Heat's POV
"Akalain mo yun... Classmate pala tayo..." Sabi ni Gun. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang iikot ang mata ko.
Ang tagal naman kase ng lecturer.
"Ang taray mo talaga... Pero, ok lang. Bagay naman sayo eh..." Sabi nya ulit at nagpangalumbaba pa sa harap ko.
Wala ulit akong ginawa kundi ang tignan sya ng masama at irapan ng paulit-ulit.
"Wag mo nga iikot yang mata mo... Baka mamaya hindi na mabalik sa normal yan."sabi nya habang ako ay Napabuntong hininga naman.
Hindi ba sya mauubusan ng sasabihin.
"Hey, babae. Anong iniisip mo ha?" Tanong nya ulit.
Tinarayan ko lang ulit sya at tumingin nalang kayla Lion.
Walang ginagawa si Lion kundi ang makipag-usap sa Babae na katabi nila.
"Hindi moba talaga ako papansin?..." Narinig kopa ang tanong nya.
Bumuntong hininga ulit ako sa pagpipilit sa sarili ko na kumalma.
Bakit ba ang daldal ng tao na 'to?!
"Ok yan... Alam moba nung binato moko ng bola sa tyan, ang sakit nun." Sabi nya ulit.
'Anong pake ko?'
"Grabe ka... Wala ka talagang pakealam sa'kin?"
'Sa totoo lang... Wala. Wala talaga.'
"Ang sarap mo naman kausap..."
'Talaga... Namnamin mo ang sarap.'
"Hayst.. Nakakabaliw. Para akong baliw na salita ng salita sa harap mo tapos ikaw parang walang naririnig!"
'Buti alam mo...'
"Ganyan kaba talaga?! Ganyan kaba talaga sa ibang tao?!!"
'Hindi... Sayo lang ako ganto'
"Bahal kana nga jan!"
'Talaga...'
Padabog syang sumandal sa upuan nya habang ako ay pilit na hindi pinapakita ang ngisi ko.
Pikon.
"Good Morning, Class..." Napatingin ako sa harapan ng marinig ko ang salita ng lecturer namin.
"Good Morning, Maam..." Bati ng mga classmate ko, pero mas nangingibabaw ang mga tinig ng mga lalaki.
"Since First Day of School ngayon... Magpapakilala kayo isa-isa... Start With you" sabi nya at itinuro ang classmate ko na nasa harapan.
Tumayo naman sya at inayos ang salamin nya.
"Ahm... Good morning Everyone, I'm Gia Glorasa. 17." Sabi nya.
Nag sunod-sunod pa ang pagpapakilala hanggang sa ang nagpakilala ang isang babae na nakaagaw sa pansin ko.
Hanggang Bewang ang buhok nya at sobrang kapal ng kilay.
"Hi, i'm Vigyxias Heylee Sarte. 17. Ahm, sana maging magkaibigan tayong lahat..." Naagaw nya ang atensyon ko dahil sobrang ganda nya. Imbles na pumanget sya dahil sa kilay nya ay mas lalo syang naging attractive dahil dito.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AzioneThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie