Heat's POV
"Ang babagal!" Parinig ni Hirvy mula sa baba.
"Heat..." Naiirita ring pag tawag ni Denice.
Sino ba naman kase ang sira ulo na ginising ako ng tanghali tapos papagmadaliin ako.
"Wag nyo nga ako pag-madaliin! Late nyoko ginising tapos..." Hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko at nag focus nalang sa pagsuklay ko sa mahabang kong buhok.
"Si Vun kase... Hindi ka pinagising sa'min, sabi nya kailangan mo daw ng pahinga" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Denice.
Kahit kailan talaga... Paepal masyado.
Umirap ako sa harap ng salamin at mas nainis lang dahil nakita ko ang pag-irap ng sarili ko kaya umirap ulit ako.
"Tara na!" Pasigaw na saad ko at hinalbot na ang bag ko.
Ramdam ko na nakasunod sa akin si Denice kaya hindi ko na sya nilingon.
Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang pasimpleng pagsilip ni Acia kay Denice.
Anong plano mo?...
"Pa-importante masyado" paismid na saad ni Hirvy ng tuluyan na kaming makababa.
Binatukan naman ni Mir si Hirvy kaya mas lalong sumama ang mukha ni Hirvy.
Pero nawala amg atensyon ko sa kanila ng biglang pumasok si Lion.
"Saan ka galing?" Pambungad na saad ni Vun na sumulpot mula sa likuran ko.
"Somewhere..." Bored na sagot naman ni Lion at humikab pa.
"Somewhere,huh" sarkastikong linya ni Vun.
Ngumuso naman si Lion at paismid na inilipat ang tingin kay Denice.
"Your Ate... Ugh nothing!" Inis na sigaw nya at patakbo na umakyat pataas.
Tinignan ko naman si Denice ng may pagtataka pero sinuklian lang din nya ako ng nagtatakang tingin.
"Hindi paba tayo aalis?! Male-late na'ko!" Sigaw ni Hirvy.
Naglakad na kami palabas ng mansyon at sumakay na sa Van.
"Dito ka sa'kin sasabay." Sabi ni Mir.
"H-Huh?" Hindi na hinayaan ni Mir na makapalag si Denice at hinatak na Ito papunta sa sariling kotse nya.
"Gagamitin mo yung kotse mo?..." May halong pagtataka sa boses ni Vun.
"Hindi ba Obvious?" Pabalang na sagot ni Mir.
Hinila ko naman si Vun sa damit nya para makapasok na sa loob ng Van.
Nakikita ko na naman kase ang matatalim na titig ni Hirvy, baka mas lalo lang uminit ang ulo nya kapag pinaghintay pa namin sya.
Padabog kong binitawan si Vun sa upuan at umupo narin ako sa tabi nya.
"Tara na po" saad ko sa Driver dahil mukhang walang balak yung iba na sabihin iyon.
Tinignan ko naman si Vun na ngayon ay nakatulala.
"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ko.
Kung titignan mo kase sya ay para bang may nangyaring himala sa kanya kaya sya tulala.
"A-Ano?" Papikit-pikit na tanong nya at hindi makatingin sa'kin.
Problema nito?
"Anong nangyari sa'yo kako" ulit ko sa tanong.
"Ah... W-wala" sabi nya at dali-daling umiwas ng tingin.
Tsaka ko lang napansin na namumula ang tenga nya.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at tumingin na sa labas.
Dalawin ko kaya mamaya yung mga magulang ko?
Gusto ko sana kaso alam ko na sakit lang ang maidudulot sa akin non.
Masakit na sa parte na hindi ko sila nakita nung nangdadalaga ako... Pero mas masakit ang isipin na kahit kailan, hindi ko na sila makikita pang muli.
Nang huminto na ang Van ay binuksan ko ang pinto, pero hindi pa man ako nakakatapak sa lupa ay may humigit na sa braso ko.
Pagkatingin ko ay si Vun lang pala.
"Bakit?" Nakataas na kilay na tanong ko.
"Y-Yung ginawa mo kanina... Panindigan mo yun" saad nya na hindi ko maintindihan.
"Ginawa?" Nagtataka na tanong ko.
"Yung paghigit mo sa akin dito sa loob ng Van kanina... Panindigan mo yun, Heat." May diin na saad nya.
Ang kaninang nakataas kong kilay ang napalitan ng pagkakunot ng noo.
"O-okay" naisagot ko nalang at hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at bumaba ng sasakyan.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero nag 'Okay' nalang ako para matapos na.
Panindigan?...
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie