Prologue

8.5K 271 54
                                    

Heat's POV

"Heat...Heat... Gumising kana jan at tutulungan pa natin si Ms. Alma sa almusal"

Nagising ako dahil sa yugyog ni Via

"Ok.. Mauna kana, mag aayos lang ako" sabi ko at tumayo na sa kama. Inantay ko muna na makalabas sya ng kwarto bago ulit ako tumayo.

Ganito lagi ang set up sa bahay ampuna. Gumising ng maaga. Magwalis sa labas. Magtanim. Kumain. Paulit ulit. Pero wala akong choice. Sanay narin naman ako.

Bata palang ako ay iniwan na ako ng mga magulang ko dito sa bahay ampunan. Hindi ko man lang alam ang dahilan. Hindi ko rin kilala ang mga parents ko o ang totoong ako. Basta ay lumaki ako sa pangalang Heather Heat. Walang magulang. Walang apelyido. Hayst.

That's life, walang perpektong buhay. Lahat may kulang, lahat may pintas.

Inayos kona ang mga hinigaan ko at pumunta na sa cr para maligo. Isang simpleng long sleeve at maong shorts lang ang isinuot ko. Wala naman kasi akong choice. Unti lang ang mga damit ko at lahat iyon ay pinaglumaan na pero maswerte parin ako dahil kahit papaano ay meron ako ng mga simpleng bagay na kailangan ko sa araw-araw. Sinuklay ko ang itim at wavy na buhok ko. Mahaba na pala, ngunit ayaw ko itong pagupitan dahil ito nalang ang natitirang kayamanan ko. Bukod sa ganda at talino.

Hindi ako mayabang. Honest lang. Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang napaka ganda kong mukha sa salamin kaya bakit kopa itatanggi na maganda ako eh totoo naman.

Sa bahay ampunan kase na ito ay may mga kasama ka sa kwarto. Ka room mate ko si Via, yung nanggising sa akin kanina. Mabait sya kaya nagkasundo kami.

"Oh heat, akala ko hindi kana bababa eh" ngising saad ni Thela. Ugh, i hate her. Mainit ang dugo nya sa akin kaya mainit din ang dugo ko sa kanya. Ewan koba, simula mga bata palang kami ay magkasama na kami sa bahay ampunan ngunit hindi kami mag kasundo.

"Snob snob akala mo naman ikinaganda nya.." Narinig kopa na sabi nya nung hindi ko sya pinansin. Sa sobrang inis ko ay hinarap ko sya at nag crossed arm.

"First, You don't deserve my attention. Second, Kahit snob-in kita ay maganda parin ako. Third, ang panget mo na nga, ang lakas pa ng loob mo na manglait.
Kung ako sayo, itikom mo nalang yang bibig mo, bumabaho yung paligid eh" nakita ko naman na umakyat ang dugo sa ulo nya dahil sa sinabi ko. Nag smirk muna ako sa kanya at tinalikuran sya.

Well, kung mean ka sa akin. Then mean din ako sayo. I'm not a saint for heaven's sake.

"Good morning ms, alma..." Bati ko sa matanda na naka salamin. Tanging tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Oh well, sanay na ako. Snob din kase sya. Pero mabait naman sya sadyang tahimik lang talaga.

"Ako napo jan" sabi ko at aakto na aagawin sa kanya ang sandok na hawak ng ilayo nya ito.

"Mag ayos ka nalang ng mga kubyertos sa lamesa..." Sabi nya with-a-cold-voice. Sabi ko nga kanina sanay na ako. Siguro kung bago lang ako dito ay nagtampo na ako sa kanya dahil iisipin ko na ayaw nya sa akin.

Inayos kona ang mga kubyertos at tinawag na ang iba na nasa labas. Mga nag wawalis at nag didilig.

Kasalukuyan kaming nasa gitna ng pag aalmusal ng...

"Ehem...heat, may bibisita dito mamaya, si Mr, Ziek. He wants to adopt you.." Panimula nya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi na naman bago sa pandinig ko na may gustong mag ampon sa akin. But, lahat umaatras twing nakikita yung ugali ko. Hindi din naman nila ako masisisi, lumaki akong ganito kaya kuhanin nila ako ng ganito.

"Okay..." Binalik kona ulit sa pagkain ko ang paningin ko at nag umpisa ng kumain.

"Please, heat. Ayusin mo naman ang ugali mo kapag kaharap mo na sya. Aba'y wala ka atang balak umalis sa ampunan na ito.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon