Hell's POV
"Sir Hell, may nakalap akong balita sa mga Bontre..."
Naibaba ko ang baril na hawak ko dahil sa sinabi ni Anne (hell's secretary)
"Spill it..." Sabi ko sa kanya. Ibinaba naman nya sa lamesa ang black envelope.
"May isa pang babae sa pamilya bontre bukod kay Filiatra (si Grandma)..." Napataas naman ang kilay ko dahil sa binitiwan nyang linya...
"Ang akala ko ay naubos nyo na?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng namatay ang lahat ng babae sa pamilya bontre at ngayon malalaman ko na may natira pang isa!
"Inampon sya ni Ziek..." Sabi nya at inilabas ang mga litrato na nagmula sa black envelope.
Nilatag nya ito sa harap ko at nakita ko ang isang babaeng na napapalibutan ng pitong lalaki na anak ni Ziek.
"Kuha ang litratong iyan sa mall..." Sabi nya at itinuro ang babae.
"Sya si Heather Heat Bontre..." Nabalik naman ang tingin ko kay anne.
Adopted huh?
"Isasama naba natin sya sa mga babaeng bontre na pinatay?" Tanong nya at ngumisi.
"Yes. She's our next target. Siguraduhin nyo lang na hindi kayo papalpak sa isang yan..." Sabi ko at sinenyasan na syang lumabas.
Nag bow naman sya at tumalikod na. Ibinalik ko ang tingin ko sa iba't-ibang armas na nasa harap ko ngayon.
'Ipaparanas ko sa'yo Ziek ang mawalan ng mahalagang tao sa buhay'
Kinuha ko ang baril na nakaagaw sa pansin ko at kinasa ito.
Heather heat... Pag sisisihan mo na nagkaroon ka ng ugnayan sa mga Bontre...
Nalipat ang atensyon ko sa cellphone ko ng mag ring ito.
"Yes?" Pang bungad ko sa tumawag.
"Hell..son.. Narinig ko na may babae pa sa mga bontre.." Panimula ni Daddy.
"Yes.. Actually dalawa sila... Isang matanda at isang dalaga" sabi ko na ang tinutukoy na matanda ay si Filiatra.
"Son! Wag mong gagalawin si Filiatra!" Napatawa nalang ako dahil sa naging reaksyon nya.
"HAHAHAHA i'm just kidding dad... Alam ko naman na ayaw nyong masaktan ang babae na FIRST LOVE mo" pag didiin ko sa salita.
3 years ago ng isinagawa namin ang plano na patayin ang lahat ng babae sa mga bontre... Pero nakiusap ang daddy ko na h'wag ng isama sa plano ang filiatra na yun! Dahil kuno na sya ang first love ng ama ko. Kahit naman first love nya ito ay hindi parin sila nagkatuluyan dahil hindi sya ang iniibig ni filiatra.
"H'wag mong gagalawin si Filiatra! Patayin mona ang lahat...wag lang sya..." Sabi nya at ibinaba na ang linya.
Napailing-iling naman ako.. Ang tatanda na nila ngunit hanggang ngayon ay may nababaliw parin sa pag-ibig na iyan...
Kinuha ko ang iniwan na papel ni anne. Ang papel kung saan nakasulat ang mga detalye ng batang iyon.
Heather Heat Bontre
17 Years old
Hand by hand: ang bahay ampunan ni Alma.
Napangiti naman ako ng mapait.
Kung hindi lang sana sya nawala ay kasing edad mo na sya...
Vun's POV
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie