Heat's POV
Nagising ako na tapos na ang pag gamot sa sugat ko.
"Salamat Doc" paalam ko sa Doctor ng magising ako.
Inaayos nya na kase ang mga gamit para makaalis na.
"Walang ano man..." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.
Kaya ko naman na linisan ang mga sugat ko, kaya lang ay Hindi ko abot kaya kailangan kopa ng Doctor.
Inayos ko ang damit ko at lalabas na sana para mag tanghalian ng pumasok si Vun sa kwarto ko.
Napalunok ako ng maalala ang ginawa nya nung nakaraan.
Ramdam ko parin ang labi nya sa ilong ko.
Bat kaya ilong ko lang ang hinalikan nya?
Lang? What the flip Heat!
"Bakit?" Tanong ko sa kanya at bumalik sa pag kakaupo sa kama.
Umupo naman sya sa sofa at nag pandekwatrong pang babae.
"Kanina... Nakita namin na may tattoo ka sa likod..." Sabi nya. Kumunot naman ang noo ko.
"Nandito kaming LAHAT nung linisin yung sugat mo kaya nakita namin" pag sasalita nya ulit.
"Ahhh..." Tatango-tangong sabi ko.
Eh ano naman?
"Saan galing yun? Nag pa tattoo ka lang ba? O... Anjan na yan pagka bata mo?" Sunod-sunod na tanong nya.
"Hindi yun tattoo. Peklat yun. Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon, basta bata pa lang ako nanjan na yun. Bat mo natanong?"
Dati rin ay inisip ko na palatandaan yun sa akin o kaya ay balat pero masyado iyong perpekto para maging Balat, kaya masasabi ko na sinadya talaga iyon.
"Peklat?.." Tanong nya na para bang napaka importanteng bagay ang pinag uusapan namin.
"Oo... Peklat. Bakit nga?" Tanong ko ulit. Hindi ko lang maiwasan na mag taka dahil makikita mo talaga sa mukha nya ang kyuryusidad.
Siguro kung ako rin naman ay mahihiwagaan kung makakita ako ng ganong klaseng peklat pero hindi kaseng lala ng sa kanya.
"Nothing... I'm just curious." Sabi nya at tumayo na.
"Tara na sa baba... Kakain na" sabi nya.
"Pa-baba na nga sana ako kanina kung hindi ka dumating..." Bulong ko at nauna ng lumabas sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie