Wir's POV
Kanina kopa napapansin na Parang iba and kinikilos ni Heat. Ayaw nya rin kami na humiwalay sa kanya at parang aso kung makabuntot.
Ano kayang nangyayari sa kanya?
Kasalukuyan kaming nasa counter ngayon at nag babayad si Mir. Tinitignan ko si Heat na nakatulala. At kusa naman syang tumingin sa akin kaya nagulat ako.
"Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.
"Oo naman. Bakit hindi?" Tanong nya pabalik. Nag kibit balikat naman ako at ibinalik kay Mir ang paningin.
Pag katapos ay lumabas na kami. Kami ni Mir ang nag bitbit ng mga pinamili dahil baka upakan kami nila Lion pag nalaman na pinagbuhat namin yung 'prinsesa' kuno namin.
Malapit na kami sa sasakyan ng bigla akong yakapin ni Heat.
"Arrrgghhh!!" Palahaw nya. Nabitawan naman namin ni Mir ang mga bit bit namin at tinignan si Heat.
Tsaka lang namin nakita ang mga taong nakaitim. May mga dala silang samurai.
"Heat!" Sigaw ni Mir ng makita ang malaking hiwa ni Heat sa likuran. Ako sana ang puntirya nila pero niyakap ako ni Heat kaya sya ang natamaan! Damn!
"Heat! Ayos ka lang?!" tanong ko. Nakakapit parin sya ng mahigpit sa braso ko at nakakunot ang noo. Alam ko na nasasaktan sya. Bakit nya ba kase sinangga yon?!
Tumango sya at unti-unting nawala ang kunot ng noo. Tumayo sya ng mabuti at inilagay kaming dalawa ni Mir sa likod nya.
"Heat kami na ang bahal dito" sabi ni Mir.
Inalalayan ko naman si Heat para mapunta sya sa likuran namin pero hindi man lang sya kumilos.
"Kaya ko ang sarili ko..." Pagmamatigas nya pa.
"Heat! Wag kana makulit! Hindi mo sila kilala!" Saad naman ni Mir! Pero hindi sya pinakinggan ni Heat.
Nagulat kami ng itaas ng isang nakaitim ang hawak nyang samurai at aasta na sasaksakin si Mir. Pero maski isang maliit na hiwa ay walang natamo si Mir dahil sinalo ng kamay ni Heat ang samurai.
"H-heat!" Sigaw ko ng makita ko ang unti-unting pag baon ng samurai sa kamay nya!
Unti-unti na tumulo ang dugo sa kamay nya ngunit parang wala syang nararamdaman. Napalunok ako sa takot na may mangyaring masama sa kanya.
"Anong kailangan nyo?" Mahinahon na tanong ni Heat. Hindi nya parin binibitawan ang dulo ng samurai kahit na bumabaon na ito sa mga kamay nya.
Hindi sumagot ang mga nakaitim at sa halip ay sinugod sya. Para naman kaming naistatwa ni Mir sa kinatatayuan namin.
Gusto ko syang Tulungan pero hindi ko magawa.
Hinawakan ni Heat ang samurai na nasa kamay nya! Kita ko ang sakit sa nanginginig nyang kamay dahil nakabaon pa ito sa kamay nya. Buong lakas nyang hinila ang sanurai mula sa kamay ng lalaki at namalayan na lang namin na nasa kamay nya na ang samurai.
Nakita ko na may susugod kay heat mula sa tagiliran nya kaya dali-dali akong tumakbo at sinipa sya. Ganon din ang ginawa ni Mir sa iba.
Pero sa dami nila ay hindi namin sila kaya. Sisipain kona sana ang isang nakaitim ng may naramdaman akong matulis sa may gilid ng leeg ko.
"M-mir..." Sabi ko ng makita na may nakatutok din na samurai kay Mir.
Pareho kaming hindi makagalaw dahil may mga samurai na nakatutok sa mga leeg namin. Napalunok ako at tinignan si Heat. Bahagya syang naka yuko dahil siguro sa mlaking hiwa na natamo nya kanina sa pagyakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie