Heat's POV
Kasalukuyan parin akong nakaupo sa highchair, nakapalumbaba ako habang tinitignan si Vun na naghuhugas Ng Plato.
Ang sabi ko kase kanina ay ako na, pero nagpumilit sya eh. Nagpumilit Rin naman ako kaya Lang ay sinumbatang nya lang ako Ng sya daw kuno Ang nag ma-may-ari Ng condo na'to kaya sya Ang masusunod.
As if naman na inaangkin Moto noh.
Nagpunas na sya Ng kamay sa apron at staka ako hinarap.
Ngayon ko lang napansin na pareho pa pala kaming naka-uniform.
Sinundan ko Ng tingin ang pawis na dumaan sa gilid Ng mukha nya.
Pinunasan nya naman iyon gamit Ang likod Ng palad.
Ugh! Ang hot!
Napakunot Ang noo ko dahil sa kahalayan na naiisip ko.
Inis kong kinuha Ang panyo sa bulsa ko at binato iyon sa mukha nya.
"Fuck!" Saad nya dahil sa Gulat.
"Wala ka bang damit dito? Magpalit ka nga!" Inis na saad ko, kunware.
"Bakit ako magpapalit?"
Tinarayan ko naman sya dahil sa katangahan nya.
"Ta-tanga-tanga ka kase! May apron kana nga, nadumihan parin yang uniform mo!" Pasigaw na saad ko, ngumuso naman sya.
Automatic naman na napatitig ako sa mapupulang labi nya.
"Nagliliptint kaba?" Nakagat ko Ang labi ko dahil sa tanong na iyon.
Pag sya talaga Ang kausap ko hindi Kona mapag-isipan Ng maayos Ang Mga sasabihin ko.
"What?" Nagtataka na tanong nya habang pinupunasan Ang leeg na may pawis.
"Ang pangit mo kako!" Sigaw ko at pinandilatan pa sya Ng mata bago tinarayan.
"Tss... Antayin moko, magbibihis lang ako." Paalam nya.
"Yung panyo ko, akina" saad ko at naglahad Ng kamay.
"What? May pawis Kona toh. Akin nalang!" Sabi nya habang nakangisi at kumaway pa bago lumabas Ng kusina.
Sumunod narin ako sa paglabas pero sa Sala ulit ang punta ko.
Umupo ako sa couch nya at kinuha ang remote para nanood Ng TV.
Wala masyadong magandang panoorin kaya nilibot ko uli Ang paningin ko sa condo.
May dalawang hallway. Yung Isa ay Kung saan pumunta si Vun para magbihis habang Ang Isa naman ay madilim.
Napakunot Ang noo ko dahil sa gumagapang na kyuryusidad. Ano naman Maya Ang nandoon?
Kanina kase pagpasok namin sa Condo natoh ay bumukas lahat Ng ilaw pwera nalang sa hallway na iyon.
"No..." Pag kontra ko sa sarili ko.
May parte kase sa akin na gusto pumunta sa madilim na hallway na iyon.
Ibinalik ko nalang Ang tingin ko sa TV, nagbabaka sakali na maalis Ang kyuryusidad ko tungkol sa hallway na iyon.
Ang tagal naman ni Vun.
3...
2...
1...
Ugh!!!
Ayoko na!
Padabog along tumayo at nakataas Ang noo na tinahak Ang daan papunta sa madilim na hallway na iyon.
Ang dilim naman! Wala bang ilaw dito?!
Ginapang ko Ang kamay ko sa gilid Ng pader, nagbabakasakali na makapa Ang pindutan Ng ilaw.
May nakapa akong bilog, sobrang tigas nya kaya ibinuhos ko Ang lahat Ng lakas ko para pindutin iyon.
Pagkapindot ko ay sya namang pag tubo Ng Mga tanong sa isip ko.
Kumalat Ang liwanag sa buong hallway.
Tumaas Ang kilay ko matapos Makita Ang kilay pink na pintura Ng pader.
Bakit pink?
Sa labas naman Ng hallway na ito ay Wala kang makikita na ibang kilay kundi white, black, brown and blue.
Pero dito sa hallway na toh... Pink.
Pati ang dalawang pinto Ng kwarto ay pink din.
Lumapit ako sa isang pinto at dahan-dahang pinihit iyon
Mas Lalo lang akong nagtaka matapos Makita Ang nasa loob mg kwarto.
Sangkatutak na koleksyon Ng hills, pambabaeng sapatos.
Pumasok ako at mas Lalo ko Lang nakita Ang loob.
May Mga magandang damit Rin na maayos Ang pagkaka hanger.
Para akong nasa mall Ng sapatos at Mga damit.
Iba't ibang klase iyon. Tingin mo palang ay masasabi Mona na professional na designer Ang may gawa.
Hindi sa nag iilusyo ako na sa akin iyon pero nilapitan ko Ang isang pares Ng sapatos at sinuot iyon.
Pero Hindi kasya sa akin, Malaki sya para sa paa ko.
Kanino tong Mga toh?
Maging Ang Mga damit Rin ay Hindi Rin kasya sa akin.
Lumabas na ako Ng kwarto na iyon at dahan dahang binuksan Ang isang kwarto.
Napaawang naman Ang bibig ko Ng makita ko Ang sangkatutak na make up.
Iba't-iba Ang tatak Ng make-up at mamahalin pa.
Meron Rin koleksyon Ng pambabaeng relo.
At may Mga iba't-ibang klase Ng sombrero na pambabae din. Merong scarf na puro kilay pink at orange.
Don't tell me...
'M-May babaeng nakatira dito?!!'
A/N
Hello nga pala sa aking freaking crush! Bakit mo nakalimutan yung birthday ko?! Huhuhu!
Ipapa-alala ko lang din pala sayo na...
...HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO! BWAHAHAHA!
VOTE!
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie