Heat's POV
"Tsk!" Inis na asik ko dahil sa hindi matanggal-tanggal na amoy ng itlog sa mukha ko.
Halos magkakalahating oras na ako dito sa loob ng restroom pero ayaw parin matanggal ng masangsang na amoy.
"Oh, look who's here..." Nabaling agad ang atensyon ko sa kakabukas lang ng pinto.
Tinignan ko ng may pagtataka ang dalawang babae na pumasok. Agad namewang yung isa at yung isa naman ay pinagkrus ang kamay.
"Kung sinuswerte kanga naman." Nakangisi na sabat ng pangalawang babae.
"Anong kailangan nyo?" Tanong ko at ibinalik ang paningin sa salamin para ipagpatuloy ang pagtanggal ng nakakairitang amoy na iyon sa mukha ko.
"Kami dapat magtanong sa'yo nyan..." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-irap ng pangalawang babae.
"Oh tapos?" Pabuntong hininga na tanong ko.
"Gaga kaba? Lamalandi ka na nga lang sa Bontre pa..." Kumunot ang noo ko ng marinig ang sinabi nya.
"Eh, sino gusto nyo landiin ko? Boyfriend nyo?" Hinarap ko na sila sa pagkakatong 'to.
tumaas naman ang kilay nung unang babae at umayos sya ng tayo na para bang nasindak sa sinabi ko.
"Wala kami non..." lumabas ang nakakalokong ngiti sa labi ko matapos mainig ang sinabi nya.
"Iyon naman pala... Nagtataka ako kung bakit ang daming umangal nung nilandi ko kuno si Vun, Inggit lang pala kayo kase maski isang dipa ay hindi kayo makalapit sa kahit na sinong Bontre." Pang-aasar kopa.
"Inggit?! Nababaliw kana ba?!" Inis na sigaw nung naunang babae.
"Pero Bontre narin ako ngayon. Kaya dapat maging masaya kayo na nakakausap nyoko." Nakangiti na saad ko, Binaliwala ang sinabi nya.
"Pero sige... Bahala kayo kung anong gusto nyong maramdaman..." Tumingin ako sa relo ko. "Bye na mga sis, Late na ako." nakangiti na sabi ko at naglakad na palabas ng restroom, sinadya kopa na banggain yung braso nung babae bago ako tuluyang makalabas.
Nasa akin parin ang paningin ng lahat at mistulang pinapatay na ako sa sama ng tingin pero wala akong pakielam dahil ang nakapukay ng atensyon ko ay ang mga lalaki na may kakaibang tingin sa akin.
"Miss! Palandi naman ako oh, Mayaman din yung pamilya ko!" nakangisi na tawag pansin sa akin nung lalaking magulo ang buhok. naka sandal sya sa pader habang may nginunguya.
Tinignan ko lang sya ng walang emosyon bago sya lampasan.
"Aruy! 'Di ka pinansin brad!" Narinig kopa na asar sa kanya ng mga kasama nyang feeling cool na lalaki, dugyot naman. sya lang ata yung may matinong itsura sa kanila ng mga kasama nya.
"Psh! A-Ayos lang! Hindi naman maganda!" Narinig kopa na pasinghal na saad nya. Wala sa sarili akong napangisi.
Pagkapasok ko sa loob ng room ay katahimikan agad ang bumungad sa akin at napansin ko na wala si Fir at Xerveq.
Magpalatuloy na sana ako sa pagpasok ng harangin na naman akk ng babaeng humarang sa akin noong unang araw ng pasukan.
Pinagkrus nya ang kamay nya sa chest nya bago ako pagtaasan ng kilay.
Fuck naman! Lagi nalang bang may haharang?!
"Naniwala ako na Bontre ka kase maganda ka naman talaga, pero-"Hindi kona sya pinatapos sa pagsasalita dahil alam ko na hahaba na naman ang eksena.
"Salamat sa compliment." Saad ko bago sya talikuran. Pero hindi pa nga ako nakakatatlong hakbang ay hinigit nya na agad ang buhok ko.
"Where are you going?! Kinakausap pa kita!" Inis na sigaw nya habang hawak parin ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActieThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie