HEAT'S POV
"Ano ba?..." Iritado kong sabi at nagpilit na kumawala nung nasa loob na kami ng elevator.
Pinindot nya ang number kung nasaan ang condo nya.
"Ibang klase din yung trip mo noh? Bigla-biglang nangyayakap tapos sisigawan ang mga tao sa elevator na 'I Said umalis kayo!' tsk tsk." Pangagaya ko sa sigaw nya kanina.
Hinarap nya naman ako.
"What do you want me to do then? Nagtataka ako nung una kase pinagtitinginan ka, iyon naman pala ay lumabas ka ng walang short!" Sigaw nya, nagtatangis ang panga.
"W-Walang Short?" Patanong na bigkas ko.
"May short ako!" Sigaw ko ng makabawi ako sa sinabi nya.
"Sobrang ikli naman, halos hindi na makita!" Sigaw nya pabalik.
"Short is Short, Vun. May short bang long?!" Pamimilosopo ko.
"But your short is too short!" Pangangatwiran nya.
'Iyon lang pala ang ipinuputok ng buchi nito! Akala ko naman kung ano na ang nangyari'
"Ayan ba?..." Nakataas na kilay na tanong ko. Tinaasan nya rin ako ng kilay at para bang hindi hya na gets ang sinabi ko.
"What?" Nagtatakang tanong nya.
"Kaya moko niyakap para doon?..." Pinagkrus ko ang kamay ko at hinrap sya ng maayos. "Ang galing ng moves mo ah!" Kunwari nakangiti na saad ko pero alam kong may naglalaro ng sarkastiko sa ngiti ko.
"Tsk! Hindi ganon yon! Pinagtitinginan ka nila!! Buti sana kung sa mukha mo lang sila natingin pero pati sa-- arfgh!! Pati sa legs mo natingin sila! Nakita mo yung lalaking naka business attire? Halos lumuwa na ang mata kakatingin sayo!"
"Eh, ano naman?!" I'm Heat, walang aatras.
"Eh, ano naman?! Baliw kaba?! Ayos lang sayo na may natingin ng ganon sa katawan mo?!! Ayos lang kahit may nagnanasa sayo?!" Hindi makapaniwala na tanong nya.
Psh. AO.
Ako yung pinagtitinginan kanina... Ako yung pinagnanasahan. Pero kung umarte tong lalaking nasa harap ko ay daig nya pa ang nirape.
Masyado nyang pinapalaki ang gulo, parang 'yon lang. Hindi Naman sa hinahayaan ko na may nangbabastos sa akin o kahit na sa tingin palang ay nakakabastos na, bakit kailangan na laging babae ang umiwas? Bakit kailangan na laging babae ang mag-adjust?! Kahit na ano pang suotin ng babae... Ke mahaba man yan o maikli basta manyak... Manyak na talaga.
Tao din ang babae, deserve namin na gawin ang gusto namin... Deserve namin na suotin ang gusto namin.
"May pagnanasa ka rin naman sa akin pero hindi ko pinakelaman..." Pabulong na saad ko habang kunwari inaayos ang manggas ng polo na suot ko.
"Pardon me?.''
"Ha?" Tanong ko.
"Pakiulit ng sinabi m-"
"Hatdog." Pambabara ko.
Napapikiti naman sya at hinilot ang sentido nya.
Ang gwapo nya talaga magalit... Palibhasa ay pikon. Mukhang may iba akong kaaadikan ngayon, ah?
Tinignan nya ako ng masama pero blangkong mukha lang ulit ang isinukli ko.
Mapikon kapa, please...
"Masyadong mahaba ang legs mo kaya pansinin... Dapat wag kang magshort para hindi ka mapansin lalo." Madiin na atas nya.
Tinaas ko naman ang kilay ko. "Exuse me? Katawan ko po ito... At susuotin ko kung anong gusto ko, maliwanag?"
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie