37

1.7K 59 15
                                    

Heat's POV

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng mall ay naging tahimik lang si Vun at tuwing tinitignan ko sya ay isa lang ang lumalabas sa bibig nya.

"Asan ba kase ang masakit?" Ayan ang paulit-ulit na tanong nya habang ako naman ay walang ginawa kundi ang umiling.

Nauna na akong bumaba ng sasakyan at umikot para hintayin si Vun sa pagbaba nya.

"Asan ba kase ang masakit?" Tanong nya ulit.

"Wala nga!" Inis na tanong ko.

Tinarayan ko sya at nauna na ako sa pagpasok sa mall.

"Gutom kana ba?" Pahabol na tanong nya at tumabi na sa akin sa paglalakad.

"Kakakain lang natin kanina." Sagot ko at hinawi ang takas na buhok ko.

"Anong gusto mong gawin?" Tanong nya.

"Magbihis ng damit! Nakakahiya yung suot ko!" Inis na sigaw ko at huminto pa ako sa paglalakad.

Nagsalubong naman ang kilay nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit? Bagay naman sayo ah... Pero sige... Basta wag lang yung sobrang ikli." Saad nya. Tinarayan ko ulit sya at nagtuloy na ako sa paglalakad.

Hindi ko maimagine ang sarili ko na mabuhay kasama ang napaka strikto at seloso na lalaking ito.

Huminto kami sa shop ng damit at pinagbuksan ulit ako ni Vun ng pinto.

"Hi maam... Ano pong hanap nyo?" Tanong ng saleslady.

Imbles na ako ang sumagot at si Vun ang gumawa. "Yung mahabang damit miss tapos wag masyadong elegante at pansinin... Tapos yung may mahabang manggas na hindi makikita yung siko ny-" pero bago nyapa mapagpatuloy ang sinasabi nya ay pinutol kona sya.

"Mukha naman akong manang non!" Pagtutol ko.

"'Yon nga ang gusto ko... Para wala ng magkaroon ng interest sayo!" Pangangatwiran nya.

"Manahimik ka nga!" Inis na saad ko at iniwan sya doon para ako na ang pumili ng damit.

Masyadong pakielamero.






"Bagay po sayo!" Papuri ng saleslady matapos kong magbihis.

Nginitian ko lang sya at pumunta na kung saan ko iniwan si Vun. Nakakunot ang noo nya ng pinasadahan ako ng tingin.

"Hindi ko sya gusto... Pero hindi narin masama." Tarango-tangong komento nya.

Ang napili kong damit ay dress na kulay Blue na hanggang taas ng tuhod. Off shoulder iyon pero hindi naman masyadong agaw atensyon.

Binarayan iyon ni Vun at lumabas na kami ng shop.

Next naming pinuntahan ay ang shop naman ng sapatos. 3 inches na hills ang pinili ko para bumagay sa napili kong dress. Pero sa pagkakataong ito ay ako naman na ang nagbayad, nakipagtalo pa sa una si Vun pero sa huli ay pumayag din.

"Ano pa?" Tanong ni Vun habang naglalakad lakad kami.

"Ubos na yung lipstick ko... Bibili na rin ako." Sabi ko.

"Okay sige!" Yaya nya at hinila ako sa malapit na shop ng cosmetics.

"Ano pong hanap nyo?" Tanong ng babaeng kulot ang buhok, saleslady.

"Lipstick." Simpleng saad ko.

"This way maam..." Sabi nya at iginaya sa akin ang daan. Sumunod namam si Vun.

May mga nirerecommend sa akin ang saleslady pero hindi ko iyon pinapansin. Mas gusto ko kase na ako ang maghahanap ng gusto kong kulay.

"How 'bout black?..." Napalingon ako kay Vun dahil sa uri ng kulay ba sinuwestyon nya.

"Eh kung ikaw kaya ang pagamitin ko ng itim." Inis na singhal ko.

"Nagsa-suggest lang eh..." Nakanguso na saad nya.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpili ng maagaw ang paningin ko ng isang lalaki na namimili rin ng Lipstick.

Tinitigan kopa ito para masiguro kung sya nga ba ito.

"Hirvy?..." Patanong na bigkas ko.

Tama nga! Si Hirvy... Namimili ito ng Lipstick habang nakanguso pa.

"What?" Tanong ni Vun.

"Hirvy! Si Hirvy yung diba?!" Sabi ko at tinuro pa ang lalaki.

"What? W-Where?!" Aligagang tanong ni Vun at sinundan ang tinuturo ko.

Nanlaki ang mata ni Vun at ibinalik ang tingin sa akin.

"H-Hindi yan si Hirvy!!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Vun at humarang pa talaga sya, dahilan para hindi ko makita si Hirvy.

"Sya yon!" Pangangatwiran ko at pilit na sinisilip ang lalaki.

"Hindi sya 'yon!" Sigaw nya rin at hinaharangan ang paningin ko.

"Tumabi ka jan." Inis na banta ko sa kanya.

"A-Ano... Hindi nga sya yan!" Sigaw nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang sabi ko ALIS!" Sigaw ko at tinulak sya.

Pero ganon nalang ang panghihinayang ko ng wala na si Hirvy kung saan ko sya nakita.

Inis kong hinarap si Vun at pinalo sya sa braso.

"Nawala na tuloy! Kasalanan mo iyon! Kainis!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"A-Aray! Eh, ano namang gagawin mo kung sya yon?!" Tanong nya.

Napahinto naman ako sa pagpalo sa kanya.

"Itatanong ko kung bakit sya nandito sa shop ng mga make up at kung bakit sya nabili ng Lipstick!" Sigaw ko.

"M-Malay mo para sa girlfriend nya!" Hindi sya makatingin sa akin ng sabihin nya iyon.

"May Girlfriend si Hirvy?!" Patanong na sigaw ko.

"Malay mo! Aalangan naman nabili sya ng Lipstick para sa k-kanya!" Inis na sigaw nya habang napikit pikit pa.

"Ewan ko sayo!"

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon