Heat's POV
"May gusto kabang puntahan muna ija?" Tinignan ko si mr, Ziek dahil sa tanong nya. As if naman na may pupuntahan ako.
"Wala ho..." Tanging tango at ngiti lang ako nakuha kong tugon mula sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ngayon at pauwi na sa bahay ni mr, ziek.
Itinuon ko ang pansin ko sa labas ng sasakyan at tinignan ang mga punong nadadaanan namin. Kung sana ay kagaya rin nila ako. May sariling lugar sa mundo. Matibay at kahit bumaha ay nakatayo parin."Yes...oo...kasama kona sya...maghanda kayo... Good" napatingin ulit ako kay mr, Ziek. May kausap sya sa telepono. Binaba nya iyon at tinignan ako.
"Isa iyon sa mga anak ko..." Sabi nya. Tumango-tango naman ako.
"...may pito akong anak, kaya sana ay mag kasundo kayo"may ngiti sa labi na saad nya.
"May anak na pala kayo. Eh bakit inampon nyo pa ako?" Hindi ko maiwasan ang magtanong dahil sa curiosity na bumabalot sa utak ko.
"HA HA HA! May mga anak nga ako. Pito sila. Kaya lang ay puro lalaki.. Gusto kong magka-anak na babae kaya kita inampon. So pwede ba na tawagin mona akong dad?" Tanong nya. Nag pantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nya na may anak syang pito at puro lalaki. It means makakasama ko sila sa bahay? Paano?
"Ok po...dad" sagot ko sa kanya. Napangiti naman sya dahil sa itinawag ko sa kanya.
Mamaya lang ay nasa tapat na kami ng isang malaking gate. Automatic din na bumukas ito kaya humanga ako.
"Nandito na tayo..." Narinig ko na sabi ni Mr, Ziek pero hindi ko sya magawang lingunin dahil sa ganda ng mga nakikita ko. Isang malaking bahay ang tumambad sa amin pag ka pasok sa gate pero sa gilid nito ay may fountain at may simbulo ng araw... Sa may gate din kanina ay may nakita ako na malaking sulat na "BONTRE FAMILY" kaya hindi mapag kakaila na kanila ito.
Bumaba kami ng sasakyan at dinala ng isang katulong ang mga dala kong gamit. Pumasok na kami sa loob ng bahay at... Ang laki.
"Sir, nasa dining area na ho sila Vun" sabi ng katulong. Dalawang katulong lang ang nakikita ko sa loob ng napakalaking bahay na ito kaya nakakapag taka.
"Heat.. Let's go" iginaya ako ni Mr, Ziek sa dining area.
Pag ka pasok namin ay nag so tayuan ang mga lalaki na nasa dining area. Kung ibabase ko sa mukha nila ay parang mag kaka edad lamang kami at parang hindi nagkakalayo ang edad nila sa isa't-isa.
"This is my sons.." Sabi ni mr Ziek.
"...si Vun.." Itinuro nya ang lalaki na nasa unahan. Maputi at singkit. Ngumiti sya sa akin.
"...Hirvy..."itinuro naman nya ang lalaki na parang clown kung makangiti.
"...Xerveq..." Itinuro nya ang lalaking may suot na salamin. Hindi ako tinignan ng lalaking ito at parang naboboring pa.
"...Lion..." Itinuro nya naman ang lalaki na moreno at may bilugang mata.
"At syempre... Ang triplets ko, sina. Mir, Wir, Fir..." Itinuro nya ang tatlong lalaki na mag kakatabi. Mag kakamukha nga sila at mistulang pinagbiyak lamang na bunga. Sabay-sabay silang ngumiti sa akin kaya ang creepy gosh..
"...and boys, This is Heather Heat. Sana ituring nyo sya na totoong kapatid" may ngiti sa labi ni Mr, Ziek ng sinabi nya iyon.
Umupo na kami. Sa kabilang dulo ay si Mr, Ziek at ako naman sa kabilang dulo. Naghain na ang mga pagkain at hindi naman ako ganon ka ignorante para hindi malaman kung paano gamitin ang mga kubyersto na narito. Madalas akong magbasa kaya may nabasa narin ako tungkol sa tamang asal sa hapag kainan.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AksiThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie