40

1.5K 50 13
                                    

Heat's POV

Matapos ang usapan naming iyon ay umalis na sa kwarto ko si Vun. Hindi ko maialis sa isip ko ang kakaibang ekspresyon nyang iyon ng talikudan ako.

"Kamusta kana?..." Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang salitang iyon.

"Acia..." Pagbanggit ko sa pangalan ng katulong.

Hindi ko narinig ang pagpasok nya dala na siguro ng masyadong pag-iisip.

Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Narinig ko ang usapan nyo kanina ni Mr, Ziek... Kayo naba ni Vun?" Tanong nya.

Napataas ang kilay ko dahil sa uri ng pagtatanong nya. Base sa pagkakatanda ko ay hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa para magtanong sya ng ganito.

"Why do you wanna know?" Nakataas na kilay na tanong ko. Nginisihan nya lang ako.

"Hindi kayo pwede ni Vun o kahit sino man sa mga Bontre. Kung tutuusin nga ay dapat wala ka sa puder nila." Lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Ano bang sinasabi mo?!" Inis na tanong ko. Wala akong oras para sa ganito at mas lalong wala ako sa mood para makipag hulaan sa sinasabi nya!

Bumuntong hininga sya at tinignan ang kabuuan ng mukha ko.

"Bakit hindi napansin ni Hell na may pagkakahawig kayo ng asawa nya..." Halos pabulong na saad nya kaya halos hindi kona marinig.

"What?" Iritang tanong ko.

"Kung ako sa iyo ay lalayo na ako sa mga tao sa bahay na ito." Saad nya. Hindi pinansin ang tanong ko.

"Nababaliw kana ata." Sarkastiko na saad ko. Nginitian nya lang ako.

"Maiintindihan mo rin ang sinasabi ko... At sa oras na iyon ay sigurado akong magsisisi ka." Malamlam na saad nya.

Napatitig naman ako sa mata nya dahil sa pagtataka at pagkagulo sa bawat salita na lumalabas sa labi nya.

May kinuha sya sa bulsa nya kaya napatingin ako doon. "Suklay ko yan ah! Pano napasayo yan?" Tanong ko at akmang aagawin iyon ng ilayo nya.

Inilapit nya ulit iyon at sinuklayan ang buhok ko.

"May malapit na magkaibigan..." Pag-uumpisa nya.

"... Sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay halos hindi na nga sila mapaghiwalay..."

"... Ngunit may isang pagkakamaling nagawa ang dalawa sa isa't-isa, Sobrang laki na naging dahilan ng pagpapatayan nila..."

"... Pati ang mga anak ay nakikisali na... Ngunit ang nag-iisang anak ng isa ay nawawala. Nasaan kaya sya?.."

"Ano bang sinasabi mo?!-" pinutol nya ang sasabihin ko ng bigla itong tumayo.

"Ang buhok mo... Paniguradong sa kanya mo 'yan namana." Nakangiting sabi nya at inabot ang kamay ko para ilagay ang suklay doon.

"Matulog kana." Sabi nya bago ako talikuran at iwan sa loob ng kwarto.

Punong-puno ang isip ko ng maraming tanong.

Ano bang ibig nyang sabihin.

Inilagay ko sa cabinet ang suklay ko at lumabas ng kwarto para sana hanapin si Acia at itanong tungkol sa sinabi nya.

Isinarado ko ang pintuan at katahimikan ang bumalot sa hallway ng bahay.

Maglalakad na sana ako pababa ng may marinig ako na boses.

"Gaano ba kamahal ang atensyon mo?! Sapat naba ang isang milyon?!" Boses ni Xerveq ang narinig ko.

Nanggaling iyon sa kwarto ng mga katulong.

Sa lakas ng boses nya ay maririnig iyon ng kahit na sino basta nasa hallway. Pero malabo iyong marinig kung nasa loob ka ng kwarto.

"Wala po akong Presyo Mr, Bontre..." Mahinhin naman ang boses na sumagot sa tanong ni Xerveq.

Inawang ko ng kaunti ang pintuan at sinilip sila doon.

Tama nga ang hula ko. Boses iyon ni Xerveq, Isang kasambahay ang kausap nya.

"Patunayan mo! I-Date mo ako!" Namilog ang mata ko sa narinig ko na saad ni Xerveq.

"Marami papo akong gustong gawin sa buhay ko, at hindi po kasama doon ang I-Date ka Mr, Bontre." Magalang na sagot nung babae.

"Kilala moba ako?!" Halata sa mukha ni Xerveq ang pagkairita.

"Opo... Kayo po ang lalaking pinagsisilbihan ko-" Agad na pinutol ni Xerveq ang sasabihin ng babae.

"Pwede bang wag kanang gumalang sa akin kapag tapos na ang oras ng trabaho mo! Nakakainis kase!" Pasinghal na utos ni Xerveq.

Tinignan naman sya ng babae sa mukha na para bang ipinapasok nito sa utak ang sinabi ni Xerveq.

"Sigurado po ba kayo?-"

"OO!" Agarang sagot ni Vun.

Ang kaninang magalang na tindig ng babae ay nawala matapos marinig ang sagot ni Xerveq. Namewang yung babae sa harap ni Xerveq at tinaasan sya ng kilay.

"Lumabas ka sa kwarto ko! Ayokong makipagdate sayong punyeta ka!!" Nagulat ako sa sigaw ng babae.

Kanina lang ay napakagalang nya ngunit tignan mo sya ngayon.

Napapikit pikit naman si Xerveq at mistulang hindi makapaniwala sa Sigaw nung babae.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Nauutal na tanong ni Xerveq.

"Ang sabi ko- AYOKONG MAKIPAG DATE SAYO! NANDIDIRI AKO SA'YO DAHIL NAPAKAARTE MO! MAS SAHOL KAPA SA TITA KONG BABAE!" Buong lakas na sigaw ng babae at hinihingal pa matapos sabihin iyon.

"H-Hoy! Boss mo parin ako! B-Baka nakakalimutan mo-"

"Pero tapos na ang oras ng trabaho ko diba?! Ngayon... Umalis kana baka magbago pa ang isip ko at hindi ka makaalis sa kwarto ko ng buhay!" Banta nung babae.

"Bakit papatayin moba ako?..." Nakakaloko ang ngiti ni Xerveq ng itanong iyon.

"OO!" Walang pag-aalinlangan namang sagot ng babae.

"Papatayin sa pagmamahal? Sinasabi kona nga ba! May tinatago karing pagnanasa sa akin, sadyang pakipot kalang." Nang-aasar na saad ni Xerveq.

"Alis!!" Sigaw ng babae at tinulak si Xerveq.

"Oh sige, aalis na ako! Wag mokong mamiss ha?!" Pahabol pa na pang-aasar ni Xerveq bago maglakad palabas kaya dali-dali na akong tumakbo at nagtago sa likod ng malaking Vase.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon