52

1.1K 54 13
                                    

Heat's POV

"ANO ba?!" Inis na tanong ko at padabog na tinabig ang kamay nya.

Hindi ko maintindihan kung anong laro na naman ang balak ng babaeng nasa harap ko.

"Masakit ang katawan ko pwede ba itigil mo muna 'tong pisteng larong 'to!" Kahit masakit ang pisnge ko dulot ng mga sampal na inabot ko ay nagawa ko parin syang sigawan.

Suminghap sya at tumalikod sa akin, nakita ko na pinunasan nya ang luha nya bago muling humarap sa akin.

"I'm sorry..." Bagaman wala ng makikitang bakas ng luha sa mukha nya ay mamasa-masa parin ang mata nya.

"Para saan?" Tanong ko ngunit bago nyapa sagutin ay isa ng boses ang pumigil sa usapan namin.

"Anong meron dito?" Tanong ni Hell na kakapasok lang sa kwarto.

Aligaga namang humarap ang babae sa kanya at yumuko.

"Anong nangyayari dito, Anne?" Ulit na tanong nya ngunit ngayon ay may diin na sa pangalan ng babae.

"N-Nakita ko yung mga gago na 'yan na nangengealam ng walang permiso mo..." Sagot ni Anne sa mababang tono.

"... Pinipilit nila si Heat na may sabihin para maging dahilan ng pagtaas nila sa rank." Dugtong nya pa.

Napabuntong hininga naman si Hell. Bago tignan sa mga mata ang mga lalaki at kusa itong nagsialisan.

Lumipat ang mga mata nito sa akin at sinuri ang katawan ko.

"Pakainin mona 'yan, gusto kong buhay pa 'yan kapag andito na ang gagong Ziek na 'yon." Huling saad nito at tinalikuran kami.

Iniwanan ako ng isang nag-aalalang tingin ni Anne bago ako iwan ng mag-isa.

Maya-maya lang ay may dumating na mga babaeng nakaitim at tinanggal ang pagkakagapos ko, ang iba ay may dalang pagkain at inalalayan ako nito na umupo sa sahig. Kahit na ayokong kainin ang pagkaing binigay nila ay wala akong choice dahil ang tyan kona mismo ang nagpoprotesta.

Matapos kong kumain ay nilinis nila ang sugat ko, minsan ay napapadaing pa ako dahil sa sakit nila manggamot.

'May mga galit ampota...'

Padabog na umalis ang mga babae at naiwan ulit akong mag-isa, dala ng pagod at sakit ng katawan ay kusa rin akong nakatulog sa malamig na sahig.

Hirvy's POV

Isang malakas na buntong hininga ang namutawi sa buong kwarto ng hospital.

Tinignan ko si Dad na pinanggalingan ng malalim na buntong hininga, kakarating lang nila at mistulang may malalim na iniisip.

"Ano kaya ang balak ng lalaking iyon... " Mahinang saad nito.

"Si Heat?" Isang boses ang nakapagpatayo sa amin ng sabay-sabay.

"Kuya..." Saad ko at nilapitan si Kuya Vun na kakagising lang, hindi ko napansin ang pagbangon nya at pagsandal sa pader ng kwarto nya.

"Asan si Heat?" Ulit na tanong nito.

Walang sumagot sa kanya at mistulang alam nya na agad ang sagot sa tanong nya.

Napapikit sya at napahilot sa sintido. Kahit na sariwa parin ang mga sugat nya ay hinigit nya ang suwero na nakakabit sa kamay nya.

"Anak." Saway sa kanya ni Dad at inalalayan si kuya Vun.

"Si Heat, dad. Puntahan natin si Heat."

"Ano ba Vun?! Kita mong hindi kapa nga makatayo ng maayos tapos yung babaeng 'yon agad ang nasa isip mo!" Inis na sigaw sa kanya ni Dad.

"Pero kung hindi sya napunta satin hindi nya dadanasing 'to!" Balik na sigaw nya, napagitla naman ako dahil ngayon nya lang nasagot ang aming ama ng pasigaw.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon