18

2.1K 74 4
                                    

Heat's POV

"Sayang hindi tayo magkaklase..." Pambungad na saad sa akin ni Via ng makaupo na ako sa table.

"Yaan Mona... Hindi man tayo mag classmate, at least... School mate naman.." Biro ko at natawa naman sya.

"Wala kabang kasabay mag lunch?" Tanong nya.

"Meron... Si Vun." Sabi ko at napawi ang ngiti nya.

"Bakit? Ikaw may kasama kaba?" Tanong ko.

"H-huh? Ah...oo yung dalawa kong dapatid." Sabi nya na naging dahilan ng pag ngiti ko.

"Talaga? Finally makilala kona rin sila..." Sabi ko.

Nakita ko ang paglunok nya at pag-tingin sa ibang dereksyon kay nag taka ako.

"Ayos kalang?..." Tanong ko sa kanya.

"O-oo... Ayos lang ako" sagot nya at umayos ng upo.

Maya-maya lang ay may tumabi sa kanya na isang babae at isang lalaki.

May mga dalang pagkain. Inilapag muna nila ang pagkain sa mesa bago ako pasadahan ng tingin.

"Denice... Sino sya?" Nagtatakang tanong nung lalaki.

"Kaibigan moba?..." Tanong naman nung babae.

"Oo... Sya si Heat. Heat, ito naman yung mga kapatid ko... Sya si Mariah..." Sabi nya sabay turo sa babae na kasing puti ng espasol ang balat at wavy ang buhok.

"... Ito naman si Rhon." Turo nya sa lalaki na Moreno at malalim abg Dimple... Mas malalim pa sa Dimple ni Lion.

"Ahh... Ako si Heat." Pag-papakilala ko at inabot ko ang kamay ko sa kanila.

Tinanggap naman nila pareho iyon ng may matamis na ngiti.

"Nice meeting you..." Sabi ni Rhon.

"Nice meeting you too..." Saad ko naman.

"So... Ilan taon na kayong mag kaibigan ng kapatid ko?" Tanong ni Mariah, may arte sa pag bigkas nya ng bawat salita pero alam mo na natural lang iyon at hindi sinasadya.

"Magkaibigan na kami simula nung sa bahay ampunan palang kami..." Sagot ko sa kanya.

Tumango-tango naman silang dalawa.

"Heat..." Narinig ko ang pagtawag ni Vun sa likuran ko kay napatingin ako sa kanya.

Tinulungan ko sya sa pag bitbit ng pagbitbit ng tray at inilapag iyon doon.

Hindi pa nga kami tuluyang nakakaupo ay umingay na agad ang buong Cafeteria dahil sa pag pasok nila Fir, Wir, Mir, Lion, Xerveq, Hirvy, Gun, Aian, Con at sword.

Naghanap sila ng bakanteng mesa pero lahat ay may nakaupo na hanggang sa nalipat ang tingin nila sa amin.

Nakita kopa na lumiwanag ang mukha ni Gun ng makita ako...

"Dito nalang kayo Lion!.." Tawag ko sa kanila at pumunta naman sila sa table.

Malaki naman ang table na ito kaya siguro ay kasya naman kami.

Kumuha sila ng ibang upuan para makishare sa table namin.

Nang lahat na kami ay nakaupo doon ko lamang napansin na hindi na maipinta ang mukha nila Rhon at Mariah.

"Ayos lang kayo?.." Tanong ko sa kanila.

Para kase silang papatay ng tao sa hitsura nila ngayon.

"Ayos na ayos..." Sabi ni Rhon habang nakangisi pa pero may something sa mata nya na hindi ko maintindihan.

Galit?...

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon