Heat's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana.
Idagdag pa ang kaunting ingay na naririnig ko sa labas ng kwartong pinagtuluyan sakin ni Anne.
Lumabas ako sa kwartong iyon para makita kung ano ba ang sanhi ng ingay na 'yon.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Anne. Kinusot kopa ang nanlalabo kong mata dala ng kakagising palang.
Nginitian ako nito. "Gising kana pala. May pagkain na sa mesa kumain kana. Nag-iimpake ako para sa pag-alis natin mamaya." Ani nito na ikinataas ng kilay ko.
"Mamaya agad?" Tanong ko. Tumango naman sya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Tumungo ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush.
Hindi ko mapigilan na titigan ang repleksyon ko sa salamin. Sarili ko ang nakikita ko ngunit ang mukha ni Vun ang tanging tumatambay sa utak ko.
Napabuntong hininga ako at lumabas na para mag-agahan. Maya-maya lang ay lumabas na si Anne ng kwarto kung nasan sya kanina at sumabay na sa akin sa pagkain.
"Anne..." Tawag ko rito.
Tinignan naman ako nito at binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Pupuntahan ko si Vun mamaya." Nag-iba ang hitsura nya ng marinig ang sinabi ko.
"Babalik agad ako, pangako." Sabi ko sa kanya. Lumunok naman ito at tinignan ako sa mata bago dahan-dahang tumango.
"Saan mo sya pupuntahan?" Tanong nito at nagpatuloy sa pagkain.
"Sa school. Sigurado akong nandon sya kase may pasok ngayon. Hindi naman ako pwedeng pumunta sa mansyon dahil sigurado ako na hindi na ako papakawalan ni Mr, Ziek." Sagot ko rito.
"Oh." May kinuha sya sa ilalim ng mesa at ibinigay sa akin ang isang baril. Nanlaki ang mata ko.
"Sa oras na nagkagipitan, huwag kang magdalawang isip na iputok 'yan." Ani nito. Tinanguan ko naman sya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
Paniwalan-paniwala sya na sasama ako sa kanya. Oo nga at sasama ako ngunit hindi ako magtatagal. Basta makuha ko lang ang gusto kong sagot ay Hindi ako mag-aalinlangan na iwan ang babaeng nasa harap ko.
"Susunod ako, para deretso na tayo umalis." Ani nito. Walang alinlangan naman akong tumango.
Ano ba talaga ang tinatago ng babaeng 'to at naging mabait sakin bigla. Kating-kati na ako na malaman ang dahilan nya, siguraduhin nya lang na maeengganyo ako dahil hindi ako magsasayang ng oras para sa kagaguhan nya.
Hirvy's POV
"Dalian mo!" Inis na sigaw sa akin ni Fir.
Lahat sila ay nasa Van na at ako nalang ang inaantay kaya dali-dali akong lumabas.
"Urong." Nakangiting atas ko kay Kuya Vun. Bumuntong hininga naman ito at umurong para bigyan ako ng espasyo.
"Salamatski." Bulong ko dito.
Maya-maya lang ay nasa school na kami at nagsibabaan na.
Walang espesyal na nangyari ngayong araw, pwera sa triplets na naka buntot kay Denice at mistulang magpapatayan sa tingin.
Hanggang sa mag lunch at kagaya dati ay sumabay ulit sa amin si Vun.
Kami-kami lang magkakapatid ang nasa table at parang walang Heat na nag exist dati na kasama namin sa table.
Magiging tahimik na sana ang pagkain ko ng biglang....
*Bang! *Bang!
Dalawang putok ng baril ang nakapagpagising sa tahimik na cafeteria.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie