Heat's POV
Simula nang makabalik ako galing sa CR ay walang imik si Gun. Kapag tinitignan ko naman sya ay wala syang reaksyon at para bang may malalim na iniisip.
Ipinag kibit bakilat ko nalamang iyon at nakinig nalang sa madaldal na Lecturer na nasa harapan.
Si Xerveq namam ay mahahalata mong bad mood dahil sa pagkakakunot ng noo nito.
Tuwing titignan ko naman si Fir ay may nakaplastar na nagmamalaking ngiti sa labi nya.
Siguro nga ay may Kompetensya talaga sa pagitan ng mga Bontre pag dating sa babae.
Si Lion naman ay hindi pumasok. Hindi na ako nagtaka dahil kanina noong umuwi sya ay mahahalata mo ang pagod sa mukha.
Naku-curious tuloy ako kung ano ba ang naging dahilan ng pagkapagod nya...
"Hoy" tawag pansin ko kay Gun. Tinignan naman ako nito habang nakataas ang kilay, wala namang mali sa pakikitungo nya pero hindi ko maiwasang hindi manibago.
Dapat kinukulit ako nito eh!
"Bakit?" Tanong nya ng hindi ako sumagot.
"Wala." Paismid na saad ko at ibinalik ang tingin sa lecturer.
Ganon parin ang trato nya hanggang sa mag lunch na.
Napatingala ako ng tumayo si Gun sa kinauupuan nya.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko nung mag-umpisa na syang maglakad.
"Magla-lunch." Ayan na naman ang mukha nya na para bang any tanga tanga ko dahil sa tanong ko.
"H-hindi kaba sasabay?" Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya na nararamdaman.
"Huh?" Nagtataka na saad nya.
Lumunok ako ng tatlong beses bago harapin sya. "Hindi kaba kako sasabay sa akin mag-lunch." Pag-uulit ko.
Kumunot naman ang noo nya. Dala siguro ng pagtataka, pareho lang naman kami. Maging ako ay nagtataka rin sa ikinikilos ko ngayon.
"Baka kasabay mo si Vun." May halong pag-aalinlangan sa tono nya. Umiling naman ako agad ng magkakasunod-sunod.
"Hindi na pupunta dito yun." Sabi ko sa kanya. Nag-iwas naman sya ng tingin at tumango.
"Tara na" Tumaas pa ang kilay ko ng makita ang napakalaki nyang ngisi.
"Tara!" Patili na saad ko dahil bigla nya nalang ako hinila.
"Heat!" Narinig kopa na tawag sa akin ni Xerveq pero hindi kona sila nilingon.
"Anong gusto mo?" Nakangiti na saad ni Gun ng makarating na kami sa loob ng Cafeteria.
Nanliit naman ang mata ko. Plano nya kaya 'to para yayain ko sya na sumabay sa akin kumain?
"Hoy!" Napalakas ata ang boses ko kaya nakaagaw kami ng atensyon ng mga tao dito sa loob ng Cafeteria pero wala akong pake.
"A-ano?" Utal na tanong nya.
"Plano moto noh? Pinlano mo na hindi ako pansinin para yayain kita kumain?" Inis na tanong ko habang pinandidilatan pa sya ng mata.
"Ano bang sinasabi mo jan?" Nakataas na kilay na tanong nya.
"Alam mo... Kung napipilitan ka lang, wag na!" Sigaw nya at aktong tatalikod na nang higitin ko sya paupo sa bakanteng table.
"Oo na! Oo na!" Napipilitan sigaw ko.
Hinarap nya naman ako nang nakanguso, pinipigilan ang ngiti.
"So, ano ngang gusto mo?" Ulit nya sa tanong nya kanina.
"Kahit ano..." Bored na saad ko at humikab.
"Antayin moko" saad nya at tumayo na para umorder.
"Heat!" Narinig ko ang pamilyar na boses.
"Via!" Sigaw ko rin pabalik at tumayo para yakapin sya.
"Sabay kana samin.." yaya nya at itinuro pa ang table nila kung saan nakaupo si Rhon.
Napansin ko na wala si Mariah kaya tinignan ko si Via ng may pagtataka.
"Wala si Mariah... Absent" sabi nya. Tumango-tango naman ako.
Absent si Lion, Absent rin si Mariah. Weird.
"Ano tara!" Yaya nya at hihigitin na sana ako papunta sa table nila ng hindi ako gumalaw.
"May kasabay na ako" casual na saad ko.
"Ahh... Sila ba?" Tanong nya at tinuro pa ang table nila Hirvy, Mir, Wir, Fir, at Xerveq.
"Hindi.. kasabay ko si Gun." Sabi ko at sinulyapan pa si Gun na abala sa pag-order ng pagkain.
"Ahh.." ta-tango-tangong saad ni Via, may halong panunukso sa tingin nya.
"Tumigil ka nga!" Inis na saway ko sa kanya dahil sa mapanukso nyang tingin.
"Bakit?" Natatawang tanong nya. Feeling inosente.
Tinarayan ko sya.
"Nagugutom kana ba?" Nalipat ang atensyon ko kay Gun ng makabalik na sya.
"Hindi pa naman" sabi ko at sinabayan sya sa pag-upo.
"Sige na, babalik na'ko sa table namin. Enjoy!" Sigaw pa ni Via. Umiling-iling nalang ako.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie