19

2K 78 4
                                    

Heat's POV

"Andito yung kapatid ng mga Bontre..." Rinig kopa na bulong ng babae pag pasok ko sa Cr.

Hindi kona lang sila pinansin at pumasok nalang ako sa isang cubicle na walang Tao.

"Sya ba yun?.."

"Yes, sya yun."

"Maganda naman pala..."

"Bontre eh...."

Napangisi nalang ako habang nailing pa.

Maganda talaga ako pero hindi ako Bontre!

Ano kayang sasabihin ng mga toh pag nalaman na hindi ako kapatid ng mga crush nila Kuno.

Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako at nakita ko na wala na yung mga nag-uusap kanina.

Wala naring tao.

Naghugas ako ng kamay at inayos ang ilang hibla ng buhok ko bago lumabas ng Cr.

Paakyat na sana ako sa floor kung nasaan ang room ko ng may maaninag ako na dalawang tao na pamilyar.

Lumapit pa ako para mas lalong maging malinaw ang mga mukha nila at tama nga ang hinala ko.

'Si Lion at Mariah'

Nagtago ako sa gilid ng pader para hindi nila ako makita.

Hindi naman sa chismosa ako... Pero minsan kailangan mo ring makinig sa usapan ng iba para aware ka sa nangyayari sa paligid mo.

"Tumigil kana, please..." Nanghihina na saad ni Mariah.

Nagtataka ako kung ano ba ang pinag-uusapan nila dahil nangingilid ang luha sa mga mata ni Mariah.

"No... Hindi kona ulit hahayaan na iwan mo ulit ako, Mariah..." Sabi ni Lion, napahawak naman ako sa bibig ko.

It means... Magkakilala na talaga sila dati pa.

"Pero... Bawal na. Naiintindihan moba?! Bawal!" Sigaw ni Mariah kay Lion.

"Bakit bawal? Ha?! Bawal kase pinatay ng papa mo ang lolo ko?... O bawal kase pinatay ng papa ko ang papa mo?!" Sigaw ulit ni Lion kay Mariah.

Tuluyan ng tumulo ang mga nangingilid na luha ni Mariah, ang kanina nya pang pinipigilan na luha ay nagsi-unahan na sa pag bagsak.

"Oo! Nagkasakitan na ang mga pamilya natin, Lion! Wag kang selfish..." Ani ni Mariah at pilit na pinipigilan ang luha nya.

"Kung pagiging makasarili ang mahalin ka... Karangalan sa akin ang pagiging selfish kung gano'n!" Sigaw ni Lion at may lumandas na rin na luha sa pisnge nya.

"Oh... Honey, Don't cry..." Aligagang sabi ni Mariah at pinunasan ang luha ni Lion gamit ang mga palad nya.

Napapikit naman si Lion ng dumampi ang mga kamay ni Mariah sa pisnge nya.

Imbles na tumahan si Lion sa pag luha ay nagsiunahan lamang ang pag tulo ng luha nya ng maramdaman ang kamay ni Mariah na dumampi sa pisnge nya.

"Shh... Honey, stop... I don't wanna see you c-cry.." Sabi ni Mariah.

Habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni lion ay sya namang tuloy-tuloy na pagpupunas ni Mariah.

"Kung hindi mo gusto na umiiyak ako... Please, be mine again, Mariah..." Marahan na sabi ni Lion at kinuha ang palad ni Mariah mula sa pisnge nya.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon