Heat's POV
Nang makarating kami sa hagdan papunta sa room namin ay binitiwan kona ang kamay ni Gun.
aktong tatalikuran kona sana sya ng hawakan nya ang kamay ko.
"What?" Inis na tanong ko sa kanya.
"I'm sorry..." Mahinang bigkas nya kaya kumunot ang noo ko.
"For?" Nag-aantay na tanong ko. Bumuntong hininga naman sya at tumingin sa akin ng deretso.
"Kaya ka nila Pinag-uusapan... Dahil sa akin iyon." Napaharap ako ng maayos sa kanya dahil sa sinabi nya.
"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.
"Ako. Ako ang nagpakalat na ampon ka." Napalunok ako. May hinala na ako kanina pa lang na sya ang may gawa non, dahil bukod sa mga Bontre at Sa Rosales ay sya lang ang nakakaalam na ampon ako.
"Bakit mo yun ginawa?" Siniguro ko na wala syang mababasang emosyon sa boses ko.
"Galit ata? Or selos? Hindi ko alam. Basta ang alam ko... Nainis ako nung sinabi ni Vun na girlfriend ka nya." Nakatingin parin na sagot nya.
Tumalikod na ako dahil wala naman na akong plano na sabihin sa kanya. Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang ng magtanong ulit sya.
"Wala namang... Namamagitan sa inyo diba?" Bakas sa tono nya ang pagtutol sa sarili nyang tanong.
Ilang saglit pa akong nakatayo doon bago napagdesisyunan na sagutin ang tanong nya.
"Wala. Wala akong nararamdaman para kay Vun." Tinuloy kona ang plano ko na pag-alis dahil baka kung ano na naman ang itanong nya.
Kagaya kanina ay samot-saring bulungan na naman ang naririnig ko pero hindi ko nalang sila pinapansin dahil ang isip ko ay nakay Vun.
Paano nya kaya nagagawang umambsent para lang mapuntahan ako? Pinapagalitan kaya sya ng Prof nya ngayon?
Natapos ang mga lectures at wala man lang pumasok sa utak ko. Lunch break na ngayon, hindi ko na inantay si Gun na makababa. Para saan pa?
"Heat!" Sigaw ni Via at kumaway pa. Pinagtinginan kami ng mga tao sa Cafeteria at nagbulungan pa.
Lumapit nalang ako kay Via na para bang wala lang sa akin ang nangyayari kahit na naiilang na ako kanina pa.
"Magkakapamangkin na tayo! Owemji! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala!!" Kinain ng lakas ng tili ni Via ang mga bulungan sa Cafeteria kaya kahit papaano ay napangiti ako.
"Excited na ako! Sana babaeang maging gender nya para aayusan kk sya!" Sa buong pagkain namin ay sya lang ang dada ng dada habang ako naman ay sumasang-ayon lang sa mga sinasabi nya.
"Bye!" Kaway nya ng pumasok na sa Room nya.
Nginitian ko sya at kumaway din bago ako tumalikod para lumabas ng school.
Pinabayaan lang ako ng guard na lumabas dahil na rin sa kadahilanan na Bontre ang gamit kong apelyido. Nagtataka tuloy ako kung bakit ba ang lalakas ng kampit ng mga tao na yun sa school na ito.
Pumunta ako sa parking lot para sana tignan kung nandoon ang Sasakyan ni Vun. Alam kong imposible na nandoon iyon pero kase may roon na parte sa akin na gustong malaman kung nandito ba sya.
Napabuntong hininga ako ng makita na wala ang sasakyan nya. Tumalikod na ako at umupo nalang sa bench malapit sa gate.
Napapikit ako ng dumampi ang ihip ng hangin sa mukha ko. Ang tahimik dito sa pwesto ko kaya naisipan ko na bumili ng coffee sa malapit na Coffee shop.
Patawid na sana ako ng humarang sa harap ko ang isang puti na Van.
Bumukas iyon at lumabas ang mga taong naka all black.
Nanlaki ang mata ko ng maalala kung saan ko sila nakita. Sila yung sumugod sa amin nila Mir.
Napaatras ako ng lumapit sila sa akin. Lahat sila ay may dalang mahahabang samurai at itinutok agad iyon sa leeg ko.
Gusto kong sumigaw ngunit alam ko na hindi sila magdadalawang isip na itarak sa lalamunan ko ang matulis na bagay na iyon kapag sumigaw ako.
Dahan-dahan kong nilingon ang gate ng school para sana manghingi ng tulong sa Guard pero ganon nalang ang pagpikit ng mata ko ng makita ang guard na nakabulagta ang halos humiwalay na ang ulo sa leeg. Sa wari ko ay isa sa mga taong nasa harap ko ang may gawa non.
Tss malas!
"Anong kailangan nyo?" Tanong ko pero tinitigan lang nila ako at itinuro ang loob ng Van. Sign na pinapapasok nila ako doon.
Ngumisi ako ng may maisip ako.
"Mr, Bontre!!" Tawag ko kunwari at sabay-sabay naman silang lumingon sa itinuro kong lugar. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para umatras at bumwelo bago ipalipad ang paa ko sa ere at sabay sabay na nagsihulugan ang mga samurai na hawak nila.
"Umalis na kayo." Banta ko. Tatalikod na sana ako pero ganon nalang ang paglunok ko ng makita ang doble nc tao na nasa likod ko. Lahat sila ay nakaitim at may hawak din na samurai habang ang isa ay may hawak na Handgun at nakatutok iyon sa akin.
"Fuck." Pabulong na mura ko at isinuko na ang kamay ko.
Dali-dali naman nila akong hinila papasok sa Van at padabog na binitiwan.
"Maganda ka... Sayang." Ganon nalang ang pagngiwi ko ng sabihin iyon ng lalaking nagmamaneho ng Van.
Inikutan ko sila ng mata at itinuon ang atensyon sa bintana.
Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na ito ay wala akong nararamdamang kaba. Pakiramdam ko ay magaan ang loob ko sa mga taong nasa tabi ko. Ang weird dahil kung tutuosin ay kaya nila akong patayin pero may parte sa akin na hindi natatakot.
Bigla akong napaisip. Ganito ba ang sinapit ng mga babae sa pamilya ng mga Bontre? Mararanasan ko naba ang mapabilang sa kanila?
***
If you have something to say or complain about, just contact me on my social media Account.
Sa Facebook ako madalas Active kaya doon nalang hoho.
FB Acc: Joana Rapis
Instagram: Joanyie
THANK YOU! TE AMO!
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie