Xerveq's POV
Papunta na sana ako sa kwarto ko ng may marinig akong nabasag sa loob ng kwarto ni Hirvy.
Maingat sa gamit ang tao na yun kaya na curious ako kung anong nangyayari sa loob.
Hinawakan ko ang door knob para buksan iyon.
Nanlaki ang mata ko ng makita si Heat na sakal-sakal ni Hirvy.
What the fuck, hirvy?!
"Nananalaytay sa dugo mo ang dugo nya kaya panigurado na may balak ka ring masama sa pamilya namin!--" gumuhit ang pagtataka sa mata ni Heat ng sabihin iyon ni Hirvy.
Hindi na natapos ni Hirvy ang sasabihin nya dahil tinulak ko na sya palayo. Napa-upo naman si Heat sa sahig At nag habol ng hininga.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Hirvy?!!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano? Pati ikaw naloko na rin ng babaeng yan!? Masamang tao yan Xerveq!" Dinuro-duro nya pa si Heat habang sinasabi iyon.
Kung nandito si Vun baka Wala ka ng Daliri ngayon!
Buti nalang ako ang nakakita sa kanya habang ginagawa nya iyon kay Heat, dahil kung nag kataon na yung ibang kapatid namin ay baka may maganap pang Suntukan Dito.
"Hindi sya ganon!" Sigaw ko. Pilit kong pinapakalma yung sarili ko Pero kung magiging mahinahon lang ako ay hindi nya ako papakinggan.
"Iisang dugo lang ang nananalaytay sa katawan nila! At sigurado ako na kagaya ng tatay nya ay may masama ding balak ang babaeng yan sa atin!!!" Sigaw nya rin pabalik.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Patay...
"T-tatay?" Napalingon ako Kay Heat ng marinig ko ang boses nya.
Mukha namang natauhan si Hirvy sa sinabi nya kaya medyo kumalma yung mukha nya.
"Fuck..." Naibulas ko nalang at hinila na palabas si Heat.
Mukhang nanlambot si Heat sa narinig nya kaya nag patianod lang sya sa hila ko pero nung malapit na kami sa kwarto nya ay inagaw nya ang braso nya na hawak ko.
"X-xerveq... A-ano yung sinabi ni H-hirvy kanina?" Utal na tanong nya at mababakas sa mukha ang pag ka desperada.
Walang salita na lumabas sa bibig ko. Nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Please tell me Xerveq... May alam ba kayo sa totoong mga magulang ko?" Tanong nya habang nangigilid pa ang luha.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie