44

1.3K 44 7
                                    

Heat's POV

"Are you crazy Mr, Vun Lior Bontre?! Nagdala ka ng patalim sa loob ng School at nanakit kapa talaga!" Umalingaw-ngaw ang napakalakas na sigaw ng principal namin.

"Natural, kaya nga ako nagdala ng Knife para gamitin diba? Anong gusto nyong gawin ko dun? Bitbitin lang tas hindi gamitin?... Tss stupid." Napaawang ang labi ko dahil sa uri ng pagsagot ni Vun.

"I-ikaw talagang bata ka!" Madiin na saad ng principal at nanginginig ang daliri na dinuro si Vun.

"Exuse me? Hindi na ako bata." Pabalang na sagot ni Vun na naging dahilan ng pagbigat ng hininga ng principal.

Tinignan ko naman ng masama si Vun at palihim na sinipa sya.

"Napakatanda mo na... Pero hindi ka parin talaga nagbabago. Kahit noong highschool ka ay ikaw na talaga ng problema ng school na ito!" Padabog na inihampas ng principal ang kamay nya sa Desk.

Tinignan naman ni Vun yung principal at ngumisi.

"Napakatanda mo na... Pero hindi ka parin namamatay. Kahit noong highschool pa ako ay ikaw na talagang panot ka ang problema ko." Panggagaya ni Vun sa tono ng principal. Nakagat ko naman ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pagngiti at pagtawa.

Siraulo talaga.

Ipinikit naman ng principal ng mariin ang mata nya at hinilot ang sentido.

"Get out. I said Get out!!" Aligaga akong napatayo dahil sa sigaw ng principal.

"Tayo." Hinila ko ang kamay ni Vun para makalabas na kami.

"Wala ka paring pinagbago, pikon ka parin tanda." Nakangiti na saad ni Vun bago kindatan ang principal at nag patianod sa hila ko.

"Sira ulo ka talaga!" Sabi ko at padabog ko syang binitawan.

"Bakit? Ano na namang ginawa ko sayo?" Maang-maangan na saad nya.

"Heat!" Hindi ko nasagot ang tanong nya dahil may tumawag sa akin.

"Gun..." Pagbanggit ko sa pangalan nya.

"Nag-antay ka pala." Pabulong na saad ko.

Pinatawag kase si Vun sa guidance dahil sa nangyaring pagbato nya ng patalim sa isa sa mga estudyante ng school na ito. Hindi naman talaga ako kasama pero kinulit ako ni Vun na sumama sa loob ng guidance dahil baka daw balikan ako ng mga kakilala ng kinanti nya.

"Sabi ko sayo wag mo na kaming antayin diba?!" Bakas sa tono ni Vun ang pagkairita. Tinignan ko naman sya ng masama.

"Si Heat naman yung inaantay ko eh, hindi ikaw." Nakangiti ng kasuwal na sagot ni Gun.

"Bakit mo sya kailangang antayin?" Walang emosyon na tanong ni Vun.

"Kase gusto ko sya." Napatingin ako kay Gun dahil sa isinagot nya.

"A-Ano?"

Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nya kaya ganon nalang ang gulat ko ng kwelyuhan ni Vun si Gun.

"Gago ka ba? Anong sabi mo?" Nanggigigil na tanong ni Vun habang ang kamay ay nasa kwelyo parin ni Gun.

"Gusto ko sya. Bingi kaba?"

"Vun!" Sigaw ko ng biglang lumipad ang kamao ni Vun sa Mukha ni Gun.

"Ano ba?!" Tinulak ko si Vun at dali-daling nilapitan si Gun.

"Are you okay?" Tanong ko at inalalayan syang makatayo.

"Shit." Bulong ko ng makita ang dugo sa gilid ng labi nya.

Basa ang panyo ko kaya balak ko sana na punasan nalang iyon gamit ang likod ng palad ko pero hindi iyon natuloy dahil hinawakan ni Vun ang kamay ko at hinila patabi sa kanya.

"Ano ba?!" Inis na tanong ko dahil sa higpit ng hawak nya sa kamay ko. Tinignan nya ako ng madiin.

"Bitawan mo si Heat." Pinunasan ni Gun ang dugo sa gilid ng labi nya gamit ang thumb nya.

"Ayoko nga." Walang emosyon na saad ni Vun.

"Wag." Pigil ko kay Gun ng aktong susuntukin nya rin si Vun.

Ayaw bitawan ni Vun ang kamay ko kaya binuhos ko talaga ang lahat ng lakas ko para makawala sa hawak nya.

"Ouch!" Reklamo ko. Dahilan para bitawan ako ni Vun.

Tinignan ko ang Wrist ko na namumula-mula pa bago ko ibalik ang matalim na tingin ko kay Vun.

"Umalis kana." Madiin na utos ko sa kanya, napaawang naman ang bibig nya.

"Sasama ka sa'kin-" Pinutol ko ang sinasabi nya.

"Tangina sabi ko umalis kana!" Sigaw ko. Napakurap naman sya at napalunok bago ibalik ang tingin sa akin.

"Kung hindi ka sasama sa akin... Dito lang ako. Hindi ako aalis." Pagmamatigas kaya napahilamos ako sa Mukha ko.

"Bakit kaba kase nandito? Ano bang ginagawa mo dito?" Iniba ko ang usapan.

"Para puntahan ka. Ano paba sa tingin mo?" Sarkastikong sagot nya.

"Pero bakit?" Inis na tanong ko.

Hindi na naman ako bata para puntahan nya sa school at bantayan!

"Gusto kita." Alam kong narinig kona sa bibig nya ang mga salitang iyon pero ang tibok ng puso ko hindi parin nababawasan ang bilis ng tibok, para bang nagkakarerahan.

"'Yon lang?" Nakataas na kilay na tanong ko. Kinagat nya naman ang labi nya at hindi makasagot.

"Diba sinabi kona saiyo na 'hindi kita gusto'?. Gusto moba na ulitin ko?-" Pinutol nya ang sasabihin ko.

"Heat..." Pagbanggit nya sa pangalan ko.

"Hindi mga kita gusto, Vun! Tangina kahit kailan hindi kita magugustuhan. Naiintindihan mo?!" Sigaw ko. Nakita kong dumaan ang sakit sa mata nya, at mayroon sa puso ko na parang may nabasag.

"Ano na naman ito Mr, Vun Lior Bontre?!" Naputol ang pagtititigan namin ni Vun dahil sa kalalabas lang na principal.

"I'm Sorry..." Ako na ang humingi ng paumanhin dahil parang wala namang balak si Vun na gawin iyon.

"Umalis kana." Madiin ulit na saad ko kay Vun bago sya talikuran at hawakan ang kamay ni Gun para hilain na pabalik sa Room.

Ayaw ni Mr, Bontre na may mamagitan sa aming dalawa ni Vun kaya kahit saktan sya ay gagawin ko para lang masunod ang utos ng taong kasulukuyang nag-aalaga sa akin.

***

If you have something to say or complain about, just contact me on my social media Account.

Sa Facebook ako madalas Active kaya doon nalang hoho.

FB Acc: Joana Rapis

Instagram: Joanyie

THANK YOU! TE AMO!

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon