5

3.4K 145 46
                                    

Heat's POV

"Kamusta naman kayo? Nagkakasundo ba kayo?" Tanong ni Mr, Ziek. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan.

Kakauwi nya lang kaninang madaling-araw. Ss mga lumipas na araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang humanap ng tyempo para pasukin ang kwarto na may silver na pinto. Ngunit hindi ko magawang magtagumpay dahil laging nakabuntot sa akin ang pito.

"Ayos lang naman..." Saad ni Vun at sumubo ng pagkain.

"Hmmm..." Tatango si Mr, ziek.

"Heat anak... Kamusta naman ang mga kapatid mo ss iyo?" Tanong nya. Nginuya ko muna ang laman ng bibig ko at pinunasan ang labi ko bago sumagot.

Tinignan ko sya " ayos lang naman sila.. Medyo nakakainis kase dikit sila ng dikit pero ayos lang den" sabi ko. Nag pout naman ang ang sila bukod kay Vun at Mr, Ziek.

"HA HA HA! Btw hija, malapit na ang pasukan... I eenrol kita sa school nila Xerveq para sama-sama kayo" tumango naman ako sa ideyang iyon. Exited na ako sa nalalapit na pasukan.

"Pero bago mag pasukan ay nais ko na pumunta muna tayo sa palawan para mag bakasyon." Sabi ni Mr, Ziek.

Naghiyawan naman ang pito samantalang tanging ngiti lang ang naging Sagot ko.

"Bukas tayo pupunta ng palawan kaya mag ayos na kayo ng mga damit na dadalhin nyo." Ayon ang huling habilin nya bago kami natapos kumain. Nag si akyatan na kami dahil mag papahinga muna si Mr, Ziek.

Kasalukuyang nasa kwarto ko sila ngayon at ako naman ay nag fefacebook sa cellphone na binili nila sa akin.

"Exited na ako!" Palahaw ni Hirvy at pabatong inihiga ang sarili nya sa kama ko.

"Ako din! Paniguradong maraming Chix don!" Sabi ni Wir at Sumipol pa.

"Oo nga! Maraming naka Two piece for sure!" Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Vun.

"Mahilig ka pala sa naka two piece.." Sabi ko at ibinaba ang cellphone ko. Bumangon ako sa kama para maharap sya.

"Lahat naman ng lalaki..." Sabi nya at ngumisi. Nag si tanguan naman ang anim sa sinabi nya.

"Ganon.." Sabi ko at inilagay ang kamay ko sa baba ko at mistulang nag-iisip.

"Pero bawal ka mag two piece.." Sabi ni Vun at tinitignan ako ng nakakunot ang noo.

"Oo nga heat! Bawal!" Pag babawal din ni Mir.

"Yep! Bawal!" Sang ayon ni Fir

"Pero nasa sayo narin yan kung gusto mo na mapaaway kami" saad ni Lion. Nagtawanan naman sila. Nag rolled eye nalang ako at humiga ulit sa kama.

Pinulot ko ang cp ko at nag scroll lang ulit sa Fb. Nakita ko na nag chat si Via. May mga Laptop din naman kase sa bahay ampunan. At pinapahiram naman iyon ni Ms, Alma.

Via Gonceles:

Heat! Kamusta kana? Miss kana namin ;<

Naging matunog ang pag ngiti ko dahil sa kadramahan ni Via. Naramdaman ko naman na Tinignan ako ni Vun kaya tinignan ko sya. Nakataas ang kilay nya at parang nagtatanong kung bakit ako nakangiti. Umiling nalang ako bilang sagot sa kanya. Hindi naman kami napansin ng anim dahil abala din sila sa pag cecellphone si Vun lang talaga ang nakapansin sa pag ngiti ko.

Ibinalik ko nalang sa Cellphone ko yung tingin ko at nag tipa na ng sagot para kay Via.

Ako:

Ayos lang ako. Kayo kamusta na? Miss ko narin naman kayo, lalo na ang kadramahan mo HAHAHA. XD.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon