Heat's POV
"May ka-partner ka naba sa Activity?" Biglaang tanong nya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Sinulyapan ko sya ng isang beses bago umiling at ibinalik ulit ang paningin sa pagkain.
Paano ba naman ako magkakaroon ng ka-partner kung wala akong masyadong close sa room. Si Xerveq at Fir naman ay meron na, habang si Lion naman ay Iba ang gagawin dahil narin absent sya.
"Tayo nalang" sabi nya na ang tinutukoy ay tungkol sa Activity.
"Ghe." Tanging sagot ko nalang at nginuya ang pagkain na nakatambak sa bibig ko.
"Nagmamadali kaba?" Sunod na tanong nya, tinignan ko naman sya ng may pagtataka bago umiling.
"Ang bilis mong kumain..." Bulong nya pa pero sapat lang paea marinig ko.
Umirap nalang ako sa kawalan.
Hindi naman sa nagmamadali ako pero ayaw ko lang talaga sya kasabay kumain.
"HEATHER HEAT!!" Umalingaw-lingaw ang sigaw ng isang pamilyar na Boses.
Nabilaukan pa ako kaya inabutan ako ng tubig ni Gun.
"Salamat" sabi ko pagkatapos ubusin ang bottled water na ibinigay nya.
Pinunasan ko ang bibig ko at inis na hinarap ang lalaki na sumigaw sa napaka gandang pangalan ko.
Walang iba kundi si Vun.
Mabilis ang hininga nya at mabibigat ang yapak na lumakad papunta sa table namin.
"Ano bang sinisigaw-sigaw mo jan?!" Inis na sigaw ko.
"Anong ginagawa mo?!" Inis rin na tanong nya pabalik.
"Nakain, hindi moba nakikita?!" Sarkastikong saad ko at inilahad pa sa kanya ang kinakain ko.
"Pero bakit iba ang nakikita ko?!" Inis parin na sigaw nya habang pinanliliitan ako ng mata.
"Ano bang problema, bro?" Naunahan ako ni Gun sa pagtatanong.
Nilipat naman ni Vun ang tingin nya kay Gun. Pero mas matalim na ang mga tingin nito.
"Ikaw? Ano bang problema?" Sarkastikong saad ni Vun habang may nakakalokong ngiti pa sa labi nya.
Nababaliw na naman sya...
"Bakit ka nandito?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Ha! Tinatanong paba yan?!!" Nanggagalaiting sigaw nya pero inirapan ko lang sya.
"Wag ka ngang sumigaw! Ano bang problema?!" Naiinis narin na Wika ni Gun.
"Anong problema? Balak ko lang sanang sunduin ang GIRLFRIEND ko para makakain kami ng lunch ng sabay. Pero pagdating ko maaabutan ko ang GIRLFRIEND ko na kumakain kasama ang CLASSMATE nya lang. Ayon... Ayon ang problema ko!!" Buong lakas na sigaw ni Vun.
Nanlaki naman ang mata ko.
Girlfriend nya? Kailan nya pa ako naging Girlfriend?..
Matapos ang bitawan ni Vun ang mga linyang iyon ay naging tahimik na sa buong Cafeteria.
Marahil ay nagulat din ang iba dahil sa sinabi nya... Maski ako ay nagulat din.
"G-Girlfriend?" Nagtataka na saad ni Gun.
"Oo! GIRLFRIEND nga! Paulit-ulit..." Reklamo ni Vun at inilipat naman sa akin ang matatalim na tingin.
Napalunok naman ako habang nanlalaki pa ang mata.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AksiThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie