30

1.8K 74 3
                                    

Heat's POV

"Sira ba ulo mo?" Hindi makapaniwala na saad ko.

Sino ba naman kase ang matinong tao na gagawing basehan ang paghigit lang sa Van.

"Hindi! Wala nang bawian yun, ah? Tayo na!" Sabi nya na naging dahilan ng pag singhal ko.

Tarantado.

"Hindi pwede!" Dagliang sigaw ko.

"Bakit?" Nagtataka na saad nya.

Sira ulo talaga to.

"Magkapatid tayo, buang!" Sabi ko at kinotongan sya.

"Oh, c'mon heat. Alam natin pareho na ampon ka lang" nakataas na kilay na ani nya.

"Ampon?..." Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na hoses ni Gun.

"G-Gun..." Pag bigkas ko sa pangalan nya.

Bakas sa mukha nya ang gulat.

"Ampon lang-- ampon lang sya?" Hindi makapaniwala na tanong nya at itinuro pa ako.

"So what?" Bored na sabi ni Vun at kinutkot pa ang kuko.

"Ibig sabihin... Hindi ka Bontre?" Halata parin sa mukha nya ang pagkagulat.

"Malamang, ampon nga diba?" Sarkastikong saad naman ni Vun.

"A-ahh... Ano kase..." Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin kung ano man ang gustong marinig ni Gun.

"Hindi mo kailangang mag paliwanag sa kanya" nakakunot na saad ni Vun.

Sasabat pa sana ako ng may biglang tumigil na sasakyan sa harap namin.

"let's go" Huli na para pumalag ako dahil hinatak na agad ako ni Vun papasok sa mamahaling sasakyan nya.

Alam ko na tag-iisa ang sasakyan ng bawat anak ng Bontre dahil nakita ko mismo iyon ng minsang maglakad-lakad ako.

"Saan po tayo?" naagaw ng Driver bg sasakyan ni Vun ang atensyon ko.

"Condo" nanlaki ang mata ko ng marinig ko kung saan kami pupunta.

"Hoy! Tangina, bakit sa Condo? Kaninong Condo?!" sunod-sunod na tanong ko.

"Sa akin malamang. Besides, You can't go to someone else's condo, understand?" May pagbabanta sa titig nya pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Bakit naman tayo pupunta sa Condo... Mo? At tsaka... Anong gagawin natin... Doon?" Napakagat ako sa dila ko dahil sa uri ng pagtatanong ko.

Kailan pa ako nagsimulang kabahan kapag sya ang kausap ko aber?

"Ano ba ang ginagawa sa Condo?" nakangisi na saad nya.

Siraulo.

"Ano nga b-ba?" Nauutal na saad ko at nagkukunwaring nag-iisip.

Bakit ba ako kinakabahan? Si Vun lang naman yan, eh!

"Edi kakain... "sya na ang sumagot sa sarili nyang tanong.

Napalunok naman ako ng isang beses. Mali, dalawa pala. Ay, Tatlo. Shit, pang-apat na ngayon.

"K-Kakain?!." kinakabahan na ako kaya medyo napalakas ang boses ko.

Tinignan nya naman ako ng may pagtataka bago gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi nya.

"Oo. Kakain tayo--ng lunch. Ano ba kase ang nasa isip mo?" Medyo lumalapit ang mukha nya kaya napalunok na naman ako.

Gosh. Libangan kona ata ang pag-lunok ah?

"Wala... " halos pabulong na na saad ko dahil sa sobrang lapit nya.

Nagitla naman ako ng umangat ng dahan-dahan ang kamay nya at haplusin ng marahan ang pisnge ko.

"Dadating din tayo jan... Wag kang magmadali" saad nya habang nakatingin sa mata ko.

Napapikit ako ng maamoy ko ang mabango nyang hininga. Amoy Mint.

Pagkadilat ko ay sya namang panlalaki ng mata ko ng makita ang labi nya na papalapit na.

Dali-dali ko naman syang tinulak at huminga ng malalim.

Anong dadating??

"G-Gago kaba?!." Hindi matago sa boses ko ang kaba na nararamdaman.

"HAHAHAHA!" malakas na tawa nya habang nakaturo pa sa mukha ko.

"Wag mo nga akong pag-tripan!" Inis na sigaw ko at pinagpapalo sya.

Pero imbles na sya ang masaktan ay parang ako pa. Paano ba naman ako hindi masasaktan? Ang tigas ng braso nya, parang bakal tuloy ang pinapalo ko.

Inis ko syang tinigilan at pasiring na inalis ang tingin ko sa kanya.

"Are you hungry?" tanong nya matapos makabawi sa pagtawa.

Tanging tango lang ang isinagot ko at tinarayan sya.

Ano ba kase ang naisip ko sa "kakain"?!

Ugh! Habang tumatagal ata ako sa pamilyang ito ay mas lalong dumudumi ang utak ko.

"Are you mad?" Tanong nya.

Umiling naman ako at tinignan ang orasan ko.

Nag-umpisa na ang Klase ko.

Ipinagkibit balikat ko nalamang iyon at itinuon ang pansin sa bintana ng sasakyan.

Ngunit hindi nagtagal doon ang paningin ko ng kalabitin ako ni Vun. Inis ko naman syang hinarap habang magkasalubong pa ang kilay.

"Hey, Honey. I'm Sorry... " Napaawang ang bibig ko ng marinig ko ang sinabi nya.

Ugh, Heaven!

Ang lambig ng tono ng boses nya ng sabihin nya iyon. Isang uri ng tono na nakapag-paramdam sa akin na para bang nasa langit ako--

Wait! What?! Seriously, Heat?!! Nababaliw na ata ako!!!

"A-A-Anong Honey ka jan?! Sira ba talaga ang Ulo m-mo??!" Hindi ko na naman mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Why?" nagtataka na tanong nya.

Ngunit imbles na sagutin ko ang tanong nya ay napatitig ako sa mukha nya.

Ang kinis... Parang ang tagyawat pa ang mahihiya na tumubo sa mukha nya...

Ang tangos ng ilong nya...

Mapupungay ang mata nya na sa ngayon ay kulay abo...

At ang panga nya... Perpekto ang pagkakahulma. Masasabi mo talaga na maraming nilaang oras ang dyos para lang likhain ang katulad nya.

"Are you okay?" nabalik ako sa ulirat ng itanong nya iyon.

Umayos ako sa pagkakaupo at pilit na inalis sa isip ko ang mga papuri ko sa mukha nya.

Ngunit sadya atang pasaway ang mga mata ko, dahil kahit na anong gawin kong pag-iwas ng tingin ay bumabalik parin ito sa mukha nya... Sa mukha ni Vun.

Tila ba isang droga ang mukha nya at ako naman ang adik na hindi maalis ang tingin dito.

Isa syang nakakaakit na sining... Isang nakaka-akit na sining na tanging sa mga Bontre mo lamang makikita.

"Heat?..." Bigkas nya ulit sa pangalan ko dahil sa hindi ko pag sagot.

Natuon naman ang mga mapangahas kong mata sa mapupulang labi nya, bago ilipat sa mata nya ang tingin ko.

"I think I am..." Hindi ko maiwasang maisatinig ang nasa isip ko.

"Huh?" Nagtataka na tanong nya.

...slowly falling for you.

VOTE!

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon