Heat's POV
"Are you really okay?" Tanong sakin ni Denice, tinanguan ko lang sya at tinungga ang isang shot ng alak na nasa harap ko.
"Tss, alam kona umpisa palang na may kakaiba na talaga sa pamilyang 'yon, sorry dapat umpisa palang sinabi kona sa'yo..." Bakas sa tono ng boses ni Denice ang pagkaguilty kaya nginitian ko sya.
"Kung hindi rin nangyari 'to baka hindi kona nakilala kung sino talaga ako." Bulong ko ngunit alam kong narinig nya iyon.
Wala akong gana magsalita pero naikwento ko ng detailed sa kanya ang nangyari kanina, masyado syang makulit kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang gawin iyon.
"Eh, paano yung katawan ni Anne?..." Halatang nag-alinlangan pa sya sa pagtanong niyon ngunit dala siguro ng kyuryosidad ay hindi nya maiwasan.
"Si Arist na ang bahala don..." Sagot ko sa kanya, tumaas naman ang kilay nya. "... Kanang kamay Ni Hell." Dugtong ko dahil alam kong itatanong nya iyon.
"Ano ng plano mo?" Tanong nya at nagsalin ng alak sa sarili nyang baso.
Hindi ko sya sinagot, sa halip ay ibinaba kona ang alak na hawak ko at nakapagdesisyon na umalis.
"Saan ka pupunta?" Gulat na tanong nya.
"May aayusin lang ako." Hindi kona inintay pa ang sagot nya at nagpasya na agad na umalis.
Kahit na nag-aalinlangan ay muli kong tinahak ang daan na papunta sa pinagdalhan sa akin ni Anne nung mga panahong kinidnap nila ako.
Nang ako'y nakarating na ay tanging dilim lamang ang sumalubong sa akin ngunit batid kong may mga matang nakabantay sa akin.
"Si Hell?" Tanong ko at isang iglap ay parang mga ulan na nagsipagbagsakan ang mga lalaking nakaitim.
Sinuri ako ng mga ito bago nagkatitigan.
"Ikaw ba si Heat?" Tanong ng lalaking may pinakamalaking katawan sa kanila.
"Ako nga." Sagot ko dito. Ngumisi naman sya at naglakad ng paabante sa akin.
"Ako si Thomas, Matagal nakong naglilingkod sa ama mo." Atas nya at inilahad ang kamay.
Tinignan ko lamang iyon, wala akong balak na tanggapin ang pakikipagkamay nya.
"Asan si Hell?" Ulit na tanong ko.
"Nasa Private room, sumunod ka sakin." Agaran syang tumalikod at naglakad, sumunod naman ako habang ang ibang lalaking nakaitim ay nagsiyukuan, hindi ako stupida para hindi mawari ang posisyon ko sa lugar na kinatatapakan ko ngayon.
Nang maaabot na namin ang lugar na tinatawag nila na Private room ay tinignan ako ni Thomas, isang tingin na nangangahulugang pumasok na ako.
Tinanguan ko sya at pinihit ang door knob.
Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang walang malay na katawan ni Hell at may mga aparatong nakadikit sa katawan nya.
Nailipat ko ang atensyon ko sa babaeng nakabihis na doctor, yumuko ito sa akin.
"Kamusta na sya?" Tanong ko dito, marahil nabasa nya ang pag-aaalala sa mukha ko kaya nginitian ako nito.
"Hindi mopa masyadong kilala ang ama mo, walang-wala sa kanya ang dinanas nya ngayon sa kamay mismo ng nag-iisa nyang anak." Sagot nito sa akin.
Humakbang ako palapit sa walang malay na katawan ni Hell at pinagmasdan ang mukha nya.
Napangisi ako sa isipin na napakalaki kong hangal para hindi mapansin ang pagkakalaki ng hawig namin.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie