Heat's POV
"Woah..." Namamangha na bulong ko matapos makapasok sa Condo nya.
Tama lang ang laki nito at ang ganda ng taste nya pagdating sa paintings.
Kada sulok ng bahay nya ay may mga painting. He likes painting that much.
"Excuse me for a Second." Paalam nya ng tumunog ang Cellphone nya. May natawag.
Tinanguan ko nalang sya at nagpatuloy sa paglilibot sa Condo nya.
Maaliwalas tignan ang Condo dahil sa puti nitong pintura. Idagdag mopa ang itim na kurtina na nagbibigay ng kakaibang lasa sa kung sino man ang makakakita nito.
Halos wala rin akong makita na alikabok, mas malinis pa ata sya sa akin.
Napabuntong hininga ako ng maalala na naiwan ko pala ang bag ko sa Room.
Dagdag pa sa isipin ko na nalaman na ni Gun na adopted ako. Kagaya ng nauna kong sinabi, wala talaga akong balak na itago yon. Sadyang hindi lang ako mapalagay sa iisipin ng iba... Sa iisipin nya.
"Tara." Nabaling ang atensyon ko kay Vun ng sabihin nya iyon.
Itatanong ko sana kung saan pero nakatalikod na sya pagharap ko kaya sumunod na ako.
Akala ko ay busog na ang mata ko sa sala palang ng Condo nya, pero mali ako.
Kung namangha ako sa sala nya ay mas lalo naman sa kusina nya.
Ang ganda ng ayos, simple pero masasabi mo talaga na pinag-isipan ng mabuti.
"Anong gusto mo?" Nakangiti na saad nya habang nakatungkod pa ang kamay sa sink.
"Kahit ano..." Sa ganitong oras ay wala akong ibang maisip kundi ang isipin na dalawa lang kami sa Condo na toh.
Sa pangatlong palapag ng building na ito matatagpuan ang Condo ni Vun.
"Ano bang paborito mo?" Tanong nya habang nakataas ang kilay at nakanguso.
"Sinigang. Yung sobrang asim" sagot ko. Napangiwi pa ako ng ma imagine ko na kinakain kona iyon.
"Okay... I'll Cook it for you" sabi nya at kinindatan pa ako.
Hindi ko naman mapigilan ang pagngisi pero tinarayan ko rin naman sya.
"Bakit ka nga pala bumili ng Condo? Hindi paba sapat yung mansyon? Ang laki na non ah?" Hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagtatanong.
Sinulyapan nya naman ako ng isang beses bago ibalik ang atensyon sa Refrigerator para kunin ang ingredients na kakailanganin.
"I just want to have my own place... Yung matatakbuhan ko kapag Boring ako. Besides, Naboboring lang talaga ako kaya naisip kona bumili ng sarili kong Condo." Saad nya.
So, He just bought this Condo because he was boring?
Maraming tao ang walang matutuluyan habang sya ay bumibili lang ng Condo dahil Boring sya.
Amazing...
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong nya ng lingunin nya ako.
Hindi naman masama ang pagkakatingin ko sa kanya. Alam mo yung uri ng tingin na naiinggit with matching pagkamangha.
"Nothing. Akala ko bumili ka ng ganito para..." Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko, baka kase kung ano na naman ang iisipin nya.
"Para?..." Patanong na saad nya. Hinihintay ang idudugtong ko.
"Para kapag... Ehem, para kapag You know... Kapag nagkaanak kana... Hehe"
Jusmiyo marimar! Kailan pa ako nagkaproblema sa pagsasalita?!
"A-Anak?" Nauutal at nagtataka na ulit nya.
Napalunok naman ako at napatango.
Bakit koba iniisip na para toh sa magiging anak namin?--
Crop!!!
At mas lalong bakit ko naman iniisip ma magkakaanak kami?!!!
Hush! I think kailangan ko nang bumisita sa psychiatrist!
"Hindi ito ang pinangarap ko na bahay para sa mga magiging anak ko, Heat." May diin na saad nya at ibinalik ang pansin sa hinihiwa na karne.
Nakagat ko ang labi ko dahil sa Hiya.
Umupo nalang ako sa high chair at pinanood sya sa ginagawa.
Ang ganda ng pagkakahiwa nya sa karne, hindi makapal at hindi rin manipis, sakto lang.
"Kailan kapa natuto mag luto?" Tanong ko habang ang paningin ay nasa kamay nya na naghihiwa ng karne.
"Simula nung namatay Si Mommy."
Napatingin naman agad ako sa kanya dahil sa isinagot nya. Walang reaksyon ang mata nya at naka focus lang sya sa paghihiwa.
May pader... May pader na nagtatago sa totoo nyang emosyon. Panigurado ako na masakit parin sa kanya iyon.
"Masakit parin ba?" Huli na para maisip ko pa ang itinanong ko.
Napahinto naman sya sa ginagawa at tinignan ako ng may pagtataka.
"Masakit parin ba para sayo ang nangyari?" Pagpapatuloy ko sa tanong na ang tinutukoy ay ang pagkamatay ng nanay nya.
"Sobra..." Nakangiti na saad nya habang makikita sa mata ang lungkot.
Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako? May parte sa akin na para bang nawawasak habang tinititigan ang malulungkot nyang mga mata.
"Are you h-hungry?" Biglaang tanong nya sa kalagitnaan ng pagtititigan namin.
Nag-iwas sya ng tingin at ipinagpatuloy nalang ang pagluluto.
Sa buong pagluluto nya ay wala akong ibang inisip kundi ang nangyari sa pamilya nya.
Masakit, Sobrang sakit. Masakit isipin na nawalan ka ng mahalagang tao sa buhay mo pero wala ka man lang nagawa...
"Let's Eat" Deklara nya matapos magluto.
Inilapag nya sa harap ko ang mangkok na naglalaman ng mainit na sinigang.
Napapikit pa ako ng kumalat sa hangin ang maasim na amoy nito.
"You like sinagang that much?" Nakangisi na saad nya.
"Of course" nakangiti na sagot ko.
"I like you too... I mean the sinigang, i like it too." Sabi nya habang bahagya pang natatawa.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at nag-umpisa na sa pag sandok.
Kumain naman ako kanina sa Cafeteria pero nakakagutom talaga pag kasama sya.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AksiThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie