57

2.2K 79 47
                                    

Zina's POV

"Deja Vu..." Pamilyar na pamilyar sa akin ang ganitong senaryo, parang nagbalik tuloy ako sa panahon kung saang si Serenity ang nagpapasakit ng ulo ko.

"Papasukin nyo ako!" Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses na iyon. Boses palang ay hindi na ako magtataka kung sino iyon.

Kinumutan ko si Heat bago tinahak ang daan papunta sa pintuan. Binuksan ko ito at tama nga ako, galit na mukha ni Hell ang bumungad sa akin.

Agaran syang pumasok sa loob habang ako naman ay tinanguan ang mga pinagbantay ko sa pintuan; senyales na pinapaalis kona sila.

Ang isa pang pinagbantay ko ay nakasalampak sa sahig habang iniinda ang sakit ng sikmura.

Napailing ako at isinara ang pinto.

"Anong ginawa mo don sa isang pinagbantay ko? Bakit nakasalampak 'yon sa sahig?" Tanong ko kay Hell.

"Bakit sya walang malay?" Tanong nya habang nakaturo sa nag-iisa nyang anak na mahimbing ang pagkakatulog.

Nauna akong nagtanong pero binigyan nya ako ng isa pang tanong. Kahit kailan talaga hindi na sya naging matino sa harap ko.

"Pagkatapos mong magdala ng problema mukhang sya naman ata ang magbibigay ng panibagong problema sa buhay ko. Kelan ba mapuputol ang angkan mo ng makapagpahinga naman ako?" Nakangiwing asad ko.

Inabot ko ang isang tasa ng kape na nasa ibabaw ng mesa at humigop dito bago ko hilain ang upuan na nasa dulo papalapit sa higaan ni Heat at umupo ako doon, pinagkrus ko ang binti ko at inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa kong palad.

"Buntis si Heat." Panimula ko sa seryosong usapan.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang biglaang pagkagitla ni Hell.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Buntis si Heat. Buntis ang anak mo." Pag-uulit ko dito.

Napasinghap sya at inihilamos ang palad sa mukha.

~flashback~

"I'm pregnant, Zina." Napalunok ako sa sinabi ni Serenity.

Wala syang ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak ng umiyak.

"C-Congrats, matutuwa si Hell for sure... Why are crying anyway?" Tanong ko at hinagod ang likod nya.

"Ayokong ipaalam kay Hell." Napatigil ako dahil sa sagot nya.

"What? Are you gone mad?!" Inis na usal ko.

Napalunok sya at inayos ang nagulong buhok bago ako tignan ng may pagmamakaawa.

"Please... Don't tell this to anyone, i'm begging you." Muli na namang namasa ang mata nya.

Agaran akong tumango at niyakap sya. Masama para sa bata ang mastress ang magulang.

Humiwalay sya sa yakap.

"I think ito na yung last na pagkikita natin." Nagsalubong ang kilay ko.

"What the fuck? What do you mean Seren?" Tanong ko sa kanya.

"Sasama ako kay D-Daddy papunta sa States, mas mabuti na doon ko palakihin ang bata." Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis dahil sa ibinigay nyang sagot.

"How about Hell?" Kahit na naiinis ay tiniyak kong hindi iyon makikita sa mga mata ko.

"Alam mo naman siguro ang magiging lagay ng batang 'to kung hahayaan ko syang mapalapit kay Hell. Ayokong lumaki sya sa ganon... Sapat na yung tayo yung naghirap. Ayoko na maramdaman 'yon ng anak ko." Mahabang paliwanag nya. Lumabas ng kusa ang sensiridad sa mga mata nya.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon