Heat's POV
Kunot na kunot ang noo ko habang nakaupo sa sala ng kwarto ko. Wala ng ipis. Ginawan na ng paraan ng mga katulong ng bontre habang ako ay nakaupo dito at tinitignan ang repleksyon ng mukha ko sa salamin.
May kalmot ang mukha ko dahil sa pagpapanic ko kanina.
"Okay lang yan." Nakangiti na sabi ko sa sarili ko. Kahit na alam ko naman na nag-uumpisa naring kumulo ang dugo ko sa mga bontre.
Bumuntong hininga ako at kumuha ulit ng bagong damit para ipagpatuloy ang naudlot kong pagligo.
Tumingin ako sa paligid para siguraduhin kung may tao ba o baka may paandar na naman sila pero wala naman akong napansin kaya ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Matapos kong kumuha ng damit ay inilapag ko iyon sa kama bago ako pumunta sa CR.
Wala ng ipis. Pero may tatlong pakpak pa ako ng ipis na nakita sa sahig kaya napangiwi ako.
Binuksan ko ang shower at hinayaan na dumaan sa katawan ko ang malamig na tubig. Inaalis ko sa isipan ko ang nakakadiring ipis na nararamdaman ko parin na gumagapang sa akin ngayon.
Pinatay ko ang shower at nag-umpisa na akong magshampoo at magsabon. Pagkatapos ay inalagay kona sa tabi ang bote ng shampoo.
Binuksan ko ang shower pero kumunot ang noo ko ng walang lumabas na tubig doon.
Sinara ko ulit at binusan pero wala paring nalabas.
Tinry ko buksan ang gripo sa lababo pero wala talaga.
Napapikit ako sa isipin na baka kagagawan din ito ng mga bontre.
Pero hindi naman siguro diba? Baka naman nagkaproblema lang sa tubig.
Kampante kong binuksan ang pintuan ng CR dahil alam kong wala namng tao sa kwarto ko at nilock ko kanina iyon para masiguro na walang makakapasok.
Lumabas ako ng Cr at hinanap ng paningin ko ang damit na pinatong ko sa kama pero kumunot ulit ang noo ko ng makita na wala na doon iyon.
"Wow..." Pumantig ang tenga ko matapos marinig ang boses na iyon.
Inikot ko ang mata ko at nanlaki ang mata ko matapos makita si Vun na prenteng nakaupo malapit sa bintana at tinititigan ako sa mukha pababa sa katawan.
Ganon nalang ang pagpapanic ko ng maalala na wala nga pala akong suot maski isa.
"Gago ka! Lumabas kanga! Anong ginagawa mo rito?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya at tumakbo ako papasok sa loob ng CR.
"Watching you... Psss ang ganda ng katawan mo ah?" Padabog kong isinara ang pintuan ng Cr.
"Walang tubig paano toh?" Tanong ko.
"Umalis kana sa bahay na toh..." Pagkatapos nya sabihin iyo ay sya namang pagbukas ng shower.
My god... Nakita nya ako ng hubo't-hubad... Pati yung kiki ko nakita nya!!!
Naipikit ko ng madiin ang mata ko at kinagat ang pangiibang labi ko.
Manyak.
Nagbanlaw lang ako bago magbihis at lumabas ng CR at bumaba na.
Pagkababa ko ay naabutan ko ang mga Bontre na masinsinang nag-uusap. Napahinto sila sa pag-uusap ng makita ako.
Aksidenteng lumipat ang makukulit kong mga mata kay Vun at napansin ko ang pagkapula ng tenga nya. Inikutan ko sya ng mata matapos maisip ang maikling kaganapan kanina sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie