11

2.7K 103 4
                                    

Wir's POV

"Manang... Bat hindi papo nababa si dad?" Tanong ko kay manang Celia.

Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso bago ko inumin

Matagal na sya dito kaya medyo close narin naman kami.

"Ahh.. Ang sabi ng daddy mo ay bababa daw sya mamayang gabihan. May tinatapos pa kase sya sa opisina nya." Sabi ni manang. Ibinaba ko naman ang baso pag katapos Kong uminom.

''Busy si daddy..." Pabulong na saad ko.

"Manang pwede mag tanong?" Tanong ko kay manang at lumapit sa kanya para bumulong.

"Ano iyon Ijo?'' Tanong nya at itinigil muna ang ginagawa para harapin ako.

"Sino po yung bagong katulong? Bakit po hindi namin alam na may bagong katulong dito sa mansyon?" Sinisikap ko na hindi sya ma offend sa uri ng pag tatanong ko.

"Ahh iyon ba... Sya si Acia Mendez. Hindi ko alam na hindi nyo pala nalaman. Sinabi ko naman sa daddy mo na si Acia ang papalit kay Using. Alam mo naman si Using mahina na ang katawan nya..." Sabi ni manang.

"Ahh ok po" sagot ko at tumalikod agad.

Acia mendez.

Pumunta ako sa kwarto ni Vun at nandun naman silang lahat. Mga nanonood ng movie.

"Acia Mendez." Pag sasalita ko.

Naagaw ko naman ang atensyon nila kaya napalingon sila akin.

"Acia men-- what?" Naguguluhan na tanong ni Xerveq.

"Acia mendez. Pangalan nung bagong katulong" sabi ko at padabog na humiga sa kama ni Vun.

"Type mo?" Binigyan ko ng masamang tingin si Lion.

"Gago!" Sigaw ko sa kanya.

Ang tanda na non noh! Kasing edad na ata yun ni Papa.

"HAHAHAHA ayieee si Wir Pumapag-ibig" panggagatong naman ni Mir habang nakain ng popcorn.

Isinenyas ko naman ang kamao ko kaya nanahimik sila. Hindi naman ako malakas manuntok. Hindi rin naman mahina.

Nasa kalagitnaan kami ng movie ng may biglang kumatok sa kwarto ni Vun.

"Fir, Buksan mo nga" utos ni Vun.

"Ayoko, ikaw nalang mir." Pag papasa ni Fir.

"Ayoko, ikaw nalang Xerveq." May halong ungot pa sa boses ni Mir.

"Ayoko nga. Ikaw nalang Wir!" Tinignan ko sya ng masama pero parang wala lang sa kanya.

"Ayaw! Tinatamad ako. Ikaw nalang Hirvy." Nginuso kopa si Hirvy.

"Ayoko den aba! Ikaw nalang Lion!" Pag papasa nya kay Lion.

"Damn. Ayoko!" Sigaw nya.

"Ako nanga lang! Kwarto ko tapos kayo pa pag sisilbihan ko! Mga walang hiya!!" Sermon ni Vun at Padabog na Tumayo.

Nag hagikhikan naman kami ng palihim.

Kanya-kanya kaming silip kung sino ang kumatok at sabay-sabay din kaming napatayo ng makita na Yung Doctor ni Heat ang kumatok.

Nag-unahan pa kami para marinig kung ano man ang sasabihin nya.

"Oh Doc" pagbungad ni Vun.

"Mr, Bontre... Naka lock po ang kwarto ni Ms, Bontre kaya hindi kopo sya mapasok para linisin ang sugat nya." Sabi ng doctor sa mahinang tono.

"Baka tulog..." Singit ko.

"Oo nga.." Pag sang-ayon naman nila.

"Wait lang doc, kukuha lang ako ng key" sabi ni Vun at aaktong papasok ulit sa loob ng kwarto nya pero hinarang namin sya.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon