Denice/ Via's POV
"B-bitaw..." Saad ko habang pilit na inaagaw ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Bitaw!" Sigaw ko ulit pero wala syang ginagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad.
"Punyeta! Sabi ko bitaw!" Buong lakas Kong inagaw sa pagkakahawak nya ang kamay ko.
"Ano ba?!" Iratadong tanong nya.
"Anong 'ano ba'?! Baliw kana ba, ha? Sino kaba sa tingin mo?!" Tanong ko sa kanya pabalik.
"Anong balak mo?! Balak moba na magpadila sa lalaki na 'yon?! Ha?!" Sigaw nya habang dinuduro-duro pa ang isang dereksyon na para bang nandon si Dave na tinutukoy nya.
"Katawan koto... Kaya nasaakin na ang desisyon kung ano man ang gusto kong gawin!" Sabi ko sa kanya at inirapan bago sya talikuran.
"Hoy!' Sigaw nya at naririnig kona ang hakbang nya na sumusunod sa akin.
At dahil doon ay mas lalo ko pang binilisan.
"Wag kang babalik don!." May halong pagbabanta na sa tono nya pero hindi parin ako natigil sa paglalakad.
"Sabing huminto ka!" Kahit may kaunting epekto sa akin ang mga sigaw nya ay hindi parin ako nagpadala.
"Hayst!!" Sigaw nya at ang huli ko nalang napansin ay ang paglutang ko.
"Woah! Ibaba moko!!" Sigaw ko sa kanya ng binuhat nya ako na para bang sako ng bigas.
"Binalaan na kita, diba?... Magdusa ka." Naging matunog ang pagngisi nya habang naglalakad na palabas.
"Punyeta ka! Naka bathrobe lang ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Anjan naman ang kotse mo diba?..." Sabi nya at pinatunog ang isang kotse na sa wari ko ay kanya.
Padabog nya akong pinasok sa loob at inilock ulit ang kotse dahilan para hindi ko mabuksan ang pinto at hindi ako makalabas.
Pumunta sya sa kotse ko at binuksan iyon.
Hindi kona nilock ang kotse ko kanina kase alam ko naman na kami-kami lang ang magpapark sa parte nato kaya kampante ako na walang magnanakaw.
Kinuha nya ang paper bag na nasa loob ng kotse ko at bumalik na.
Pagkapasok nya sa loob ng kotse ay matatalim na tingin agad ang ibinigay ko sa kanya.
"Ano bang problema mo?..." Mahina pero may diin na tanong ko.
"Ikaw..." Sagot nya rin at nilabanan ang sama ng tingin ko.
"Anong ako? Eh, ikaw nga jan yung parang may problema eh!"
"Ganyan kaba talaga?!" Nagulat ako sa biglaang pagaigaw nya.
Pero hindi ko pinahalata na may epekto 'yon sa akin.
"Anong ganyan?!!" Urita rin na tanong ko.
"Ganya... Umiinom na parang wala ng bukas, lumalapit sa kung sino-sinong lalaki!, at nagpapadila pa!!" Nakangisi na saad nya pero mahihimigan mo ang sarkastiko sa tono.
"Ano bang pake mo!? Makinig ka... Walang nag mamay-ari sa akin kaya gagawin ko ang gusto ko! Katawan koto! Akin! Mine!" Sigaw ko habang dinuduro pa ang sarili ko.
"Porket walang nagmamay-ari sayo, lumalandi kana? Ganon ba 'yon?!" Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
"Lumalandi? Ako?!... Fuck you!" Sigaw ko sa kanya.
Lalong kumunot ang noo ko ng makita ko ang unti-unting pagkawala ng kunot ng noo nya at napalitan 'yon ng nakakalokong smirm.
"Hoy, Via. Alam moba ang ibig sabihin ng salitang binigkas mo?" Nakataas ang kilay at nakangisi na saad nya.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie