aalis ng sa ganon ay ma update ko ang grupo kung kailan nila susunggaban ang biktima.

Sa ngayon ay hahanap muna ako ng patunay na si Heat ang nawawalang taga pag mana ng X-mafia.

Heat's POV

Nakalabas na ako ng kwartong iyon dahil nakita ko ang code para makalabas.

Hanggang sa maka-labas ako ay hindi nawala ang mga tanong sa isip ko.

Sino ang tatay ko?

Anong atraso nya sa mga Bontre at galit na galit sila Rito?

Bakit may ganitong uri ng kwarto dito sa mansyon?

Bakit sila may mga gamit para sa pakikipag laban?

At bakit may litrato sila ng peklat ko?

Anong kailangan nila doon?

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon