9

3.1K 112 6
                                    

Heat's POV

Nagising ako ng may maramdaman ako na mainit na hininga sa pisnge ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at napahawak ako sa leeg ko dahil sa hapdi na nanggagaling doon.

Damn. Pag nalaman ko lang talaga kung sino yung mga sumugod samin, ako na mismo ang huhukay sa libingan nyo!

Tumingin ako sa pinang-gagalingan ng mainit na hininga at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Vun na nasa tabi ko.

"What the..." Dali-dali ako tumayo habang nanlalaki ang mga mata.

"Damn it..." Ang hapdi ng likod ko sa pag biglaang pag tayo ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa naramdaman ko.

"Heat?... Gising kana..." Napadilat ako dahil sa narinig kong boses. Nakita ko si Vun na dilat na dilat at halatang bagong gising dahil sa magulo nyang buhok.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, dahil nakakapanibago na nagising ako at sya ang bumungad sa akin.

Dati rin naman nakikita ko na sya pagdilat palang ng mata ko, pero ngayon ay iba dahil hindi nya kasama yung anim.

"Obvious ba? Binabantayan kita..." Sagot nya sa tono na para bang ang tanga-tanga ko dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong nya.

Tinignan ko lang sya ng may halong pagtataka habang nakataas pa ang isang kilay ko.

Mukhang nakuha naman nya ang iniisip ko kaya napalitan ang reaksyon nya. Naging naiilang.

"A-ahh... Kase diba... May sugat ka kaya babantayan kita" may halong iritasyon sa tono nya habang hindi pa makatingin sa akin.

Tinignan ko naman ang ang kamay nya na nagalaw-galaw pa habang nagpapaliwanag sya.

"Ahh, ok" sagot ko nalang dahil ayoko na nakakaramdam ng pag ka-ilang ang mga tao sa paligid ko pag dating sa akin.

Tumayo naman ako pero hindi kona ininda ang sakit ng mga hiwa ko.

"San ka pupunta?" Tanong nya at bumangon na rin sa kama.

"Kukuha ng pagkain nagugutom nako..." Sabi ko at inayos ko ang nakatapal sa pisnge ko na nalukot.

"Wag ka munang tumayo! Sabi ng doctor ay magpahinga ka muna! Umupo ka... Umupo ka muna!" Sigaw nya habang pilit akong inuupo pero hindi ako nagalaw sa kina tatayuan ako.

Nagtataka ako kase hindi parin sya makatingin sa akin.

"Bumalik ka sa kama sabi.." Irita na sabi nya habang palipat lipat ang tingin pero hindi lumalapat sa akin ang paningin nya.

"Hoy... Vun" padabog na tawag ko.

"A-ano?" Utal na tanong nya at nagkamot pa ng batok.

Tumaas naman ang kilay ko at humalikipkip sa tapat nya. May naramdaman akong hapdi sa pag galaw ng braso ko pero hindi iyon naging dahilan para alisin ang titig ko sa lalaking nasa harap ko.

"Bat hindi ka tumitingin sakin?" Tanong ko at hinuhuli ang tingin nya.

"Umupo ka nalang kase!" Sigaw nya at umaastang hihilain ako pero hindi lumalapat ang kamay nya sakin. Para bang may sakit ako na nakakahawa.

"Sinisigawan moko?" Tanong ko at humakbang ako palapit sa kanya.

"Woah!" Palahaw nya ng nakita ang pag hakbang ko palapit sa kanya.

Adopted Girl In The Family Of boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon