42

1.7K 64 21
                                    

Heat's POV

"Manong... Deretso po ako sa bahay ng mga Rosales, Hindi muna ako papasok." Nakangiting saad ni Lion sa driver.

Iba ang driver ng Van at Driver ni Vun kaya nagtataka ako kung nasaan ngayon si John.

"Yes, Sir..."

Nag-umpisa ng umandar ang Van, Katabi ko si Mir dahil nasa unahan si Vun na Lagi kong katabi dati.

Kagaya ng nakagawian ay nasa labas lang ng bintana ng van ang paningin ko. Hindi kopa rin nakikita na dumapo ang tingin sa akin ni Vun kahit na isang beses.

Nang makarating kami sa tapat ng school ay naunang bumaba si Hirvy, sumunod si Xerveq at Wir bago si Mir, Fir at ako.

"Mag-aral kayo ng mabuti mga kapateyddd!" Nakangiting sigaw ni Lion mula sa unahan ng Van.

Napangisi naman ako at pairap na inalis ang tingin sa kanya at inilipat iyon kay Vun na naka earphone.

Kinagat ko ang labi ko at nagdadalawang isip pa kung magpapaalam paba ako sa kanya pero sa huli ay napagdesisyunan kong wag nalang.

Padabog kong sinara ang Van at naglakad na papasok. Nauna na sila Mir sa akin kaya mag-isa nalang akong naglakad.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko pagpasok palang sa eskwelahan, parang may hindi magandang mangyayari.

Iwinaglit ko iyon sa isipan ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay sya namang bulungan ng mga estudyante habang masama ang tingin sa akin at mistulang nandidiri pa.

Hindi ko nalang sila pinansin at pilit na nag focus sa paglalakad kahit na naiilang na ako sa mga tingin nila.

"Grabe noh?..."

"Sinabi mopa! Nakakadiri sya! Ang yabang makaasta, ampon lang pala!"

"Tama! At hindi lang 'yon... Nilandi nya pa ang stepbrother nya na si Vun!''

"Tsk! She's so Pathetic!"

Iilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ko. Bagaman nagulat ako kung paano nila nalaman na ampon lang ako ay hindi ko iyon pinahalata.

Magbubulungan na nga lang... Naririnig kopa!

Napahinto ako sa pagpalakad ng may humarang sa dinadaanan ko.

"So... Ikaw pala yung fake na bontre..." Maarteng saad ng babae na kulot ang buhok.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at tsaka umirap.

"Akalain nyo yun girls! Inampon na nga sya... Nilandi pa ang stepbrother nya! HAHAHA nakakadiri!" Iiling-iling na sabi naman ng pangalawang babae.

"Yeah, Right! Infact, Nung una ko syang nakita ay napansin kona na hindi sya Bontre!" Sabi ng pangatlo. Tinitigan ko sya at napagtanto ko na sya yung babaeng humarang sa akin nung first day of school.

"Tapos naba kayo? Male-late na kase ako." Walang emosyon kong saad.

Nginisan lang naman nila ako kaya napagdesisyunan ko na lampasan nalang sana sila kaso ay hinila ako nung pangatlong babae.

"Hindi pa kami tapos!" Inis na sabi nya at may kinuha pa sa bag.

"Here!" Tatawa-tawang sabi nya pagkatapos ilabas ang itlog.

Tinaasan ko sya ng kilay. Ngumiwi naman sya at pinaglaruan ang itlog sa kamay.

"Ano kayang magandang gawin dito?.." Nakangiti na tanong nya sa sarili habang ang paningin ay nasa itlog.

Mukhang tanga.

"Alam kona!" Singit ng unang babae na kulot at inagaw ang itlog sa pangatlong babae at...

"Fuck!" Sigaw ko matapos nyang basagin iyon mismo sa mukha ko.

"Oh! HAHAHA ang galing mo!" Rinig ko pang papuri nung pangatlong babae at nag-apir pa talaga silang tatlo.

"Wait! Ako naman!" Sabi ng pangalawang babae.

Tinignan ko naman sya ng masama.

"Ang kapal ng mukha mong ahasin si Vun! Kung nalaman ko lang sana na hindi ka Bontre, dati kapa nakatikim sa akin!" Gigil na sigaw nya.

"Sana tinanong mo muna sa akin kung may pake ba ako sa sinasabi mo..." Pang-aasar kopa sa kanya.

Nakita ko naman ang pag-akyat ng dugo sa ulo nya.

"Ang yabang mo!" Sigaw nya sa mukha ko! Natalsikan pa nga ako ng laway nya eh.

"Ang pangit mo!" Sigaw ko pabalik.

Narinig ko naman ang mahinang bungisngisan ng ibang estudyante.

Ngunit agad din iyong nawala ng lumagapak sa mukha ko ang palad ng babaeng nasa harap ko.

"Ayan! Bagay yan sayo!" Rinig kopa na sigaw nya.

Hindi ba sya napapagod kakasigaw? Tss..

Ang lakas ng sampal nya at hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang sakit kaya dahan dahan kong hinarap ang mukha ko sa kanya.

"Para saan 'yon?" Tanong ko.

"Para sa paglandi mo kay Vun!" Napangiwi ako sa sinagot nya.

"Ahh..." Tatango-tango na sabi ko.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mukha ko na may itlog, bago ko ipahid yung panyo sa mukha ng babaeng kaharap ko.

"Ewww..." Narinig kopa na sabi nung babaeng kulot.

"Ahh!" Maarteng tili ng babae at nandidiri na inalis ang panyo ko sa mukha nya.

"Para saan 'yon?" Halos matawa ako dahil pareho ng tanong ko sa kanya kanina ang tanong nya ngayon.

"Para sa pakikielam mo sa amin ni Vun!" Sigaw ko at bumwelo.

"A-Anong gagawin mo?" Nakikita ko sa mukha nya ang pagkakaba.

"Sasampalin ka." Sabi ko at sinampal sya ng doble sa lakas ng pagkasampal nya sa akin.

Halos umikot naman sya sa kinatatayuan nya kaya inalalayan pasya ng dalawa nyang kasama.

"Oh my gosh! Nakita nyo yun!"

"Psh! Warfreak sya!"

"Kawawa naman si Candy!"

"Yeah! Ang lakas ng sampal ni Heat kay Candy!"

Rinig ko na naman na bulungan nila.

Habang busy ang tatlo dahil sa sampal ko ay sinamantala ko ang pagkakataon para makaalis sa harap nila.

Buwiset! Ang aga-aga ang ganda ng bungad letche!

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon