Hell's POV
"Paanong nangyaring natakasan kayo ng isang babae?!" Umalingaw-ngaw sa buong silid ang boses ko.
Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina ko habang nasa harap ko ang limang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa pag-aasikaso ng grupo.
Napayuko naman ang iba dahil sa kaba at ang iba naman ay nakatingin sa akin at mistulang nag-aantay ng susunod kong gagawin.
Hindi na ako nagtataka kung bakit madaling naisahan ng anak ko ang mga gunggong na ito dahil nananalaytay sa kanya ang dugo ko. Ngunit wala akong ibang magawa kundi ang magalit.
"Sigurado kaba na sa'yo papanig ang batang iyon?" Napalingon ako kay Dencio ng bitiwan nya ang mga salitang iyon.
Si Denci ay limang taon ng nagseserbisyo sa akin bilang tagapagbantay ng mga armas na inaangkay ng ibang grupong natatalo namin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito. Umayos naman sya ng tindig at hinarap ako.
"Kahit na sabihin nating sya ang nag-iisa mong anak at nananalaytay sa kanya ang dugo mo ay hindi parin ikaw ang kinalakhan nya, lalo na't nakakasiguro ako na nakuha na ng mga Bontre ng simpatya nya." Ani nito at tumingin pa sa apat nyang kasama, mistulang sinasabi na pumanig ang mga ito sa sinabi nya.
"Anong dapat nating gawin kung ganon?" Marahang tanong ko rito at kinuha ang baril na nasa harap ko.
Masyado ng makintab ang baril na ito dahil hindi pa nagagamit, ngunit kinuha ko ang panyong naiwan ni Anne at ipinamunas iyon sa baril.
"Baka ang anak nyo pa ang tumapos sa inyo, kaya mas mabuti na tayo na ang gumawa non sa kanya." Ani nito, punong-puno ng confidence ang boses nya.
"Ang sinasabi mo ay patayin natin sya? Patayin ko ang nag-iisang anak ko ganon ba?" Ulit na tanong ko dito.
Ngumiti naman sya at tumango.
"Oo, at handa akong mamuno para sa pagpatay sa kanya kung mamarapatin mo." Asad nito, napalunok naman ako at hindi na napigilan ang pagkasa sa baril na hawak ko at deretsong itinutok iyon sa ulo nya.
"Tarantado kaba? Ang lakas ng loob mong magbitaw ng ganyan sa harap ko. Baka gusto mong ulo mo ang paputukin ko." Ani ko sa mahina ngunit may diin na tono.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ng apat pa na pinagkakatiwalaan ko at ang paglayo nila kay Dencio.
"B-Baka pwede pa nating pag-usapan iyan Mr, Hell. Marahil ay wala lang sa tamang huwisyo ngayon si Dencio." Kahit piliting itago ni Santiago ang kaba ay kusa iyong lumabas sa boses nya.
Si Santiago ang namumuno sa mga lugar na paggaganapan ng labanan sa oras ng laban, sya rin ang namimili ng magandang pwesto para rito.
"Manahimik ka!" Singhal ko rito. "Baka gusto mo ring pasabugin ko ang ulo mo?" May pagbabanta kong tanong.
Napayuko ito at ngunit Hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nyang patingin kay Dencio.
"Nakaya kang traydurin ng pinakamatalik mo na kaibigan kaya't hindi na malabo na matraydor ka rin ng babaeng iyon. Kaya kung ako sa'yo ay kikitilin kona ang buhay nya." Pagmamatigas parin ni Dencio kaya't agad kong kinalabit ang baril na mabilis naman na tumama sa ulo nya.
Napapikit ang mga katabi nya ng magsitalsikan ang mga dugo dito."Linisin nyo 'yan!" Singhal ko at pabatong itinapon ang baril sa kung saan.
Nagtungo ako sa cctv area at Nirewind ang mga oras na nandon pa si Heat sa kwartong iyon.
Nakatulala si Heat sa kawalan ng biglang pumasok si Anne at sinilip pa ang paligid, may pinag-usapan sila sa maikling oras at agad na kinalas ni Anne ang bakal na nakatali sa paa ni Heat.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie