33

1.6K 53 1
                                    

Heat's POV

"Boring?" Nabaling ang atensyon ko sa likod ng marinig ko ang pamilyar na boses. Si Vun.

"Medyo..." Halos pabulong na saad ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch sa sala nya. Medyo hinihingal pa nga ako buhat ng madaliang pagtakbo para makabalik agad sa sala dahil baka maabutan nya ako na nandoon sa hallway.

"Naiinatan ka?" Nagtataka na tanong nya. "Todo na naman yung aircon..." Halos pabulong rin na saad nya ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.

Pinunasan ko ang gumuhit na pawis sa gilid ng noo ko. Pinagpapawisan ako, hindi dahil sa mainit dito, dahil sa pagtakbo ko kanina kaya ako pinagpapawisan.

"May baon kang damit?" Napairap naman ako dahil sa tanong nya.

"Hinila mo kaya ako! At tsaka bakit naman ako magdadala ng damit?!" Inis na tanong ko. Napangiwi naman sya at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa basa nyang buhok.

Kaya pala sya natagalan dahil naligo pa sya.

"Antayin moko." Hindi nya na ako binigyan ng pagkakataon para magtanong dahil tumalikod na agad sya at bumalik sa pinasukan nya kanina.

Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa ko para sana kunin ang panyo ko ngunit naalala ko na kinuha pala ni Vun iyon.

"Here."

Speaking of Vun, ang dali nya namang makabalik.

May dala syang damit at inilahad iyon sa akin, tinignan ko naman ang damit ng may pagtataka at tsaka ibinalik ang tingin kay Vun.

"Anong gagawin ko d'yan?" Nagtataka na tanong ko.

"Try mo kainin." Pamimilosopo nya kaya tinarayan ko ulit sya.

"Magbihis ka." Malumanay na saad nya. Padabog ko naman na inagaw ang damit mula sa pagkakahawak nya.

"Saan ka magbibihis?" Tanong nya.

Bakit ako tinatanong nito? Eh, sa kanya toh bahay!

"Sa harap mo..." Blangko ang emosyon ko ng sabihin iyon.

"Sige, magbihis kana sa harap ko--- WHAT?! ARE YOU CRAZY?!" Nanlalaki ang mga mata na saad nya at umatras pa.

"Bakit?" Painosente na tanong ko at nagkunwari na tinatanggal ang botones ng uniporme ko.

"DAMN! MAGBIBIHIS KA SA HARAP KO?! NABA-BALIW KANA BA?!" Sigaw nya na halos mapapikit pa ako sa sakit sa tenga.

"Hinde..." Simpleng sagot ko at tinanggal ulit ang sumunod na botones, mas lalong nanlaki ang mata nya.

"SIGURADO KABA JAN SA GINAGAWA MO?! MAGBIBIHIS KA SA HARAP KO?!" Nanlalaki parin ang mga mata nya, maging ang tenga nya ay namumula.

Tss. Ang OA naman nito.

"Hindi. Eh, di ang swerte mo naman. Saan ba ako magbibihis?" Tanong ko at binuksan ang pangatlong botones.

"H-HOY!! HEATHER HEAT!!" Buong lakas na sigaw nya. Nag poprotesta. Hinawakan nya ang kamay ko oara pigilan ako aa ginagawa ko.

"NASISIRAAN KANA BA?! LALAKI PARIN AKO!" napipikon na sigaw nya sa mukha ko.

Tinitigan ko naman ang mga mata nya.

"Ahh..." Ta-tango-tango na saad ko. "Hindi halata." Pahabol ko pa.

"DAMN!" Mariin na bulong nya at hinilamos ang mukha gamit ang palad.

"Damn..." Panggagaya ko pero nagmukha namang ungol iyon kaya nakagat ko ang labi ko.

"Are you seducing me?..." Nakataas na kilay na tanong nya.

"Hindi." Simple ulit na sagot ko.

"Eh, bakit mo ginagawa yan?!"

"Yung?" Painosente ulit.

"Y-Yung... Ugh! Magbihis kana nga!" Sigaw nya.

"Okay..." Wala paring bahid ng emosyon ang mukha ko at nagkunwari na tatanggalin ang pang-apat na bonotes nang hilain nya ang kamay ko.

"MAGBIHIS KA, JAN!" Padabog nyang binitawan ang kamay ko ng makarating kami sa loob ng isang kwarto. Sinamaan nya ako ng tingin bago padabog na isinarado ang pintuan.

Mula sa walang reaksyon kong mukha ay nauwi sa ngisi hanggang sa hindi kona mapigilan ang paghalakhak.

"Damn, that asshole-HAHAHA! Pulang-pula ampot-HAHAHA! Akala mo naman HAHAHA akala nya siguro maghuhubad ako sa harap ny-BWAHAHA! Fuck it HAHAHA!"

Halos mapaupo na ako dito habang hawak ang tyan at pinipigilang ang paglakas ng tawa, baka kase marinig nya at isipin na pinagtitripan ko sya.

Well, Yeah, pinagtitripan ko sya. Pero ayokong malaman nya.

"Hoo!" Pagbuga ko ng hangin matapos makabawi sa pagtawa.

Pero kahit tapos na ako tumawa ay parang may kumikiliti parin sa tyan ko sa twing maaalala ko ang pagkapula ng mukha at tenga nya.

"Cute...."

Tsaka ko lang naisipan na ilibot ang paningin ko kung nasaan man ako.

Kulay black parin ang pintura ng pader habang puting-puti naman ang kama at upuan.

"Lambot..." Pagbigkas ko matapos padabog na umupo sa kama.

Ang hula ko ay kwarto nya ito dahil may malaki syang picture sa pader.

Simple lang ang picture, naka-jersey sya habang ang isang kamay ay nakaakbay sa babaeng may pink na mahabang buhok, at ang isang kamay nya naman ay naka middle finger. Pareho sila ng babae na nakamiddle finger sa camera.

"Tss. Ang jeje!" Halos pasinghal na komento ko sa larawan.

Sino ba naman kase ang matino na magpipicture habang naka middle finger.

Kung ang iba ang gumawa ng ganoong klaseng pose ay dugyot tignan. Ngunit ng makita ko si Vun na ganoon ang pose ay parang naging cool.

Tss.

Kinuha ko ang damit na ibinigay nya para suotin ko.

Polo iyon na mahaba at kulay puti. Tapos ay short na pangbasketball na puti.

Psh! Seryoso... Ano bang meron sa puti?!

Masyadong baduy kung susuotin ko pa ang short na pangbasketball, kaya nag decide nalang ako na wag nalang iyon suotin.

Matapos kong magbihis ay pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko.

Masyadong mahaba ang polo kaya halos hindi na makita ang maikli kong short na itim.

Short kase ang ginagamit ko na pang-ilalim sa skirt ko para doble ingat.

"Ang sexy ko talaga..."

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon