41

1.5K 48 16
                                    

Heat's POV

"Morning!" Pasigaw na Bati ni Lion ng makababa ako para mag-almusal.

Lahat sila ay nasa hapag na at mistulang nag-aantay, ako nalang siguro ang inaantay nila dahil ako nalang ang wala.

Sinuklian ko ng maliit na ngiti at tango ang bati ni Lion bago ko ilipat ang tingin kay Hirvy, Busy sya sa Cellphone nya at mistulang nakakunot pa ang noo.

Sunod kong inilipat ang paningin ko kay Vun na nag-uumpisa ng kumain at parang walang pakielam sa mundo.

"Umupo kana, Heat." Nakangiting Utos ni Mr, Ziek na para bang walang nangyaring usapan sa pagitan naming lahat kahapon.

Sinunod ko ang sinabi nya at umupo ako sa upuan na nakalaan sa akin.

"Where's my maid?" Mahinahon na tanong ni Xerveq sa katulong na naglagay ng tubig sa mesa.

"Umabsent po muna, Sir. May pupuntahan daw po kase yung personal Maid mo..." Magalang na sagot ng katulong.

"Nang hindi nagpapaalam sa akin?!" Bahagyang lumakas ang tono ni Xerveq kaya nalipat sa kanya ang atensyon ng lahat.

Tumikhim si Mr, Ziek bago pinagkrus ang kamay at ipinatong iyon sa mesa.

"Nagpaalam sa akin ang PERSONAL MAID mo, anak. Kaya wag kanang mag-inarte jan dahil babalik naman daw agad ang PERSONAL MAID mo." Nakangiting nakakaloko na saad ni Mr, Ziek habang nakatingin sa mismong mata ni Xerveq at pinagdidiinan pa talaga ang salitang 'personal maid'.

"Psh! Saan daw ba sya pumunta?" Pairap na tanong ni Xerveq.

"May sakit ang kapatid nya kaya kailangan nyang alagaan. Hindi naman pwede na ikaw lang ang aalagaan nya, hindi ba anak?..." Tunog nang-aasar parin ang tono ni Mr, Ziek.

"Ganoon ba... Kung ganon, pwede ko ba syang puntahan dad?" Agarang tanong ni Xerveq. Lumiwanag naman ang mukha ni Mr, Ziek at mistulang nagustuhan ang suwestiyon ng anak.

"Aba'y oo naman! Basta't siguraduhin mo lang na madadale mo na ang isang iyan HA HA HA HA!"

"Of course, dad! I will make her mine!" Kumpyansang sagot ni Xerveq.

"Tinamaan ka talaga, Bro?" Tanong ni Wir sa isang malaking boses.

Ngumisi lang si Xerveq at umiling-iling bago umpisahan ang pagkain.

Sinulyapan ko si Vun at napansin ko na nagmamadali syang kumain at malapit naring matapos kaya inumpisahan kona ang pagkain ko.

Maya Maya pa...

"Sabi ko bitaw!!" Isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa amin sa pagkain.

"S-Sir, Bawal po talaga kayo pumaso-"

"The hell i care!!" Sigaw ulit ng malaking boses.

Napatayo na si Mr, Ziek at mistulang nag-aantay sa pagdating ng sumisigaw na tao.

"Lion! Let's Freaking talk!! Hayop ka!" Sigaw ulit ng lalaki kaya napatingin ako kay Lion.

Bakas din sa mukha nya ang pagtataka kaya inaantay din ang pagpasok ng sumisigaw.

Maya-maya ay biglang pumasok sa dinning ang namumula sa galit na si Rhon.

Inikot nya ang paningin nya sa amin bago huminto ang tingin nya kay Lion.

"Anong kailangan mo?" Kalmang tanong ni Lion.

Inis namang lumapit si Rhon kay Lion at kinuwelhuyan ito kaya agad akong napatayo.

"Anong ginawa mo kay Mariah?!" Gigil na tanong ni Rhon kay Lion.

Kumunot naman ang noo ni Lion.

"Ginawa? Bakit anong nangyari kay Mariah?" Bakas sa Mukha ni Lion ang pag-aalala.

"Hindi umuwi yung kapatid ko ng isang araw tapos pagbalik putangina!!" Halos mapapikit pa ako sa mura ni Rhon.

"Stop it!" Saway ni Mr, Ziek ng suntukin ni Rhon si Lion.

"Ano bang nangyari kay Mariah?!" Halatang nagtitimpi lang si Lion ng itinanong ulit iyon. Pinunasan nya gamit ang likod ng palad nya ang dugo sa labi.

"Akala ko lasing lang si Mariah kaya suka ng suka tapos Damn buntis na palang hayop ka!! At putangina ikaw ang ama! Hayop ang tibay mo!!" Sarkastikong sagot ni Rhon na naging dahilan ng pagtahimik ng lahat.

Buntis?..

Buntis si Mariah at si Lion ang ama..

Bumalik sa ala-ala ko ang araw na hindi umuwi si Lion at umabsent pa dahil mukha syang pagod ng maabutan ko nung umuwi sya.

Napatakip ako sa bibig ko ng may mabuong clue sa isip ko.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Vun at parang pareho kami ng iniisip.

"B-Buntis?" Napapalunok na tanong ni Lion.

Umigting naman ang panga ni Rhon at nanginginig ang kamay na dinuro sa mukha si Lion.

"Oo! Buntis! Subukan mo lang na takbuhan at hindi panagutan ang kapatid ko, papatayin talaga kitang hayop ka!" Pagbabanta ni Rhon.

Ngunit imbles na matakot ay unti-unting lumitaw ang napakalaking ngiti sa mukha ni Lion at mistulang nanalo pa sa loto!

"Whoa! I did it! I got her pregnant! Finally!!" Sigaw nya at sinuntok pa ang kamao sa hangin.

"Where is she?!" Tanong ni Lion.

"Nasa bahay sya! Kakagaling lang namin sa OB kaya nagpapahinga pa!" Inis na sagot ni Rhon habang nakapamewang.

"Pupuntahan ko sya!" Saad ni Lion, hindi parin natatanggal sa mukha ang ngiti.

"Pumunta ka kung gusto mo! Pero hindi ibig sabihin non na gusto na kita para sa kapatid ko! Ginagawa koto para sa magiging pamangkin ko!" Huling sabi ni Rhon bago kamk talikuran.

"Dad! Narinig mo yun?!" Nakangiting tanong ni Lion sa ama nya na nakatulala.

"Dad?!" Pasigaw na tawag ni Lion sa ama.

Napabalik naman sa ulirat ang si Mr, Ziek at tinignan si Lion.

"Buntis si Mariah!" Masayang deklara ni Lion sa Ama na waala paring ipinapakitang emosyon.

"Masaya ako para sa iyo anak..." Komento ng ama.

"Bakit parang hindi naman?" Nakanguso na sabi ni Lion.

"Masaya talaga ako dahil nakuha mona ang babaeng gusto mo... Pero, sana lang ay huwag babae ang anak mo." Sagot ni Mr, Ziek.

Nakita ko ang paglunok ni Lion at unti unting pagkawala ng ngiti sa labi nya.

"Dad..." Sambit ni Lion at para bang mah bagay syang ngayon lang naalala.

"Alam mo naman ang nangyari sa pamilya natin... Sa mga babae ng pamilya natin." Huling mensahe ni Mr, Ziek bago kami talikuran.

Natahimik ang lahat at mistulang nag-iisip.

Tama, sana ay huwag maging babae iyon.

Naalala ko ang ikinwento sa akin ng lola ng mga Bontre tungkol sa karumaldumal na nangyari sa mga babae ng pamilyang ito. Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng maisip na magiging isa ang anak ni Lion sa mga namatay kung sakali mang babae iyon.

Umusbong ang pagtataka sa isip ko ng tignan ako ng mga bontre.

As in lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala akong mabasang emosyon pwera nalang sa emosyon ni Hirvy na parang galit.

"B-Bakit?" Takang tanong ko sa kanila.

"Tapos nakong kumain. Nakakawala ng gana!" Pasigaw na sabi ni Hirvy bago tumayo at kinuha ang bag para makalabas na.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon