Heat's POV
"Saan ka pupunta?..." Tanong agad ni Xerveq ang bumungad sa akin.
"Sa... Magulang ko." Sagot ko, nag-iwas naman sya ng tingin at napalunok.
"Aalis ka ng hindi nag-aalmusal?.." Napatingin ako sa likod ni Xerveq ng marinig ko ang tanong ni Vun.
"Makikipag-kita ako sa kaibigan ko... Kakain narin ako sa labas." Simpleng sagot ko sa kanya.
"Aalis ka ng hindi nag-papaalam sa amin?..." Tinignan ko naman ang kakarating lang na si Hirvy.
"Hindi ko alam na kailangan pala..." Tinaasan nya naman ako ng kilay dahil sa sagot ko.
"Late na ako... Kung galit ka, mamaya mo nalang ilabas yan." Hindi kona inantay pa ang sagot nila at lumabas na ako ng mansyon na iyon.
"Saan po tayo, maam?.." Tanong ng driver. Binigay ko naman ang address na ibinigay sa akin ni Mr, Ziek.
Puking~~
Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig ko na may nag-chat.
From: Denice Roseles
Susundiin ba kita?
Ayan ang chat nya. Mabilis naman akong nag tipa ng irereply ko.
Ako:
Hindi na... May dala akong sasakyan at tsaka may Driver naman.
"Maam... Andito napo tayo." Tinago ko na sa loob ng Bag ko yung Cellphone ko at bumaba na ng sasakyan at nagtungo na sa libingan ng parents ko.
Pagka-dating ko doon ay inalis ko muna ang mga tuyong dahon na nasa lapida, inilagay ko sa gilid ang dalawang bulaklak at nagsindi ng dalawang kandila.
"Good morning..." Bati ko sa mga magulang ko kahit na alam ko na wala namang sasagot sa akin.
"Ahm... I'm Heat, ako yung anak nyo na iniwan nyo sa... Ampunan."
"Ma-ayos naman ang lagay ko ngayon... Salamat sa pamilya Bontre. Pero, ano ba ang ginawa nyo sa kanila at galit na galit sila sa inyo?..." Wala akong nakuhang sagot at ihip lamang ng hangin ang naririnig ko.
Stupid. Wala talagang sasagot sa'yo!
Nilagay ko sa likod ng tainga ko ang takas na buhok.
"Sana hindi muna kayo nawala para... Masagot yung mga tanong ko... Bakit nyoko iniwan? Ayaw nyo ba sa akin?..." Tumingala ako ng mamasa ang mata ko.
Shit! Fuck this Drama!
"Alam nyo... Ang sama nyong magulang? Binuhay nyoko tapos iiwan nyo lang din? Binuhay nyo lang ba ako para masaktan? Binuhay nyo lang ba ako para namnamin yung sama ng mundo?..."
"Ugh! Sabagay... Wala akong pinagka-iba sa inyo... Hindi naman ako naging mabuting anak dahil wala namang nag silbing magulang sa akin..." Pinunasan ko ang pisngi ko ng mag-simula ng tumulo ang luha ko.
Puking~~
Nalipat ang atensyon ko ng tumunog ang Cellphone ko.
from: Denice Rosales
Nandito na ako, Heat.
Nagdesisyon na akong tumayo ng ma-received ko ang text ni Via---Denice.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
БоевикThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie