Hell's POV
"Boss... Nakarating napo..." Sabi ng isa kong tauhan. Inilatag nya sa harapan ko ang iba't-ibang uri ng baril.
"Maayos naba ang lahat?..." Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya kaya gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Andito po si Acia..." Sabi ni Anne.
"Papasukin mo." Sabi ko at tumango naman sya.
"Hell..." Napatingin ako sa kakapasok lang na si Acia.
"Hm... May balita ba?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya at umupo sa upuan na kaharap ko.
"Meron... Pero, sa susunod kona sasabihin ang iba...." Napatingin ako sa kanya ng dahil sa sinabi nya.
"Bakit hindi pa ngayon?.." Tanong ko.
"Hindi pa ako sigurado..." Yun lang ang iniwan nyang mga salita bago nag salin ng wine sa baso nya at patungga na ininom 'yon.
"Bakit ka naparito?..." Tanong ko, kung hindi nya pa pala sasabihin ang... Anong ginagawa nya dito?
"Ahm... Nakita kona ang mga kagamitan ng mga bontre. Masasabi ko na mas marami ang gamit nyo kumpara sa kanila ngunit mas magagandang kalidad naman iyon..." Sabi nya at nag sindi ng sigarilyo.
"Ganon?..." Nakangising saad ko at uminom narin ng wine.
"About sa batang si Heat... Kung maaari ay h'wag muna kayong kumilos..." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
Itinapon nya ang upos ng sigarilyo sa sahig at tinapakan ito bago tumayo.
"Aalis na ako... At baka makahalata pa ang mga Bontre..." Sabi nya at tuluyan ng umalis.
Anong ibig sabihin nya na wag muna namin galawin si Heat?
Nasisiraan naba sya?...
Tss...
Heat's POV
"Hindi naraw tayo tuloy sa bakasyon..." Mahihimigan mo ang lungkot sa boses ni Mir.
"Hayaan mona... May susunod na taon pa naman..." Sabi ni Lion.
Lahat sila ay nasa loob ulit ng kwarto ko pwera lang kay Hirvy na halatang galit parin.
Naiintindihan ko sya kahit na hindi ko naman alam ang rason kung bakit sya nagagalit sa mga magulang ko... Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa nila sa pamilya nato.
"Malapit na pala ang pasukan..." Sabi ni Xerveq at bumuntong hininga pa.
"Oo nga pala..." Nag kamot ulo pa si Fir.
Maski ako ay hindi rin namalayan...
"Heat... Ayos kana ba?... I mean, kaya mona ba mag take ng exam?" Tanong ni Vun.
Umayos naman ako ng upo at tinignan sya.
"Oo naman.... May dahilan ba para maging hindi?" Pabalik na tanong ko sa kanya.
"No... Yung about sa p-parents mo, ayos naba 'yon?" Tanong nya ulit tanging tango lang ang naisagot ko.
Tumayo ako at kinuha ang Cellphone ko.
''Magpahinga kana, Heat... Aalis na kami." Sabi ni mir.
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanila at tinignan sila na palabas na ng kwarto ko.
Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Tinabingi ko pa ang ulo ko ng makita na wala na at maliit na peklat nalang ang mga sugat ko.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie