25

1.9K 76 3
                                    

Heat's POV

"Sa kwarto ko ka nalang magbihis..." Suhestyon ko Kay Via.

Napatingin naman sya sa akin at ngumiti.

"Sige..." She said.

"Ahm.. Tataas napo muna kami. Tapos narin naman ako kumain..." Paalam ko Kay Mr, Ziek.

Tumango naman sya kaya tumayo na ako.

"Tara..." Yaya ko kay Via na naka bathrobe.

Marahil ay nagtataka rin ang mga bontre kung bakit naka Bathrobe LANG si Via.... Maging ako ay nahihiwagaan pero hindi muna dapat ako mang judge ng hindi pa naman sigurado.

Iginaya ko sya paakyat sa taas habang naiwan naman si Mir na sinasagot ang mga tanong ni Mr, Ziek.

"Pasok ka..." Saad ko pagkatapos buksan ang pinto ng kwarto.

Ngumiti naman sya at pumasok na.

May guest room naman sa mansyon ng mga bontre, pero ayoko na duon sya... Gusto ko na dito sya sa kwarto ko para makapagkwentuhan naman kami.

"Magbihis ka muna." Natatawang sabi ko sa kanya at itinuro pa ang pintuan ng banyo.

"Sorry sa abala.." Sabi nya bago pumasok sa banyo para magbihis.

Habang nasa banyo sya ay iniligpit ko ang mga unan na nagkalat sa sahig.

Sila Xerveq ang nagkalat nito kanina... Pero hindi man lang ibinabalik.

"Heat..." Tawag pansin sa akin ni Via.

"Dito kana matulog" may pakikiusap sa boses ko.

Pumayag ka, please.

"Hindi pwede... May pasok pa tayo bukas." Sabi nya habang may matamis na ngiti.

Ugh! I miss her!

"Gamitin mo nalang yung uniform ko tomorrow... Tapos, sabay na tayo pumasok" Pagpaplano ko.

"Mm... Baka mag alala sa akin yung mga kapatid ko..." Saad nya.

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Na text kona si Mariah... Ang sabi ko dito ka matutulog. Yung kotse mo naman, pinakuha kona." Sabi ni Mir na naging dahilan ng pag-usbong ng ngiti ko.

"Ahh... Ganon ba.... Sige." Pag-suko ni Via.

"Magpahinga kana.. Mag-uusap pa tayo bukas." Saad ni Mir at tinuro pa si Via.

Ngumiwi naman si Via habang ako ay napuno ng pagtataka.

Mag-uusap?

Isinarado na ni Mir ang pintuan kaya nabaling na sa akin ang paningin ni Via.

Tumaas ang kilay nya ng makita akong nakanguso habang nanliliit ang mata na nakatingin sa kanya.

"Problema mo?..." Tanong nya ang tumabi sa akin sa pagkakaupo sa kama.

"Anong mag-uusap?.. Kayo naba?" Tanong ko kahit na imposible naman iyon dahil hindi pa naman sila ganon katagal na magkakilala.

"Ano?! Hindi ah..." Sabi nya at hinampas pa ako ng towel na pinapampunas nya sa buhok nya.

"Eh ano yun?..." Tanong ko at itinuro pa ang pintuan na para bang nandon si Mir na tinutukoy ko.

"Ikukwento ko sayo...'' Sabi nya at humiga.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon