A/N:
Sorry kung matagal ang update ko hoho! Btw, Mag mask kapag lalabas! Sabayan nyo narin ng face shield! Alagaan nyo sarili nyo mahal ko kayo mwuah!
Heat's POV
"Happy?!" Inis na tanong ko kay Vun matapos akojg magbihis. Pinagbihis nya ako ng baduy na pang basketball na short.
"Much Better." Komento nya. Mas kalmado na rin sya kesa kanina.
Pinagbuksan nya ako ng pinto palabas kaya nauna ako sa paglalakad. Ni isang lingon ay hindi ko sya binigyan, naiinis ako dahil sa soot ko! Mukha akong siraulong jejemon. Idagdag pa ang napakalaking tsinelas na suot ko na pagmamay-ari nya.
Pati sa elevator ay wala kang maririnig na ingay pwera na lang sa nakakainis na pagsipol nya.
Nang bumukas ang elevator ay nauna ulit ako sa kanya sa paglalakad.
"Wait..." Narinig kopa na saad nya pero hindi ko sya nilingon.
Nang makarating rin sa parking lot ay agad kong nakita ang sasakyan ni Vun. Kumikinang kase ito at lumulutang dahil sa ganda.
Kumpara kanina ay mas marami na ang sasakyan na naka park sa parking lot.
Pagka dating namin sa harap ay sya namang pagbaba ng driver ni Vun.
Umikot sya at aaktong pagbubuksan ako ng pinto ng unahan sya ni Vun.
"Hindi mo na sya kailangang pagbuksan ng pinto, ako na ang gagawa non." Seryosong utos ni Vun sa Driver nya.
Ngumiti naman ng nakakaloko ang driver at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"You're Beautiful!" Masigla na papuri nito sa akin.
Moreno ang balat ng driver at kung ibabase sa mukha ay parang dalawa o tatlong taon lang ang agwat ng edad nya sa akin.
Hindi rin maipagkakaila na gwapo ito. Kung wala lang sana syang peklat ng hiwa sa pisnge ay perpekto na ito.
Ang gand rin ng itim na itim nyang bilugang mata at sakto lang ang tangos ng ilong. Kahit rin nagsasalita lang sya ay kusang umiigting ang panga nya.
"Thank you..." Nakangiti rin na pag papasalamat ko.
"Pumasok kana nga sa loob!" Naiinis na utos sa akin ni Vun. Tinarayan ko naman sya at papasok na sana ako sa loob ng pigilan ako ng driver nya.
"I'm John, and you are?" Pagpapakilala nya.
Hinarap ko naman sya ng may matamis na ngitin.
"I'm Heather Heat, call me Heat."
Naglahad sya ng kamay kaya tatanggapin kona sana ito ng tabigin iyon ni Vun.
"Pumasok ka na nga!" Sigaw ulit ni Vun pero ngayon ay si John naman na ang inuutusan nya.
Imbles na sumunod si John ay nginitian nya lang si Vun at humarap ulit sa akin.
"Nice meeting you, Heat!" Nakangiti ulit na saad nya.
"Nice meeting you t-"
"Ang sabi ko pumasok kana don!!" Pasigaw na utos ni Vun sa driver nya.
"Calm down! Okay, Calm down!" Pagpapakalma ni John kay Vun, Ngunit mahahalata mo ang pang-aasar.
"Ang sabi ko pasok!!" Inis ulit na utos ni Vun.
"Okay! Pero, Ang ganda mo talaga Heat. Pwedeng makuha number m-"
"Tatanggalin kita sa trabaho mo!" Banta ni Vun na syang nakapag patigil kay John.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie