Hi, Sorry kase pinag-antay ko kayo hshs, enjoy:)
------------------------------------
Heat's POV
Unti-unti kong dinilat ang mata ko at tanging ilaw na nanggagaling sa binatana lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid na kinaroroonan ko.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig.
"Bullshit." Naiusal ko matapos ihakbang ang isang paa ko at makitang may kadenang nakapalupot sa dalawang paa ko.
Padabog akong umupo sa malamig na sahig at kasabay non ay ang pagbukas ng pintuan ng kinaroroonan ko.
"Gising kana ba?" Sa Isang malaking boses nanggaling ang tanong na 'yon.
Napalunok ako dahil hindi kopa masyadong makita ang buong mukha nya, bukod doon ay nakikita ko sa anino nya na malaki ang pangangatawan nito.
"Sino k-ka?" Kinagat ko ang labi ko matapos kong mautal. Ayokong ipahalata sa kanila na may epekto ang ginagawa nila sa akin. oo natatakot ako pero ayoko na malaman nila 'yon.
"Ang pangalan ko ay ang destinasyon mo 'pag natapos ang ganap mo dito sa mundo..." Mahina lang ang tono ng boses nya ngunit may diin, May galit. "... Hell" dugtung nya pa tsaka humalakhak ng isang beses, mahina ngunit nakakakilabot.
"Baliw..." Bulong ko sa sarili ko bago umirap sa kawalan.
May kinuha sya sa gilid at napagtanto ko na may upuan pala doon. Nagpandekwatro sya bago pinagsaklop ang dalawang kamay at tumingin sa akin.
Aaminin ko, natatakot ako, nakakatakot sya. Pero may parye sakin na kampante, kampante na sya yung kasama ko.
"Anong tinitingin-tingin mo?" Tanong nya na nakapagbalik sa huwisyo ko.
"Bakit gold kaba? Bawal titigan ng walang dahilan?" Pabalik na tanong ko.
"Sarkastiko ka, 'wag mong painitin ang dugo ko at baka pumanaw ka ng maaga bata." May halong angas pa sa pagsabi nya.
"Sigurado kabang AKO ang unang papanaw sating dalawa at hindi IKAW?" May diin na tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin ha?" Umayos sya ng upo at diniretso ang likod.
"Matanda kana... Sapat na yung oras na iginugol mo sa mundo, dapat ka ng mamahinga." Saad ko at humikab ng dinalaw ako ng antok.
Buwiset pati ba naman sa ganitong diskusyon inaantok parin ako.
"Haha iniisip moba na kaya mo akong ipatumba? Tss marami kapang makakaing bigas bata... Hayaan mo at mamaya ipagluluto kita pero kasama ka ngalang sa mga sahog." Seryosong banggit nya, mistulang gagawin nya talaga ang mga sinabi nya.
"Haha funny mo naman lods, bakit hindi kapa mamatay para may clown sa impyerno?" Pabalik na pang-aasar ko.
Siniringan lang ako nito at bumuntong hininga.
"May naalala akong tao dahil dyan sa inaasta mo." Mahina at may halong panlulumong saad nya.
"Oh talaga? Sino naman?" Tanong ko at isinandal ang likod sa pader bago tignan sya ng deretso.
"Yung asawa ko." Malamig na banggit nya.
"Hmm... Asan na sya? Iniwan ka? Sabagay sino ba namang mananatili sa kagaya mo diba?" Nakangiti't nang-aasar na sabi ko.
Natahimik naman sya at tinitigan ako.
"Patay na sya." Malumanay na sabi nya at para bang iniintay ang magiging reaksyon ko. Napaawang naman ang bibig ko at hindi ko maipaliwanag ang biglaang kirot na naramdaman ko matapos marinig iyon.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AksiThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie