47

2.1K 72 28
                                    

WARNING!: R-18!!

Heat's POV

Kasalukuyan akong nakatingin sa pintuan ng kwarto at bumabawi ng lakas. Inaantay ko nalang ang mga Bontre na pumasok ditol9 para matulungan ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Iniisip ko kung ano ang magiging reaction ni Vun kapag nalaman nya ang nangyari ngayon... Magagalit ba sya? O mag-aalala? Siguro parehas.

Maya-maya pa ay may narinig na ako na sunod-sunod na yapak papunta sa kinaroroonan ko.

"Heat!?" Boses agad ni Wir ang narinig ko.

"Heat?! Where the fuck are you?!" Boses ni Lion.

"Asan ka?" Boses ni Mir.

Marami pa akong boses na naririnig na nagtatawag sa pangalan ko pero isa lang ang inaantay ko.

"Andito ako!" Sigaw ko at napahawak sa sikmura ko ng bahagya iyong sumakit.

Bumukas naman ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko at sunod-sunod na pumasok si Lion, Mir, Wir, Fir, Mr Ziek, Xerveq, at Hirvy.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Vun pero ni anino nya ay hindi ko nakita.

"Ayos ka lang?" Bakas sa tono ni Fir ang pag-aalala. Daglian silang lumapit sa akin.

"Ayos lang ako. Masakit lang ang katawan ko kaya hindi ako makatayo. " Halos paos na saad ko.

Pinasan nya ako sa likod palabas habang ang iba naman ay nauna na sa paglabas para pagbuksan kami ng sasakyan

"Asan si Vun?" Tanong ko sa tenga nya.

"N-Nasa mansyon..." Nagdadalawang isip nyang sagot.

Nasa bahay? Bakit hindi man lang ako pinuntahan?! I felt a twinge in my heart after thinking that he might have lost his temper with me after I pushed him away.

Maybe not ... maybe he's just resting. It is also tiring to listen to the principle' sermon.

Binaba nya ako ng makarating na kami sa sasakyan nila.

I felt Mr. Ziek staring at me so I also turned my gaze to him, mixed emotions I could see in his eyes. Pity. Sadness. Repentance. And I don't know What does that mean.

"Bakit?" I asked.

Nginitian nya lang ako pero hindi iyon umabot sa mga mata nya. "Patawarin mo ako, anak." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

But before I could ask, he got in the car so I just ignored it.

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe kaya medyo nagulat pa ako matapos kong magising ay nasa loob na ako ng kwarto ko.

May mga gamot sa lamesa kaya sa wari ko ay nagamot na ako.

Kaya nagdesisyon na akong bumaba para makita kung anong ginagawa nila.

Bago ako makalabas ng kwarto ay tinignan ko muna ang orasan. Oras na ng gabihan kaya hindi na ako magtataka kung kumakain na sila ngayon sa baba.

Dahan-dahan lang ang lakad ko dahil sa pananakit ng katawan ko.

Pagkababa ko ay dumeretso agad ako sa dinning pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nakatayo si Vun at mistulang may sinasabi sa mga kapatid nya. Pero hindi iyon ang ipinagtaka ko, ang ipinagtaka ko ay kung bakit sya may kasamang babae.

Nalipat ang paningin sa akin ng lahat maging narin si Vun. Tinitigan nya ako bago nya ilagay ang kamay nya sa bewang ng babae.

"Oh..." Naiusal ng babae dahil sa gulat. Bumingisngis pa ito at pinalo pa si Vun sa dibdib.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon